18

56 9 0
                                    

Chapter 18


"Oh, Juliet bakit parang namumutla ka?"

Nagulat ako nang biglang sumulpot mula sa likuran ko si Gwendelyn habang naglalakad ako papasok sa ancestral house. Halos mapawak pa ako sa dibdib ko dahil sa ginawa niya.

Bago pa man makasagot sa kaniya ay dumako muna ang tingin ko kina Estefanio na nauuna nang naglalakad papasok sa set kasabay si Direk Suazon. Napabuntong hininga muna ako bago hinarap si Gwendelyn na ngingisi-ngisi sa akin. Mukhang nagmamadali rin siya sapagkat tagaktak ang pawis nito sa noo.

"Nakakabigla ka naman Gwendelyn," komento ko sa kaniya.

"Eh ikaw kasi, tulala kang naglalakad. Ano bang nasa loob ng isip mo ha?" usisa nito sa akin. Napailing naman ako agad.

Sa totoo lang, napaisip pa rin talaga ako sa kung anong mga nangyari kanina sa apartment namin ni Eda. Hanggang ngayon, nag-aalala pa rin ako at ginugulo nito sa isipan.

"W-wala. Ganito naman talaga ako—natutulala na lang nang bigla 'di ba?" tugon ko na lamang sa kaniya at nagsimula na kaming maglakad pasunod kina Estefanio.

"Mabuti alam mo," tawa niya sa akin.

"Nasaan nga pala si Romialdo. Bakit mag-isa ka lang?" pag-iiba ko ng topic.

"S-siguradong nauna na 'yun dito," sagot niya naman sa akin. "Bakit interesado ka ba sa kaniya?"

Nanlaki ang mga mata ko sa balik na tanong niya sa akin. "H-hindi. Ano bang pinagsasabi mo? Syempre, P.A. tayo ng mga artista k-kaya dapat tayong nakaalalay sa kanila. Mali ba ako?" pagtatanggi ko sa kaniya. Sa mga nagdaan kasing araw, napapansin ko ring pinipilit ni Gwendelyn na may crush ako kay Romialdo Salazar kahit wala naman. Simula noong nakulong kaming magkasama sa stock room, isini-ship na kami ni Gwendelyn.

Oo... matipuno at mabait si Romialdo. Nakakatuwa rin ang pagigi nitong makulit at pa-misteryoso pero...hindi ko naman siya mahangaan ng tulad sa paghanga ko kay Estefanio...

"Ano ka ba? Minsan kailangan din ng space," hagikhik ni Gwendelyn. Bahagya na lang akong natawa sa itsyura niya saka umiling-iling.

Maswerte talaga't may isang Gwendelyn na maasahan ko sa lugar na ito. Kung sa bahay, si Eda ang kasangga ko, dito naman ay si Gwendelyn. Paano kaya kapag nagkasama sila—sang medyo isip bata at isang palabirong palaban?

"Sandali lang. Check ko na nga si Romialdo!" paalam sa akin bigla ni Gwendelyn. Humiwalay siya sa akin at nagtatakbo sa kwartong sa pagkakaalala ko ay inilaan para kay Romialdo.

Wala akong nagawa kundi maglakad nang mag-isa pasunod sa hallway kung saan ko natanaw na lumiko sina Estefanio at Direk Suazon.

Hindi pa man ako nakakaabot sa dulong kwarto kung nasaan natatanaw ko ang mga production staffs at marahil kung saan din dumiretsyo si Estefanio ay nakarinig ako nang mahihinang sagutan sa bukas na kwartong nadaanan ko.

Wala sa sariling sinilip ko ang loob ng bahagyang nakasarang pinto nito. Maliit lang ito kumpara sa mga ibang parte ng ancestral house bagamat pahaba ang loob nito. Bahagya ring madilim dito dahil sa mga gamit na nakatambak sa paligid nito. Bodega ba 'tong kwarto?

"Nakipag-away ka sa P.A. ni Estefanio roon sa Saint Therese Orphanage?!" galit na saad ng isang lalaki mula sa loob. Nabigla ako nang ma-realize na boses iyon ni Direk Suazon.

Akala ko ba ay kasama siya ni Estefanio papasok? Pero teka, ako ba ang tinutukoy nito? At sino ba ang sinasabihan niya? Si Lolita ba?!

Napalingon pa sa akin ang isang production staff na dumaan sa gilid ko. Nagtaka ito sa ginagawa kong pagsilip sa loob ng nakauwang na pintuan ng kwarto. Ngumiti na lang ako sa kaniya para hindi ako pag-isipan nito ng masama. Siguro, hindi niya naririnig ang nadidinig ko mula sa loob.

Till I Rewrite The Stars (Under Revision)Where stories live. Discover now