07

114 21 1
                                    

Chapter's Featured Song: Killing Me Softly by Fugees


Chapter  7

I am now taking the risk just to be with Estefanio Del Carpio. This was only a mere dream way back then. Hindi ko na dapat pang sayangin ang pagkakataon na ibinigay sa akin ni Eda.

Kahit na maging kontra pa si Mrs. Del Carpio, kay Estefanio lamang ako maniniwala. Siya ang rason namin ni Eda kung bakit kami naririto. Siya ang importante rito, at hindi ang sinumang ibang tao.

Narito kami ngayon sa parking area ng ospital. Kinausap pa ako ni Estefanio tungkol sa nangyari kanina at trabahong gagampanan ko. Buo na ang loob kong um-oo sa kaniya. Natuwa naman siya rito at ipinangako niyang hindi ako magsisisi sa disesyon ko. Bagama't, sinabi niya rin sa akin na nais ni Mrs. Del Carpio na magkakaroon ako ng report sa kaniya araw-araw dahil nagsisilbi rin pala itong manager niya.

“Juliet, here's my personal driver—Kuya Arnolfo,” pagpapakilala ni Estefanio sa lalaking nakatayo kanina sa sasakyang tinunggo namin. “Then here's Billy and Edson, my security staffs,” turo niya naman sa dalawa pang lalaki na nakasunod kay Kuya Arnolfo.

“They will be joining us mostly lalo na sa mga tapings, guestings, and meetings since Mom always wants me to be secure. Kung hindi lang siya napilay, probably kasa-kasama rin natin siya,” paliwanag ni Estefanio.

“Hi Ma'am Juliet,” pagbati sa akin ni Kuya Arnolfo. Ngumiti pa ito sa akin. Pilipino si Kuya Arnolfo at ang dalawang personal security naman ay mukhang mga Amerikano. Ngumiti rin sila sa akin.

“Juliet na lang po,” saad ko at saka rin ngumiti. Hindi naman ako professional kaya hindi na ako kailangan pang tawagin na ‘Ma'am’ o kahit ano pa mang pormal na pagtawag. In fact, pakiramdam ko nga sila pa ang mas may alam sa trabaho ko.

“Tomorrow, the production is about to set a Welcome Party for me at the Lacson's Hotel. You shall go with us, para na rin makapag-start ka na as my P.A. We'll see each other at Casa Simeon, 7 AM. All you have to do tomorrow is to assist me on whatever I will be needing. My kits are actually always ready on our van naman,” sabi ni Estefanio sa akin. Tumango naman ako at tinandaan ang mga ito.

“For now, Kuya Arnolfo will sent you home. It's already dark and I really want to apologize para sa abala ni Mom sa iyo,” dagdag pa niya at nginitian ako.

“It's a-alright Sir. I understand. Thank you so much,” sabi ko na lamang at tumango sa kaniya. Nauna nang pumasok ng van si Kuya Arnolfo kaya't sumakay na rin ako sa front seat. Agad din namang bumalik sa loob ng ospital si Estefanio kasunod sina Billy at Edson.

----

Maaga akong nagising dahil na rin kay Eda. Matapos ko kasing sabihin sa kaniya kagabi ang nangyari at mga mangyayari ay sinigurado niya nang hindi ako mali-late para raw sa unang trabaho ko kay Estefanio Del Carpio. May pasok din sana kami ngayong gabi sa Infinity Resto Bar pero dahil hindi ko rin alam kung gagabihin ba kami sa Welcome Party ay ipagpapaalam na lang daw ako ni Eda.

“Masaya ako Juliet sapagkat pinipili mo ang disesyon na ito. Wala namang nawawala sa iyo. Hindi ba't ipinangako kong babalik at babalik tayo sa panahon mo na walang magbabago?” saad ni Eda habang inaayos ang damit na isusuot ko. Pakiramdam ko tuloy naging dakilang taga-asikaso na sa akin si Eda kahit kaya ko naman itong gawin.

“Salamat Eda. Nagpapasalamat talaga ako sa iyo nang lubos. Huwag mo akong iiwan ah. I-promise mong lagi mo akong babantayan at laging hihintayin. Hindi ko kaya kapag nawala ka sa panahong ito. Ikaw lang ang tanging sandigan ko rito,” sabi ko naman sa kaniya. Sa totoo lang naman, talagang mahina ang loob ko. Pinanghahawakan ko lang talaga ngayon ay si Eda at ang mga pangako niya kaugnay sa kahilingan kong ito.

Till I Rewrite The Stars (Under Revision)Where stories live. Discover now