36

43 8 0
                                    

Chapter's Theme Song: I Can Wait Forever by Air Supply

Chapter 36

Hindi na nagtagal pa ang pag-uusap namin ni Estefanio kagabi nang dumating sina Goldia upang sabihin na naghihinala na sa kanila si Mrs. Del Carpio at hinahanap na nga ang anak niya. Gustuhin pa man namin ni Estefanio na pahabain ang pagsasama namin sa gabing iyon, wala na kaming nagawa. Siguro, iyon na nga ang huli.

"Aalis na ba talaga kayo? Saan naman kayo niyan pupunta?"

Nabalik ako sa ulirat sa pagtatanong ni Goldia. Narito na kami ngayon ni Eda sa harap ng Casa Simeon para magpaalam na nang tuluyan sa kanila. Magdadapit-hapon na ngayong araw at papatungo kami pagkatapos nito sa airport para makabalik sa totoong panahon namin. Ayon kasi kay Eda, para makabalik kami, kailangang sa mismong lugar kung saan kami nagmula kailangan tapusin ang paglalakbay.

"B-babalik na kami sa probinsiya, hindi ba Juliet?" tugon ni Eda. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kaniya.

"Bakit?! Eh pwedeng pwede na nga kayo rito sa hotel ko dahil wala na sina Mrs. Del Carpio. Malaking tulong ka pa naman Eda rito sa amin," panghihikayat pa ni Goldia. Napalingon naman ako kina Doc Filipo at Beatrice na nakatayo ilang metro mula sa likuran ni Goldia. Hindi naman kasi pwedeng marinig ni Beatrice ang boses ni Eda dahil paniguradong iisipin nito ang kaniyang Ate Celeste.

"Kailangan na kasi talaga naming bumalik. Marami pa kaming aasikasuhin sa a-amin," tugon muli ni Eda.

Nakasimangot na tumitig sa amin si Goldia. "Nakakalungkot naman, kahit papaano nagustuhan ko na rin kayo. K-kahit na alam niyo na, taray tarayan ako noon sa inyo lalo na sayo Juliet."

Ngumiti ako sa kaniya. "Ayos na ang lahat ng 'yun, pinatuyan niyo naman na may mabuti rin kayong puso."

"Goldia, ikaw na ang bahala kay Beatrice," sambit ni Eda nang mapalingon din kina Doc Filipo na nakatingin lang sa amin.

"Oo, huwag kayong mag-alala. Saka mabait naman si bagets, mukhang matalino pa. Ako na ang mag-aasikaso sa mga papeles para talaga maampon na siya."

Bahagya akong natigilan sa sinabi ni Goldia. "T-talaga? Gagawin mo 'yun?"

Nagsalubong agad ang kilay ni Goldia. "Akala ko ba may tiwala na kayo sa'kin?" Natatawa siya bigla sa sinabi. "Uy, kung alam niyo lang ako ang nagpaaral diyan kay Filipo pati na sa mga kapatid niynag iba! Atleast diba? Nakakatulong din naman ako sa iba? Wala lang sa mukha..." aniya.

Napangiti na lang kami ni Eda sa kaniya. "Umaasa kaming alagaan mo siya na parang totoong pamilya, Goldia," saad sa kaniya ni Eda.

"Sabihin niyo nga, siguro kapamilya talaga kayo niyan ni Beatrice? Masyado kayong affected sa bata, ba't di kayo ang mag-ampon ha?" pagtataray niyang muli. Siguro, natural na talaga 'to kay Goldia kaya hindi na rin ako naiinis sa tuwing ginagawa niya ito gaya noong mga una.

Nagkatitigan lang kami ni Eda. Mahalaga pareho sa amin ni Eda si Beatrice dahil unang-una, si Eda pa rin si Celeste kahit na ceestial soul na siya. Naging kaibigan at halos kapatid na nga ang turing ni Celeste kay Beatrice noon, kaya talagang may spot sa puso ni Eda na nag-aalala sa kaniya. Sa akin naman, naging tulay si Beatrice para mabuksan ang puso't isipan ko na nagmamahal nga ako. Naging kaibigan ko na rin siya at alam kong tulad ko, marami pa siyang toang pwedeng matulungan o mapasaya kahit papaano sa presensiya niya.

Till I Rewrite The Stars (Under Revision)Where stories live. Discover now