22

60 11 2
                                    

Chapter's Theme Song: Sailing by Rod Stewart

Chapter 22


"Si— Gwendelyn" hindi ko makapaniwalang bulalas habang iniisip ang mga nangyari sa amin dati.

"Teka, siguro ba kayo sa sinasabi niyo? Walang rason si Gwendelyn para gawin ang binibintang niyo," saad ko kina Donna at Mona. Bakas sa mukha nila ang pagkabigla.

"Totoo ang sinasabi namin. Mabuti nga't pinagkakaabalahan pa namin kayo ng panahon kahit na hindi tayo close noh," madiing katwiran ni Donna. Pinaypayan niya ang sarili niya gamit ang kamay at saka tumayo. "Aalis na kami. Bahala kayo diyan. Basta sinabi na namin ang kailangan niyong malaman. Kung gusto niyong makasiguro, ede hanapin niyo 'yang Gwendelyn na 'yan."

Sumunod naman sa kaniya si Dona. "Sige ha, ba-bye. Kung kailangan niyo ng translator next time hanapin niyo lang ako," mahinang sambit nito at saka nagtungo sa pinto kung saan naghihintay si Donna.

Hindi na namin nagawa ni Eda na pigilin pa sila dahil mukhang pareho kaming pinupuno ng mga katanungan sa isipan ngayon.

"Juliet, s-sino si Gwendelyn?" pagbasag ni Eda sa katahimikan. Hindi ko nga pala nagawang ipakilala noon si Gwendelyn kay Eda.

"Naging kaibigan ko siya sa production. Personal assitant siya ni Romialdo Salazar, isa sa mga artistang kasama ni Estefanio sa pelikula," paliwanag ko.

"Hindi ka man lang ba naghinala sa kaniya? Kung kaibigan mo siya, bakit niya naman gagawin ang ibinibintang nina Donna?"

Umiling ako at napahinga nang malalim. "'Yun nga rin ang iniisip ko. Naniniwala akong hindi naman dahil lang sa pagtatampo kaya magagawa 'yun ni Gwendelyn." Naalala ko iyong pag-aaway na nangyari sa amin ni Lolita kung saan pinaalis ko si Gwendelyn.

"Hindi kaya..." Natigilan si Eda. "H-hindi kaya isa siyang celestial soul?"

Pareho kaming natigilan. "Naisip ko nga 'yan pero...paanong magiging isang celestial soul si Gwendelyn na halos kilala ko na nga siya. S-siya pa nga ang kakampi ko roon sa tuwing may taping."

"Hindi ka nakakasiguro Juliet. Maaaring nagbabalat-kayo lamang ang isang celestial soul sa ibang katauhan. Matatalino sila kaya nga't iilan lamang ang nakakaalam na may mga nilalang na tulad namin. Magaling ang mga celestial soul sa pagtatago ng katauhan upang hindi makilala," paliwanag ni Eda. Ilang segundo akong napatitig lang sa mga mata niya. "Kailangan ko siyang makita," dagdag niya pa at saka tumayo.

"T-teka, hindi pa tayo sigurado..."

"Isa lang ang paraan para makasiguro Juliet. Tama sina Donna, kailangan nating makita at makausap ang tinutukoy niyong tao." Hindi ko na napigil pa si Eda at mabilis itong nag-asikaso.

"Saan naman natin siya hahanapin? Eh hindi ko nga alam kung saan siya nakatira," nag-aalangang katwiran ko. Tinitignan ko lamang si Eda habang nagmamadaling inaayos ang sarili.

"Sa shooting niyo? Sasama ako. Ako lang ang makakapagkumpirma kung celestial soul siya," aniya.

Ilang segundo akong natigilan sa sinabi ni Eda. "P-pero—"

"Hindi ka ba papasok?" Natigilan siya sa tanong niya.

Naisip ko si Estefanio. Kaya nga ako nagpaalam sa kaniya dahil gusto ko munang pagpahingahin ang sarili ko. Sa sandaling makita ko na naman ngayon si Estefanio, siguradong madadala lamang ako ng nararamdaman ko at muli ay panghihinaan ako ng loob.

"Juliet, kailangan natin 'to. Kailangan nating malaman kung totoo nga ba ang iniisip natin. Hindi natin nasisiguro kung ano pa ang kayang gawin ng isang celestial soul para sa ikapapahamak natin. Hanggat maaga ay kailangan na natin siyang makausap...kung siya man nga," saad ni Eda.

Till I Rewrite The Stars (Under Revision)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα