CHAPTER 11

134 8 0
                                    

Halos hindi ako makahinga ng maayos ng dumating na kami sa bahay nina Alexander. It wasn't that big at medyo old style ang disenyo ng kanilang bahay.

Pagpasok namin sa gate ay agad kaming sinalubong ng isang napakacute na aso.

Lumuhod si Alexander at hinawakan ang aso.

"Hi, Wacky. Ang bango mo ah. Bagong ligo ka siguro." Panay galaw naman ang buntot ng aso at halatang gustong gusto niya si Alexander.

Lumuhod din ako sa hinawakan ang aso.

"Hello, how are you." Ang cute niya sobra.

Lumapit sa akin ang aso at isiniksik ang katawan niya sa akin dahilan para matawa ako.

Tumayo si Alexander habang pinagmamasdan pa rin kami.

"Mukhang gustong gusto ka niya ah." Aniya.

"Aww, ang cute niya." Sabi ko. I really love dogs. Naalala ko ang alaga kong aso noon. Sobra talaga ako nalungkot ng magkasakit at namatay ito. From then, nagdesisyon na akong wag ng mag-alaga ng kahit na anong hayop especially aso kasi sobra akong nagiging sensitive pagdating sa kanila.

Ilang saglit pa may biglang lumabas sa pintuan. Babaeng naka dress at siguro mga 50 years old pataas na.

Agad itong lumapit sa amin ni Alexander dahilan para mapatayo ako.

She must be Alexander's mom dahil medyo hawig sila.

Nagkatinginan kami nung babae then suddenly I felt Alexander's hands on my waist.

"Mom, this is Kate my girlfriend." Tumingin siya sa akin.

"Kate, siya ang mom ko." Tama nga ako. She is Alexander's mom.

Ngumiti ako sa mama ni Alexander at nilahad ang aking kamay na malugod naman niyang tinanggap. Nakahinga ako ng maluwag dahil dun.

"Halika pasok kayo. Naghanda ako ng meryenda." Alok ng mama niya.

Tiningnan ko si Alexander and he smiled back at me. Sobra pa rin talaga akong kinakabahan.

---

Napatingin ako sa juice, tinapay, at cookies na nasa center table ngayon. Hindi pa naman ako nagugutom dahil sa naparami ako ng nakaing lunch kanina kaya hindi ko pa nagagalaw ang pagkain ko.

Nasa tabi ko si Alexander habang nasa tapat namin ang mama niya.

Nalaman kong nasa States ang kapatid at Papa ni Alexander. Her mom said na doon na dapat sila titira sa States for good pagkatapos mag graduate ni Alexander but for some reasons ay naiwan sila dito.

"Alam mo hija, palagi kang bukambibig ni Alexander sa akin. Kahit kumakain kami, ikaw palagi ang topic namin." Narinig kong mahinang napatawa si Alexander sa sinabi ng mama niya.

"I have never seen my son that happy until you came. Thank you, Kate." Dagdag pa ng mama niya.

Inaamin kong kinilig ako sa sinabi ng mama niya. I mean, sino ba namang hindi kikiligin? For me it is very flattering.

Natatakot kasi ako sa magiging reaksyon ng mama niya towards me being his son's girlfriend pero sobrang nakahinga ako ng maluwag ng marealize na kabaliktaran pala ng lahat ng iniisip ko ang nangyayari ngayon. Sobrang bait pala ng mama niya. Gusto ko rin tuloy ma meet ang kapatid at daddy niya.

"No need, Maam. Nagpapasalamat rin po ako sa anak niyo." Tumingin ako kay Alexander na nakatingin lang sa akin. "He has done a lot of things for me. He made me realize a lot of things that I failed to understand and realize before. I am so lucky to have him just like on how he is on me." Nakita ko ang pamumula ni Alexander.

"Ang sweet niyo ha." Biro ng mama niya sabay tawa.

"And Kate, tita na lang itawag mo sakin. Wag na maam hindi mo naman ako guro." Napatawa ako sa sinabi ni Tita. Oo nga naman.

Ilang saglit pa habang patuloy pa rin kami sa aming kwentuhan ay bigla akong naihi kaya tinanong ko si Tita kung saan yung CR.

Nag insist si Alexander na samahan ako pero tumanggi ako. Isa pa kaya ko naman.

Nalaman ko rin base sa kwento ni Tita na halos lahat ng relatives at pamilya nila ay nasa States. Iilan na lang ang nandito sa Pilipinas. Nagtataka tuloy ako kung ano ang rason kung bakit hindi sila natuloy sa States pagkagraduate ni Alexander.

Pero napaisip din ako, kung umalis si Alexander at natuloy siya sa States, hindi kami magkikita. My life would never be like the way it is now. Siguro tulad pa din ako ng dati. Maybe tadhana talaga ang may gusto nito. Hindi natuloy si Alexander kasi nakatakda kaming magkita.

Pagkatapos kong umihi ay bumalik na ako sa sala pero papalapit pa lang ako ay narinig ko ng seryosong naguusap sina Alexander at Tita. Hindi ko naman sinasadyang marinig ang pinaguusapan nila.

"Kailan mo balak sabihin sa kanya?" Ani ni Tita. Sabihin?

"Just give me more time, Mom. Sasabihin ko din kay Kate." Wika ni Alexander.

They are talking about me. Bakit? Ano ang kailangan niyang sabihin sa akin?

"Bilisan mo anak. We are running out of time." Sabi pa ni Tita.

Bigla akong kinabahan sa mga naririnig ko. May kailangang sabihin sakin si Alexander? Ano? Bakit hindi pa niya sabihin?

"I will, mom. I will tell her in time." Sagot niya.

Ano ang kailangan niyang sabihin sa akin? At bakit kailangan pa niyang patagalin?

Kinakabahan ako. Sobra.

Kinakabahan ako na baka may kapalit lahat ng kasiyahang nararamdaman ko ngayon.

When She Finally Meets Her MatchWhere stories live. Discover now