24

48 8 2
                                    

Chapter 24

"Gising na rin siya."

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang isang puting kisema. Bahagya pang nanlalabo ang paningin ko kaya napahawak ako sa ulo ko. Napagtanto kong nakahiga ako sa isang kama.

"Sandali. Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Napalingon ako sa lalaking nagtatanong. Nakaupo ito sa may tabi ng hinihigaan ko. Na-realize ko kung sino siya nang luminaw na ang paningin ko.

"Mister...F-Filipo?" mahinang saad ko rito. Ngumiti naman siya at tumango.

Bahagya akong umupo sa higaan ngunit agad na napatigil nang maramdaman ang pagsakit ng kanang balikat ko. Mabilis akong napahawak dito at napapikit.

"Nako, mukhang may nananakit pa pala sa katawan mo," komento niya sa akin saka tumayo. Sinundan ko siya nang tingin at saka napagtanto na may iba pang nasa kwartong ito.

Nakatayo sa may nakasarang pinto si Goldia at seryosong nakatingin sa akin. "Anong nako nako? Kapag 'to nalaman nina Mrs. Del Carpio, ako ang malalagot nito. Napagalitan na nga ako noong nakaraan," asik niya nang lumapit sa may pwesto niya si Mr. Filipo upang kumuha ng gamit sa isang lamesa.

Nakangiting umiling lang si Mr. Filipo. "Bakit ka ba natatakot? Ikaw ang may-ari ng hotel na ito. Saka mag-iingat naman tayo," tugon nito kay Goldia. Bumalik siya sa tabi ko at inabot sa akin ang isang body thermometer. Nag-aalangan ko naman itong kinuha.

"Sigi na, ikaw na ang mag-check sa temperatura mo. Kaninang umaga bumaba naman na ang lagnat mo. Kailangan din nating i-check ngayon," sabi sa akin nito. Muli pa akong natigilan nang mapagtantong naka-hospital gown ako.

"N-nasaan po ako? Si Eda?" tanong ko sa kanila. Lumapit naman si Goldia bagama't nakakunot pa rin ang noo.

Imbes na sumagot ay inginuso ni Mr. Filipo ang kanang bahagi ng kwarto—sa gawing likod ko. Nilingon ko ito at nakitang nakahiga rin sa isang kama si Eda. Nakasuot din siya ng hospital gown at walang malay.

"Anong nangyari? Nasaan kami?"

"Nasa Casa Simeon pa rin kayo," sagot ni Mr. Filipo at umupo ito sa may paanan ko. "Tatlong araw na kayong walang malay pareho."

Halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "A-ano? Tatlong araw?" Napalingon ako sa natutulog na si Eda.

Tumango si Mr. Filipo. "Tatlong araw na nga. Pareho pa kayong inaapoy ng lagnat. Balak na nga sana naming dalhin kayo sa ospital, pero kaninang umaga bumaba na ang lagnat niyo. Nagising na rin kanina iyang kasama mo."

"N-nagising na po si Eda?" ulit kong tanong. Hindi ko inakalang matapos ang nangyaring komprontasyon sa pagitan namin nina Gwendelyn ay  ilang araw pala kaming nawalan ng malay.

"Nauna siyang nagising kanina sa'yo pero halatang nanghihina pa siya kaya hinayaan na lang namin siyang magpahinga," paliwanag ni Mr. Filipo.

Nag-aalala akong bumaling muli kay Eda. Siguradong nanghina nga siya dahil sa paggamit niya noon nang kapangyarihan saka naalala kong ilang beses din kaming naulanan noong nakaraan. Hindi ko lang inasahan na manghihina kami pareho at magkakasakit nang ganito katagal.

"Maraming salamat po sa pag-aasikaso...pero bakit niyo po 'to ginagawa?" baling ko kina Mr. Filipo at Goldia. Hindi pa rin mapakali si Goldia at seryosong nakatingin sa amin.

Till I Rewrite The Stars (Under Revision)Where stories live. Discover now