Chapter 12

90 9 4
                                    

TINAY'S POV

Naabutan ko sa sala si Insan na busy sa kakapindot ng cellphone niya. Ano kayang trip nito? Akalain niyong habang abala sa cellphone ay bigla nalang tatawa, tapos tatalon at titili.

"Hui insan! Ano bang trip mo?" Natigil siya sa kakatili at napunta ang atensyon sa akin.

"Tinay! My beautiful cousin! Tignan mo dali!! May good news ako!"

Ano kayang good news 'to? Pinupuri pa ako ng kigwa.

Paglapit ko agad naman niyang pinakita sa akin ang cellphone niyang  iPhone6s+.

Potainers!! Seryoso? E sa pagkakaalam ko kanina pa sila nagkita. Pero ngayon.... Oh my gulay!!

"Really insan?" Ito kasi ang nabasa ko sa cellphone niya. I love you babe, I love you 2 babe, I love you 3, I love you 4.............marami pa.

Ang jejemon naman ata nila.

"Oo tinay, kami na ni James! Kyaaaaa.... Yieee.." Sinampal sampal pa ako ng gaga.

"Eh? Alam ba nila Auntie 'yan?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi pa pero soon. Yieeee!" Ang dami na kayang naging boyfriend nitong si insan. Pero hindi sila nagtagal dahil sa kabobohan nitong insan ko.

"Kapag ikaw na naman ay iniwan insan, bahala ka talaga wa'g kang iiyak! Ipadala mo ang iyong storya sa mmk!" Hindi na pinakinggan ng gaga  ang speech ko at bumaling sa cellphone. Hayst nako talaga 'tong si insan mukha pa namang babaero 'Yung James na 'yun. Dedma!

~

Kinaumagahan nagising ako sa lagkit ng naramdaman ko sa aking katawan. Tamad akong bumangon at sinuri kung ano ito.

"Glue?" nasabi ko habang sinusuri ng maayos. Glue nga sino kayang potaeners na naglagay nito sa katawan ko?.

"It's a pranks!!!" Lumabas si insan sa ilalim ng kama ko na nakabihis na ang gaga. Ano kayang trip nito?

"Huy insan!! Ano bang trip mo at bakit mo nilagyan ng glue ang katawan ko? Pati na din ang buhok ko ha?" Ang lagkit tuloy at tsaka buhol-buhol pa ang buhok ko.

"Wag kang OA Tinay nag v-vlog ako!" Bwesit na 'to ako nalang lagi ang naisipang tripan.

At ayun na nga po nagkasagutan kami ni insan pero sa huli siya ang nagwagi.

~

"Tinay mauna kana sa room, hihintayin ko lang si Baby James he he yieee" nasa gate na kasi kami ng Skol.

"Bahala ka!!! Maghiwalay din kayo! Maybe later o tomorrow" bwesit na 'to inirapan lang ako ng gaga.

"Girls ayan na siya! Siya ang dahilan kung bakit nakipag break sa'kin si Jairus!" Tinuro pa ako ng girl number 1 . Pero wait... Ako ang dahilan? Bakit inaano ko ba sila? Dedma!

"Mukhang transferee siya girl. Hindi naman siya kagandahan unlike sayo na Sexy, maganda, mayaman." Saad ng girl number 2. I know right! Wala naman akong pakialam sa kanila!

"At diba siya 'yung nang away kay Prince Nathan?" Sabat naman ng girl number 3.

>_______< -ako. Grabe naman kasi sila, kung maka bintang parang ako ang nagsimula ng away. Ganito ba talaga ka mga isip bata ang mga tao dito?

Hindi ko nalang sila pinansin. Pero lalakad na naman sana ako ulit ng hawakan ng isang babae ang buhok ko.

"Wa'g ka ngang bastos! Kita mo namang may sasabihin pa ako!" Kaya humarap ako sa kaniya.

"Ano bang sasabihin mo? Bilis sayang ang oras!" Hindi ako galit slight lang!

"Aba!! Sasagot ka pa huh?" Sasampalin na sana niya ako ng may humawak sa kamay niya.

"YOU BITCH!!" teka familiar ang boses.

"Prince Nathan hehehe hi" tama nga si Nathan nga!

"Ano sa tingin mo ang ginawa mo Huh??!!!!" Galit na boses ni Nathan.

"Sampalin sana 'tong malanding babae 'to!" Aba't ako pa daw ang malandi?

"Kung ikaw kaya sampalin ko?"

At ayun Hindi pa nga na sampal ang  babae ay  nahimatay na. Tumakbo naman ang mga babaeng nag bulong-bulungan kanina. Weird!

"Huy gago! Bakit ka na naman nandito?" E, sa hallway kami palaging nagkikita.

"Gago too! Magpasalamat ka nalang at pinagtanggol kita!"

"E, bakit naman kita pasalamatan?" Napa face-palm siya sa sagot ko.

"Gaga talaga! Edi mag thank you ka at Hindi ka nasampal ng malanding babaeng 'yun!"

"Sinabi ko bang ipagtanggol mo ako huh?" Kunot noo kong tanong.

"Potainis mo babae ka!! Wala kang utang na loob! Ikaw pa nga ang pinagtanggol ikaw pa ang magsungit!!!" Sinabunutan niya ang sariling buhok.

"Potaeners too!!!"

"Pfthahahaha...."

Monggol! Kanina lang galit e, ngayon tumawa. Ganito ba talaga ang mga estudyante dito?

"Huy! Anong tinatawatawa mo dyan?!" Pinitik ko ang kanyang ilong para matigil.

"Aray!! E, sa happy ako! Bakit huh? Hahaha..." Nakahawak na siya sa tyan habang siege parin sa kakatawa.

"Bahala ka nga dyan!!" Tatalikuran ko na namn sana siya ng biglang hawakan niya ang braso ko.

Napatingin ako sa kaniya na salubong ang kilay. Agad naman niyang binawi ang kamay na nakahawak sa braso ko.

"Ano?" Salubong parin ang dalawang kilay ko.

"Ahh ehh ehh--------

" ah eh ih oh uh tatay moy kalbo! Bwesit ka!" Nakita Kong namumula ang pisngi niya.
"Huy! Bakit ka namumula? Kinikilig ka nuh? Huh, may gusto ka na sa akin no?" Namula pa lalo.

Tinakpan niya ang sariling mukha. "Gaga! Anong namula? ASA kang may gusto ako sayo!" Pagtanggi niya.

"So, bakit ka namula huh?" Hindi parin niya inalis ang dalawang kamay na nakatakip sa mukha.

"E sa init lang 'to! Oo tama sa init lang 'to!"

"Napaka defensive mo! Dyan ka na!" Tinalikuran ko na talaga siya.

Asan na kaya si Insan? Bakit Wala pa siya sa upuan niya?

Next chapter !

Your Kiss, Make My Life Changed (On-going)Where stories live. Discover now