CHAPTER 7

166 11 0
                                    

Sa mga sumunod na mga araw, hindi nagparamdam si Alexander. Hindi na muli kami nagkita mula noong sumbatan niya ako sa kotse niya. Which I thought was a good thing. Besides, I have to focus sa paglipat ko sa mansion. Papa is so excited noong binalita ko sa kanya that finally I am going home.

Naalala ko kasi ang sinabi ni Alexander. He is right what matters is the present. Let the future wait while you are living your present.
Dala ang maleta ko ay pumasok na ako sa mansion.

I took a deep breath. Finally, I am home.

"Kate, hija." Agad akong sinalubong ng yakap ni Tita Zeneth. Nasa likod naman niya si Ingrid at nakangiti ito sa akin.

"Si Papa?" Tanong ko.

"He is in our room. Nagpapahinga. Halika at ihahatid ka namin sa kwarto mo." Wika ni Tita.
---

Namangha ako sa ayos ng kwarto ko. I mean, ganun pa rin ang ayos mula noong umalis ako.

Inilapag ni Ingrid ang maleta ko malapit sa malaking cabinet.
Naupo ako sa kama.

"I'll just prepare our lunch. Tatawagin ko na lang kayo if kakain na." Sabi ni Tita Zeneth bago niya nilisan ang kwarto.

Nagpaiwan naman si Ingrid at tinulungan akong ayusin ang gamit ko.
Dapat rin akong magpasalamat kay Ingrid.

Mula noong umalis ako ay siya na ang umako ng lahat ng responsibilidad na iniwan ko. Sa kompanya, sa pamilya, at kay Papa. Ni minsan ay hindi siya nagreklamo. Ni minsan ay hindi niya ako sinumbatan. Instead, ginawa niya ang lahat para mapabuti yung mga bagay na dapat ay ako ang gumagawa.

Gusto kong bumawi din sa kanya. And I know that it is not yet too late.

"I am happy, Ate now that you are here." Bigla niyang sabi.

"Masaya din ako, Ingrid." Hinawakan ko yung magkabilang kamay niya.

"Pasensya ka na sa mga taon na wala si Ate ha. Don't worry babawi ako. Babawi ako sa inyo." Dugtong ko at niyakap siya.
---

Pagkatapos naming mag-ayos ni Ingrid ng mga gamit ko ay bumaba na kami para kumain.

Nadatnan kong nandun na si Papa.
Agad ko siyang niyakap at niyakap naman niya ako pabalik.

"Finally, you are home." He smiled though medyo matamlay pa rin ang boses niya.

Buti na rin siguro na andito ako sa mansion para na rin maalagaan ko si Papa. Kahit na andito si Tita Zeneth at may private nurse naman siya, iba pa rin na may makakatulong sila.

Umupo ako sa tapat ni Tita Zeneth habang tumabi naman sa kanya si Ingrid.

"It's good that you and Ingrid are both here. May kailangan akong sabihin sa inyo." Panimula ni Papa.

Nagsimula naman akong kumuha ng kaunting kanin at nagsalin ng sabaw sa bowl.

"Me and Zeneth had already talked about this and we both agreed. Kaya napagdesisyonan namin pareho na sabihin na rin sa inyo." Napatingin ako kay Tita na nakatingin din kay Papa.

"What is it, Papa?" Tanong ni Ingrid.
Tumigil muna ako sa pagkuha ng ulam at tumingin kay Papa.

"I've decided na ibenta na ang kompanya." Wika niya na siyang ikinagulat ko.

Ibebenta ang kompanya? Why?

"Pero Papa diba ayaw niyong ibenta yun?"  Pangangatwiran ko. Tumango si Papa bago nagsalita muli.

"Noon, ayaw ko. Pero napagisipan ko rin kasi ang sinabi mo noon. Nalulugi na ang kompanya and I think that the only solution to save the company and our workers is to sell it." Aniya.

Alam ko kung gaano kahirap para kay Papa ito. All my life nakita ko siyang magstruggle para lang maitayo at maging maayos ang kompanya. Sabi pa nga niya that the company is the fruit of all his hardworks.

"Isa pa, hindi na rin maganda ang kondisyon ko. I can't rule the company anymore. Kung ikaw naman ang magpapatakbo nito, Kate." Bumaling siya sa akin.

"I know that managing business has never been your dream at ayaw na kitang pilitin pa." Medyo nagulat ako sa sinabi niya.

Matagal kong gustong marinig iyon mula sa kanya.

"Andyan naman si Ingrid." Napatingin ako kay Ingrid.

"Ingrid will be going to London next month para ipursue ang gusto niyang maging Fashion Designer." Paliwanag ni Papa.

"Masakit at mahirap sa akin ang gagawin kong ito pero napasip ako na it's time for me para makabawi sa inyo. By selling the company, mas magkakaroon na ako ng more time sa inyo which is ang hindi ko nagawa noon." Wika ni Papa.

Hindi ko alam pero bigla akong naluha sa sinabi ni Papa.

Finally, I am home.

Finally, unti-unti ng nagiging maayos ang relasyon ko sa pamilya ko.

At tulad ng sabi ni Alexander, unti-unti ng nakikita ng mga taong mahal ko ang maganda sa akin. Yung totoong ako at totoong nararamdaman ko. Things that they failed to see or understa nd before.

Finally and for the first time, sobra akong nakaramdam ng saya.
---

Pagkatapos kumain ay agad na akong pumasok sa kwarto para makapagpahinga.

It would be the first time I'll be sleeping in my room again after 8 years.

I was 18 when I decided to live alone. Sobrang saya ko noong time na yun kasi pakiramdam ko makakalaya na ako mula sa pagkakakulong.
I once thought that living all by myself would be the best way to escape everything. But all along, it was not.

Napahiga ako sa kama at tinawagan si Jacque through facetime. I need to tell her na andito ako sa mansion.

"Jacque!" Bati ko.

Nasa kwarto din niya siya. I guess reading fiction books again.

"Wait! Nasa bahay ka na ninyo?" Tanong niya. She must saw the wallpaper on my background.
Halatang nagulat ito pero I can also see the happiness in her face.

"Yeah. Kaninang umaga lang ako lumipat." Sabi ko.

Umupo ako sa kama.

"Well, sinunod mo talaga ang advice ni Alexander sayo ah." She said.

Napatahimik ako. Speaking of Alexander, hindi na siya nagpaparamdam sa akin. Busy ba siya?

"Hindi naman. Naisip ko lang kasi na may point din naman siya." Ngumisi si Jacque sa sinabi ko at tumango-tango. Inirapan ko siya kaya napatawa ito ng mahina.

"Eh kayo ni Alexander, kamusta na kayo?" Aniya.

"Kami?" Naguguluhang tanong ko.

"Oo, kayo. May kayo na ba?" Biro ni Jacque. Namula ako sinabi niya. Wtf!

"Hindi pa rin siya nagpaparamdam since noong nag-away kami." Wika ko.

Nag-away? Parang ang awkward ng term na yun. I mean, nag-away ba kami? Away ba yun? Hayst. Ewan.

"Baka nagpapalamig lang. O di kaya nagpapamiss. Miss mo na ba?" Tanong ni Jacque.

"Hindi. Asa siya." Tumawa si Jacque sa sinabi ko. Kainis talaga.

"Okay, yan sabi mo eh. Sige na at tinatawag na ako ni mama sa baba. Call you again soon." Aniya bago inend yung call.

Napahiga uli ako sa kama at napatitig sa kisame.

What are you doing, Alexander? Bakit pinapahirapan mo ako ng ganito? I can't deny it, nahihirapan na ang puso ko. Am I starting to love you? Or maybe I'm already in love with you?
Napahilamos ako sa aking mukha.

Nababaliw na ako.

When She Finally Meets Her MatchWhere stories live. Discover now