" Nga pala, Nassandra. Saan mo dadalhin si Brylle bukas? Pagkagising palang niya, kumikisap na yung mata niya. Kay cute na batang iyon" nawala ang ngiti ko at nanlaki ang mata.

Shems! Birthday niya na nga pala bukas!

Napansin iyon ni Tiya at biglang nagalala.

" Bukas nga po pala birthday ni Brylle. Muntik ko na pong makalimutan" napabuntong hininga ako. Kung hindi minention ni Tiya, tiyak na makakalimutan ko ang special day bukas at malulungkot si Brylle.

" Nako Nassandra, ayos ka lang ba diyan? Sa totoo lang, ngayon mo lang nakalimutan yung birthday niya" tumango ako sa reassurance.

" Sorry po, madami lang iniisip" kumunot ang noo ni Tiya at napansin kong lumipat siya ng pwesto.

" Baka naman  nasosobrahan ka na sa trabaho mo ha? Minamaltrato ka ba nung boss mo? Huwag kang matakot magsabi sa amin, idederetso agad namin iyan sa pulis!" Natawa ako sa tono ni Tiya na parang tinderang nakikitsimis sa tindahan niya.

" Okay lang po ako dito. Kayo po dapat diyan ang magingat" umiling si Tiya.

" Huwag mo na kaming intindihin Nassandra, magfocus ka na lang sa trabaho mo 'kay?" Ngumiti ako sa kanya at nag'okay' sign. Bigla kong naalala yung tanong ni Tiya kanina.

" Tsaka po pala Tiya"

" Oh? Bakit?" Bumibilis na ang tibok ng puso ko sa pagaalala. Baka kasi mamaya hindi kami makalabas ni Brylle bukas. It's a special day for him pero wala ako sa tabi niya.

" Hindi ko po sure kung papayagan ako nung boss ko na lumabas kahapon. Halos nakadalawang day off na po ako ngayong buwan" nanlaki ang mata ni Tiya at nilapit sa mukha niya ang cellphone.

" Hindi ba pwedeng hilingin mo ulit na makapagdayoff? Mauunawaan niya naman siguro kasi anak mo iyon" iyon na nga ang isa pang pinagaalala ko. Ni hindi nga alam ni Keian na may anak ako dahil hindi ko pa naman nasasabi at hindi pa ako ready.

Ewan ko, natatakot ako kasi baka biglang layuan niya ako kapag sinabi ko iyon. Hindi naman sa guguho ang mundo ko kapag ginawa nung 'boss' ko yung ganoong bagay pero alam ko sa sarili ko na hindi ako masisiyahan kapag nangyari iyon.

Galing mo Nassadra, ang honest mo na sa sarili mo *pat*

Wahhhh! Nakakastress!

" Eh hindi ko po alam. Pero subukan ko po talagang itanong"

" Anong gagawin mo kapag hindi pumayag?" Napayuko ako, nagiisip ng pwedeng gawin.

" Uhmmm, ako na po ang bahala?" Patanong kong sagot. Kumunot ang noo ni Tiya.

" Hay nako Nassandra. Bahala ka na nga. Basta huwag mong kalimutan na bujas na ang birthday ni Brylle" ngumiti ako sa kanya at tumango.

" Opo Tiya"

" O siya, madami pa akong gagawin"

" Sige po" kumaway si Tiya kaya kumaway din ako pabalik. Napabuntong hininga ako nang iend ko yung vc.

Tumingin ako sa pinto. Tulog na yung tatlo pero nakabukas parin ang ilaw. Kung nagtatanong kayo about kay manang, nasa infirmary parin siya. Ang tagal na niya talaga doon at hinihiling namin na magising na siya.

Gising pa kaya si Keiranz?

Tumayo ako at tahimik na lumabas ng maid's quarters. Pinatay ko na din ang ilaw paglabas ko.

Madilim na sa buong mansyon pero maliwanag talaga sa kusina dahil ang utos sa amin ay buksan lang ang ilaw doon.

Maga-alas dose na at tahimik na ang paligid.

Pumunta ako sa hagdan at dumiretso sa kwarto ni Keian. Kakatok na sana ako nang may narinig na boses. Boses babae.

Tumingin ako sa may ibaba ng pinto para tignan kung bukas pa ba ang ilaw sa loob pero hindi na.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Is there a chance na may ginagawa si Keian at yung babae sa loob nang hindi maganda?

Napakuyom ang palad ko. Natatakot akong buksan kasi baka mainis lang ako sa makikita ko pero kating kati akong malaman kung tama ba ang hinala ko.

Huminga ako nang malalim bago napagdesisyonang sumilip sa pinto.

Go Nassandra!

Nanginginig kong hinawakan ang doorknob pero napabitaw din dito nang makarinig ako ng sigaw.

" Kei! Anoba! Please!" Nagulat ako dahil pamilyar ang boses. Parang kay Laiza?

" Stop it Laiza. Go back to your room and sleep. It's late now" narinig ko naman ang malamig na boses ni Keian. Ano kaya ang pinunta ni Laiza dito. Ano ang pinagusapan nila?

Napalayo ako sa pinto nang marinig na may papalapit na hakbang dito. Hindi na ako nakapagtago nang lumabas si Laiza at mukha ko ang sumalubong sa kanya.

Kumunot ang noo niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

" What the heck is a maid doing infront of Kei's room?" Inis na tanong niya. Ako ba yung kausap niya?

" Napadaan lang po, maîtresse." Bahagya akong yumuko sa kanya nang panliitan niya ako ng mata.

Umirap siya tsaka napa'tsk' at pumunta sa kwarto niya. Ano bang problema niya?

" Mukhang hindi ka lang napadaan" nakarinig ako ng malamig na boses kaya tumingin ako sa loob ng kwarto at nakitang nakataas ang kilay ni Keian.

" What are you doing here?" napahawak ako sa batok at bahagyang pumasok sa kwarto niya. Nasa may veranda siya at umiinom ng alak?

" Uhmm, may itatanong lang sana ako" naglakad siya palapit sa akin pero ibinaba muna ang baso niya sa may lamesa sa kwarto niya. Sinara niya ang pinto sa likod ko tsaka hinawakan ang kamay ko para dalhin papunta sa couch niya.

Umupo siya tsaka ako hinila paupo sa lap niya.

"Uoy!" nagpumiglas ako sa bisig niya dahil niyakap niya ako patalikod. Ang bango talaga ng lalaking ito kahit kailan.

" Stay" ano? Aso na ba talaga ako? Tinaasan ko siya ng kilay nang kunin niya ang baso niya at uminom dito. Napatitig ako sa alak na hawak niya. Matagal tagal na din akong hindi nakakainom. Napansin ni Keian iyon at napangisi sa akin.

" Hmm?" inalok niya yung baso niya at napatingin ako sa mata niya. Dahil mukhang masarap yung iniinom niya, binuksan ko yung bibig ko. Nilapit niya ang baso niya at napansin ko na tinapat niya sa bibig ko yung part kung saan siya uminom.

Namumula akong lumagok ng alak. Nakakasatisfy yung init nung likido sa lalamunan ko. Wahhh ang tagal na talaga nung huling inom ko. Nakangiti ako nung nilayo ni Keian yung baso sa bibig ko. He stared at me intently.

" So, ano yung itatanong mo?" Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin at pinatong ang baba niya sa shoulder ko.

" Anong ginagawa ni Laiza dito?" Hindi ko maiwasang itanong eh. Ano ba naman kasi ginagawa nila? Nagulat ako nang hawakan ni Keian yung pisngi ko at iniharap yung ulo ko sa kanya.

" We're not doing what you think we are doing" inirapan ko siya sa sinabi niya.

" Bakit? Alam mo ba kung ano yung iniisip ko?" SIge Nass, magkunwari ka lang.

" No, I just know that you think we're having s--"

" Oops, o huwag mo nang sabihin" nilagay ko yung kamay ko sa bibig niya. Bumuntong hininga ako tsaka tumingin sa kanya nang diretso.

------------------

Tehmterzya\°_°/

Enjoy reading!

If you enjoyed reading Kabanata 32 of MFTMB, kindly vote for this chapter! Thank you! Much appreciated.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon