CHAPTER 8

156 9 0
                                    

Warning: R+18

"Ate, saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Ingrid na nakaupo sa sofa.

"Babalik ako ng condo. May naiwan kasi akong gamit dun." Tumango-tango ito. 

"Pahatid ka na lang kay Kuya Andoy." Aniya pero tinanggihan ko ito.

Alam ko naman kasi magcommute. Isa yun sa mga natutunan ko when I started to live independently.

Isa pa, may dadaanan din ako pagkatapos. 
Agad na akong lumabas ng mansion at nagantay ng taxi. 

Napatingin ako sa phone ko. Bakit kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdam si Alexander? 
---

Pagdating ko sa unit ko, agad akong tumungo sa drawer para tignan kung andun pa ba ang hinahanap ko.

Napahinga ako ng malalim ng makitang andun nga. Thank God!

Napatingin ako sa paligid.

For 8 years I used to live here all alone. Living independently made me realize a lot if things. Dahil dito mas natutuo akong magtrabaho para mabuhay. Noon, hindi ako umaasa sa pamilya ko. I only had myself at kung ako kikilos, hindi ko alam kung saan ako pupulutin. 

Huminga ako ng malalim bago napagpasyahang lumabas na ng unit ko. 

Nagulat ako ng buksan ko ang pinto kasi mukha ni Alexander ang agad na bumungad sa akin. 

Magulo ang kanyang buhok at diretso lang siyang nakatingin sa akin. Again, his eyes are saying something. His eyes are very attractive yet mysterious. 

"Alexander, bakit ka nandito?" I said. 
Hinawakan niya ang mukha ko at ngumisi. Doon ko napagtanto na parang nakainom siya. 

"Nakainom ka ba ha?" Tanong ko pa.

"I miss you." Mahinang sabi niya at ngumiti. 

Bigla niya akong hinila at niyakap. 
Nakainom nga. Naaamoy ko yung baho ng alak eh. 

Hinila ko siya papasok ng unit ko at pinaupo sa sofa. Medyo paika-ika pa siya ng lakad kaya medyo nahirapan ako. 

Kumuha ako ng bimpo sa kusina at tsaka pinunasan siya. 

"Bakit ka ba kasi naglasing ha?" Ani ko. 

Hindi siya umimik. Nakaupo lang siya at nakatingin sa akin. Medyo naiilang nga ako. Hindi tuloy ako makafocus sa ginagawa ko. 

Nilapag ko ang bimpo sa mesa at tinignan siya. Bakit ka ba nagkakaganito?

"What's the problem?" Seryosong tanong ko.

Gusto ko rin siyang tulungan sa problema niya, kung meron man. Tulad ng ginawa niya sa akin. Gusto kong maramdaman niya na andito lang din ako para sa kanya.
He saved me when things are very tough for me. He never judged me instead he helped me realize a lot of things. 

"Gusto mo talagang malaman?" Biglang naging seryoso ang atmosphere sa paligid naming dalawa. 

"I am jealous."

Jealous? 

Lumapit siya sa akin hanggang sa maglapit ang aming mga mukha. 
Sa sobrang bilis ng kabog ng puso ko feeling ko sasabog na siya anytime.

"Bakit mo ba ginagawa sakin ito, Kate? You're driving me crazy and I am already crazy about you now." Nakita ko ang pagtingin niya sa labi ko kasabay nito ang pag lipbite niya. 

"Can't you see? I like you. I love you, Kate." Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. 

Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon hindi na ako makapagisip ng sasabihin. I don't know how to react.

When She Finally Meets Her MatchWhere stories live. Discover now