Epilogue

112 11 9
                                    

Author's Note:

Taos-puso akong nagpapasalamat sa lahat ng nagbigay ng kanilang oras para tunghayan at suportahan ang kwentong ito.

Sa ilang taon kong pagpapabalik-balik sa Wattpad upang magbasa at mag-draft ng kung anu-ano, ito ang kauna-unahang nobelang natapos ko. Mananatili 'tong mahalaga, lalong lalo na ang mga nakasama ko sa pagbaybay sa isturyang ito. Mahal ko na kayo!

Narito na ang wakas mga darling! Share me your thoughts! 💙


EPILOGUE

THIRD PERSON P.O.V.


6 months later...

Happy Birthday Ma!”

Umugong ang mga palakpakan at tawanan sa loob ng tahanan ng pamilya Ibarra. Puno ang kanilang sala ng mga kaibigan ng pamilya at ibang kamag-anak para ipagdiwang ang kaarawan ng ilaw ng pamilya—si Belinda. Nasa gitnang harap ito ng lamesang puno ng mga pagkain habang ang kaniyang mga anak na sina Noime at Juliet ay nasa magkabila niyang tabi. Puno ng ngiti ang bawat isang nakapalibot sa kanila.

“Maraming salamat sa inyong lahat!” sambit ni Belinda matapos ihipan ang kandila ng cake na nasa harapan niya. Napayakap na lang sa kaniya sina Juliet at Noime. “Oh siya, kumain na tayo,” anunsiyo nito pakatapos.

“Happy Birthday Ma!”

Sa kalagitnaan nang kainan, biglang dumating ang kanina pa nila hinihintay na si Clara. Nagmamadali  ito at may hawak pang mga gusot-gusot na folder. Agad niyang niyakap ang ina.

“Ate ha, nagpa-late ka,” puna ni Juliet sa nakakatandang kapatid.

Umismid naman si Clara. “Hoy! Hindi ko naman sinasadya at tsaka may good news akong dala!” anunsiyo nito. Tulad pa rin nang dati, may pagkamataray pa rin si Clara ngunit marunong na itong kumontrol ng mga salita niya, lalo na noong na-diagnosed ng depression ang lagi niyang hindi nakakasundong kapatid na si Juliet. Mula noon, natutong umintindi si Clara at mas napalapit pa sa kapatid.

“Guess what?!” hindi mapakaling sambit ni Clara. “Pasado ako sa paga-apply sa Casa Simeon Hotel!”

Agad siyang binati ng mga bisitang nakarinig sa ibinalita niya. Muli na naman silang nagyakapan na magi-ina. Bakas na bakas ang ngiti sa bawat isa sa kanila.

“Masaya kami para sa'yo anak!” ani ng nanay nila.

“Ate, hindi ba't head noon 'yung famous na miraculous lady?” biglang tanong ng nakababatang kapatid na si Noime. Tumango si Clara bilang sagot.

“Oo, si Madam Beatrice Simeon! Nakita ko nga siya kanina. Sayang lang at hindi pala siya ang magiging amo namin sa 3rd branch ng hotel nila.”

Tinutukoy nila ang kasalukuyang CEO ng pinakasikat na hotel sa bansa na Casa Simeon. Itinatag ito noong 1990s at kasalukuyan na ngayong pinamamahalaan ng succesor ng orihinal na may-aring si Goldia Simeon. Kilala si Beatrice Simeon bilang Miraculous Lady dahil sa kondisyon nitong pagkabulag noong bata pa, na milagro 'di umanong gumaling. Sa kasalukuyan, napalawak na nila ang negosyo sa iba't ibang bahagi ng bansa at higit pa rito, maraming natutulungan ang mga charity na itinatag mula sa kanila.

Till I Rewrite The Stars (Under Revision)Where stories live. Discover now