10

74 16 0
                                    

Chapter's Theme Song: Even The Nights Are Better by Air Supply

Chapter 10


“Sorry po, sorry po talaga,” paulit-ulit na paghingi ng tawad ng nanay noong batang nakasagi sa amin.

Naramdaman ko na lang ang maligamgam na tubig ng dagat na bumabalot na sa kalahati ng katawan ko. Mabuti na lang at nakapikit agad ako. Narinig ko namang napasigaw sina Eda at Alanis dahil sa nangyari. Nang makabawi ako ay agad din akong bumangon ngunit nabigla naman ako sa pagdilat ko nang halos kasabay ko ring bumangon si Estefanio na siyang humilia sa akin kanina. Sa sabay naming pagbangon at pagdilat, na-realize naming halos isang dipa na lamang ang layo ng mga mukha namin sa isa't-isa.

Kapwa natigilan pa kaming dalawa sa nangyari. Sa lapit ng mukha niya sa akin, kitang-kita ko na ang brown niyang mga mata na tinatamaan pa ng sinag ng araw---ang perpekto niyang mukha. Parang natigilan ako sa paghinga.

“Kuya, are you okay?” Tumakbo si Alanis sa may likuran ni Estefanio upang alalayan siyang tumayo. Nang matauhan naman ako ay mabilis na akong lumayo sa kanila.

“May masakit ba, Juliet?” tanong naman ni Eda sa'kin. Agad din siyang lumapit upang kilatisin ako. Umiling naman ako matapos pakiramdaman ang sarili ko. Dahil sa nangyari, pare-pareho na kaming basa nina Eda at Estefanio.

“Naku, sorry po talaga. Ito po kasing anak ko gusto raw magpa-picture sa inyo.” Nabaling ang tingin namin sa nanay noong batang babae. Maliit lamang siya at balingkinitan ang katawan. Kasaluyan niyang hawak sa unahan niya ang anak niya. Hawak naman noong bata ang isang camera. Kita ko pa ang lungkot sa mukha ng bata dahil sa nangyari.

“A-ayos lang po.” Nauna na akong sumagot. Mabilis at bahagyang liningon ko naman agad sina Estefanio at Alanis bago muling ibinalik ang tingin sa mag-ina.

“Yeah, it's fine. You're okay naman Juliet?” Napalingon ulit ako kay Estefanio dahil sa tanong nito. Natigilan pa ako nang mapansing ang katawan ni Estefanio na kita na dahil sa basa niyang suot na sando.

Napalunok ako. “Ah—oo.” Tumango ako sa kaniya at agad na iniwas ang tingin ko.

“Gusto mong magpa-picture?" mahinang tanong ko sa batang babae. Bahagya pa akong lumapit sa kaniya. Ayokong isipin niyang kasalanan niya ang nangyari. Tinignan niya lang naman ako matapos kong magtanong.

“Ma'am, sorry po. Deaf po kasi ang anak ko.”

Natigilan naman ako sa sinabi ng nanay nito. Tinititigan ko na lamang sila at bahagyang ngumiti.

“Come on, little lady, let's take a photo together. Madam, you can also join us.” Gunawi pabalik ang tingin ko kay Estefanio nang magsalita siya at basagin ang katahimikan. Nakangiti namang lumapit sa kaniya 'yung batang babae at si nanay.

“Naku, thank you po Sir. Idol ka po talaga namin. Ang gwapo-gwapo niyo,” nahihiyang sabi ng ginang kay Estefanio. Nginitian na lamang ito ni Estefanio at inabot kay Alanis ang camera ng bata matapos nitong mag-volunteer na kuhanan silang tatlo ng larawan. Buong ngiti naman silang humarap sa camera. Napangiti na lang din ako sa kanila.

Naalala ko si Mama, 'yung mga kapatid ko. Nami-miss ko na rin pala sila. Kahit na umalis ako sa panahon naming may tampo kay Ate Clara, I can't deny the fact na nami-miss ko rin ang presensiya nila sa araw-araw. Nakikita ko rin ngayon 'yung sarili ko sa batang paslit—tahimik at inosente. Hindi kayang magsalita at makarinig noong bata. Habang ako, I'm gifted with voice and hearing, but oftentimes I choose not to use them. Weird, naiisip ko ang mga bagay na 'to ngayon...

Matapos kuhanan ng ilang litrato sina Estefanio ay muling inabot na ni Alanis ang camera sa mag-ina. Masaya naman itong nagpaalam sa amin at muli pang humingi ng dispensa. In-assure na lang namin sila na okay lang naman ang lahat.

Till I Rewrite The Stars (Under Revision)Onde histórias criam vida. Descubra agora