Chapter 28

93 7 5
                                    

SHANTAL'S POV.

"Sundan n'yo si Nathan at alamin kung sinong babaeng bwesit na 'yan ang pinalit n'ya sa'kin!" Galit na utos ko sa mga tauhan.

"Masusunod Madame." Sagot ng mga tauhan.

"So, ano pang hinihintay n'yo? Magsilayas na kayo! Baka masayang lang ang binayad ko sa inyo!" Pero hindi talaga sila umalis sa harapan ko. "Ano?"

"Madame, hindi po namin kilala ang Nathan na sinasabi n'yo." Sagot ng isa.

"May pa 'masusunod madame' pa kayong nalalaman pero hindi n'yo pala kilala ang pinasundan ko, Here!" May inabot akong picture ni Nathan. Umalis naman sila pagka abot ko.

"Too much love will kill you. Haha.." Bungad agad sa'kin  ni Kimaine na kakapasok lang sa condo ko.

"Hey! Isa ka pa, kanina pa kita hinintay dito!" Inirapan ko si Kimaine. Kaibigan ko since elementary.

"Sigurado ka bang mag tratransfer ka sa NOCNHS girl?" Tanong n'ya saka umupo sa tabi ko.

"Yeap! You heard me kagabi di'ba?" Tumango naman s'ya sa tanong ko. "Hindi mo ba talaga kilala ang bagong girlfriend ni Nathan, kim?" She rolled her eyes twice.

"I told you na girl, hindi ko gawaing kilalanin ang mga taong nasa paligid. Pwera nalang kung mga baby boys."

"Pwede ba kim, wag mo munang isali 'yang kalandian mo sa usapan?"galit na tanong ko kay Kimaine sabay tayo.

"E, ikaw din naman girl ah. Kita mo namang may iba ng mahal 'yung tao nilalandi mo pa. Kung ako sa'yo girl accept the truth na lang na hindi mo na mababalik ang dating kayo." Natigilan ako sa sagot ni kim.

"No! I swear to god, gagawin ko ang lahat para lang makuha ang taong mahal ko."

"Nakuha mo na s'ya dati shan, sinayang mo lang!

" because of he's family!" Pinipigilan kong tumulo ang luha ko.

"Invalid reason," inirapan n'ya ako. " so, handa kang pumatay para lang mabalik sayo si Nathan, ganun?" Galit na ding tanong n'ya. Tumango lang ako bilang sagot. "Gagawa ka lang ng bagay na makakahamak sayo shan. Kung ako sayo move on na at baguhin mo ang sarili mo. Madami pa dyang lalaki na mamahalin ka. "

"Sana ganun lang kadali." Tanging sagot ko.

"Well, I respect your decision Shan, hope  you respect Nathan's decisions too."

"Hey englishera! Dyan ka muna kim." Paalam ko kay kim.

"Asan ka pupunta girl? Wag mong sabihing kukunin mo na si Nathan?" Binatukan ko si kim.

"I get some drinks lang!"

"Ouch girl! Bruha ka talaga! Layas na baka batukan din kita." Natawa nalang ako sa kaibigan ko. S'ya lang ang nakakaintindi sa'kin, kahit minsan ay tutol s'ya sa mga gawain ko, but she's always here kung may kakailanganin akong tulong. Parihas ngayon.

Hindi ko talaga makakalimutan ang ginawa sa'kin ni Nathan kagabi. Tinaboy n'ya ako ng ganun-ganun lang? Hindi lang naman s'ya ang nasaktan nung iniwan ko siya pati rin ako. Kumuha ako ng dalawang boteng wine at bumalik sa sala. Ng makadating ako agad kong inabot kay kim ang isang bote at sinimulang inumin. Sa kalagitnaan ng pag iinoman namin ni kim ay biglang may tumawag sa cellphone ko.

"Yes, Hello?"

"Madame, kompermado pong may kasamang babae si sir Nathan." Sagot sa kabilang linya.

Tumingin ako kay Kim sabay ngisi. "Dalhin n'yo dito ang babae." Ma awtoridad na utos ko.

"Madame mukhang mahihirapan po kami sa utos n'yo dahil laging nakadikit si sir Nathan sa babae."

Your Kiss, Make My Life Changed (On-going)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang