34

60 7 15
                                    

Chapter 34


"Siguro... hinintay lang tayong makausap ni Lola Rosaline bago tuluyang mamaalam."

Natigilan ako nang basagin ni Eda ang katahimikang kanina pa namumutawi sa pagitan namin.

Narito kami ngayon sa apartment namin apat na araw makalipas mamatay si Lola Rosaline. Nai-creamate na ang bangkay ni Lola sa tulong na rin ni Estefanio. Dito na muna ako nanuluyan sa apartment sa mga nagdaang araw at ngayon lang ulit nagtungo rito si Eda para mag-ayos ng mga natitirang gamit namin.

"H-hindi mo pa rin ba ako napapatawad Juliet?" malungkot nitong dagdag dahilan para mapatitig ako sa kaniya.

Kanina pa kasi kami nag-aayos at naglilinis sa bahay na 'to pero hindi kami nag-uusap.

Huminga ako nang malalim saka siya buong tatag na hinarap. "Eda...ayos na sa akin ang lahat."

Sa mga lumipas na araw, pinag-isipan ko ang lahat ng mga nangyari. Tinanong ko ang sarili ko kung importante pa bang magalit ako o maghinanakit kay Eda. Kung sa galit ko ba may magbabago pa...

Naging malaking implikasyon din sa akin ang mga sinabi ni Lola Rosaline bago siya mawala. Sa huli, si Eda pa rin ang magiging kakampi ko sa sitwasyon kong ito hindi dahil sa responsabilidad niya lang ako, kundi dahil tinuring ko na rin siyang mahalaga sa buhay ko.

Nakita kong namuo ang mga luha sa mata  ni Eda saka ibinaba ang hawak na walis tambo. Agad siyang lumapit sa akin at bigla akong niyakap. "Juliet...patawarin mo ako," aniya.

Ilang segundo pa ang lumipas bago ko yinakap pabalik si Eda. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko talaga kayang magtanim ng galit kay Eda. Sa totoo lang, na-miss ko 'to. Siya lang ang naging pinakakaibigan kong nayayakap ko ng ganito. Hindi ako showy na tao, pero simula nang makilala ko siya at magtungo kami sa panahong ito ni Estefanio, natutunan kong ipakita ang nararamdaman ko sa iba.

Hinaplos ko ang buhok ni Eda mula sa kaniyang likod. "S-sorry rin Eda. Nagpadala ako sa emosyon ko...Dapat inintindi kita."

Kumalas siya sa pagkakayap sa'kin. "Juliet, ako ang may kasalanan sa'yo. Ako ang nagsikreto sa'yo kaya huwag mong sisihin ang sarili mo sa mga nangyari at sa nararamdaman mo."

Ngumiti na lang ako sa kaniya saka siya muling niyakap. "Umuwi na tayo Eda..." marahan kong sambit sa gitna ng pagkakayakap namin. Natigilan siya dahil dito saka ako tintigan nang maigi.

"S-sigurado ka ba Juliet? May isa't kalahating buwan pa tayong natitira. 'Yun ang naging kondisyon ng unang kahilingan mo."

Napakagat ako sa ibabang labi ko at marahang tumango. "Kung ganoon...doon ko gagamit ang ikalawa kong hiling. Ang baliin ang unang hiling at tuluyan na tayong umuwi."


Sa mga nagdaang araw ng pag-iisa ko, inisip ko ang lahat ng mga nangyari sa akin. Problemado akong tao at tila hiniling ko lang dati kay Eda ang mga ito para takasan ang totoong mundo ko. Naisip kong dapat harapin ko na ang totoong buhay ko.

Ilang sandaling tinitigan lamang ako ni Eda. Sinisipat niya siguro kung sinasadya ko ang mga sinabi ko.

"Eda," turan ko sa kaniya. "Aalis na sina Estefanio pagkatapos ng kaarawan niya. Kailangan ko na ring harapin kung anong iniwan ko sa taong 2018."

Till I Rewrite The Stars (Under Revision)Where stories live. Discover now