Chapter 1

276 19 10
                                    

"Tinay!!!" awts! Ang sakit sa tenga.


"Ano ba Alexa!" Sagot ko sa pinsan ko.


"Hindi ka pa ba 'dyan gigising?" niyog-yog na niya ang katawan ko.

"Mamaya na insan, inaantok pa ako." Ano bang plano nito't ang aga naman 'ata nang gigising.


"Ah-huh! Ganun? So, wala kang plano maligo, kumain, at pumasok sa school?"  Pagkarinig ko 'dun agad-agad akong napabalikwas sa pagkahiga. Nakalimutan ko palang ngayon ang first day of class sa bago Kong pinasukan na school. Myghad tinay!


"Ano pa bang hinihintay mo 'dyan?" Napatingin ako Kay Alexa. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang nakabihis na 'sya ng uniform.


Agad-agad akong dumeritso sa C.r para maligo.


Pagkatapos Kong maligo ay namili na ako ng damit na isusuot.


Akala ko ba matalino ka ate Tinay!, malamang isusuot mo talaga ang damit! Pangit naman 'kung kakainin mo!


Nagsalita na naman si Author! Dedma ka nalang muna ngayon author ha, nagmamadali kasi ako. Since wala pa naman akong uniform dahil baguhan pa, Pantalon at T-shirt mo'na sa ngayon.


Sabihin mo nalang na wala ka pang pangbili, ate Tinay!


Yeah! One of my reason bakit wala pa akong uniform, dahil hindi pa kasya ang ipon ko para pangbili. Ayaw ko namang manghingi ng pera Kay auntie, dahil baka isipin ng pamilya nila na pabigat ako.


Libre ang kain, at pagtulog ko dito 'kila insan. Pero hanggang dyan lang ang libre.


Tapos na akong magbihis. Hindi na lang siguro ako mag almusal! Baka mas lalo pang magalit sa akin si insan dahil sobra ko 'syang pinaghintay.

Sana all  marunong maghintay, samantalang 'Yung iba 'dyan nang-iiwan!


Kadiri talaga 'tong si author puro hugot wala namang lablayp.


"Oh, tapos kana pala Tinay? Ang bilis mo 'ata?


Ayy!! Bobo naman pala 'tong pinsan mo ate Tinay. Kita naman 'nyang tapos kana, magtatanong pa!


Perfectionist talaga ni Author ano?


" Ahh.. Oo nga insan no?, ang bilis ko 'ata! Baka nagmamadali?" sarcastic Kong  sagot.


"Tigilan mo 'yang pagka pilosopo mo Tinay!" Awts!! Galit? Ayaw ko talagang ginagalit si Insan dahil lumabas ang pagka mondragon 'nya. Kadinang ginto lang ang peg!


"Tara na Alexa!" Yaya ko sa'kanya para mawala ang galit niya.


"Anong Tara na? Kain mo'na tayo girl. Baka hindi ka aabot ng bente-kwatro oras at patay kana!" Grabe talaga si insan gusto na akong patayin! Hindi ba pwedeng manghihina mo'na?


"Okay! Gutom na 'din naman ako" napansin ko saan kaya ang mga tao dito? "Nga pala insan, san sila auntie?"

"Ahh..sila mama bah?" Ayy kigwa! May pagkabobo pala 'tong si insan kahit papano.


"Baka hindi! Baka si Author insan?"  Patay! Napasali si author sa usapan!.


Hmm..may sinasabi ka ate Tinay?

'Yun na nga ba ang sinasabi ko e!


"Sabi ko bang mag pilosopo ka tinay? Huh?"   Hindi na nga e.


Your Kiss, Make My Life Changed (On-going)Where stories live. Discover now