Chapter 10

81 8 4
                                    

JAMES'S POV (Bestfriend ni Nathan)

Habang tingin ng tingin ako sa mga chekababes na bisita nila brother Nathan. May napansin akong dalawang babae na paparating. Ang isa ay naka simple white dress, and then 'Yung isa  black na dress. Dress ba talaga 'yun o gown? At naka Gucci pa siyang sandals na 6 inches 'ata ang taas. Pero mas ma taas pa din ang akin!. Bakit ba ako nangingialam? Ganito ba talaga ako ka tsismoso? Hayst!!! Hassle!

Hindi ako nakatiis at nilapitan ko 'din.

"Teka, parang familiar 'tong mga 'to sa akin." Nasabi ko habang papalapit na ako sa deriksyon nila."tama! Ito 'Yung babaeng kaaway ni brother Nathan!" Pero bakit nandito sila?.

"Hi miss" salubong ko sa naka Black na dress. Mukhang kinilig naman siya sa sinabi ko.

"Yieeee.. Hi" kilig niyang sabi. Ganito ba talaga ako ka gwapo?

"James, call me babe para sweet" kinindatan ko pa siya para plus pogi points.

"Ahh..Alexa pero tawagin mo na din akong babe. Hehe" ganito ang mga gusto ko Hindi pakipot. Pero sino bang aayaw sa kaguwapuhan ko?

Niyaya ko siyang sumama sa akin. At dahil nga sa gwapo kung 'to hindi siya umayaw. Hindi na siya nagpaalam sa kaibigan niyang kaaway ni brother.

TINAY'S POV

"Salamat sa pagpunta mo Ms. Estillore" tapos na ang party at nandito kami sa loob ng bahay nila.

"Nako, ako dapat ang magpasalamat sa inyo ma'am sa pag embeta niyo sa'kin."

"Pasensyahan mo na ang anak ko hija, ganyan lang talaga 'yan isip bata" ani ni Mr. Alvarez ( daddy ni Nathan ). "Thank you Ms. Tanya sa pagpunta sa Party ko." Biglang pumasok ang ate ni Nathan. Ang birthday girl. Ang babait ng pamilyang Alvarez, pero may na iba sa kanila. Si Nathan, naisip ko nga kung anak ba talaga nila ang lalaking 'yun o ampon. Dedma!

"Mauna na po kami Mr.and Mrs.Alvarez" paalam ko sa kanila. Bigla naman akong siniko ni insan na katabi ko lang pala.

"Ano ka ba Tinay! Paano tayo makakauwi e wala naman tayong dalang kotse, at wala na ding Taxi ngayon!" Bulong sa akin ni insan. Oo nga pala bakit hindi ko 'yun naisip.

"May problema ba mga hija?" Napatingin kaming dalawa ni insan Kay Mr. Alvarez.

"Ahh w-wala----

Pinutol ni insan ang dapat kong sabihin.

" Mr. Wala po kasi kaming dalang kotse. Sinundo lang po kami ng anak niyo at gabi na't wala ng Taxi ngayon. " nakangiting Aniya ni insan sa mag-asawa.

"Ahh.. Gagnun ba, ipahatid ko nalang din kayo sa anak ko." Simpleng sagot ng Mr.

"Nako! Wag---

" sge po Mr." Pinaradahan ako ng tingin ni insan, tingin na nagsasabing 'wag ka nalang mag inarete tinay!'. Kaya ayun no choice ako.

"Jeniva, papuntahin mo nga dito ang kapatid mo" utos ni Mr Kay ate Jeniva. Kilala ko na po silang lahat dito. Sinunod naman ng anak ang utos ng ama.
 
Maya-maya..

"Ano na naman ba ate?! Nakita 'nyo namang may mga babae pa akong kinakausap!" Reklamo ni Nathan sa ate niya. Nagkatinginan kaming dalawa at agad naman ako Nag iwas.

"Hey! Wag ka ngang mag inarte!"

"Nathan, ihatid mo sila Ms. Tanya sa bahay nila." Ma awtoridad na utos ni Mr Kay Nathan.

"Ano? Dad naman, ako na nga nag sundo sa kanila at ako pa din ang maghatid! Ano 'yang babaeng 'yan seneswerte?!"

"Okay, madali lang naman akong kausap! Akin na ang susi mo at ako ang maghahatid. At wa'g ka na ding aasa na ibabalik ko pa!" Pananakot ni Mr Kay Nathan.

"Sabi ko nga, ako na maghatid!" Natakot naman ang mokong.

"Tol! Anong problema dito? May mga chekababes ng naghihintay sayo sa labas." Biglang may sumulpot. Ito Yung lalaking nagpakilala Kay insan kanina ahh?!

"Ahh.. Mom dad, nandito naman pala si James. Siya nalang ang utusan nyong maghatid sa mga babaeng 'yan!" Tinignan niya ang kaibigan ng may makahulugang tingin. Si James naman ay nagtaka. Sino bang hindi magtataka e Kakadating lang niya tapos hindi niya alam ang sinasabi ni Nathan kaya ayun tumango nalang siya.

"Ouh see mom, pumayag naman pala 'tong si James. So, papano balik na ako sa labas." Tatalikod na naman sana siya ng magsalita ang ama.

"Nathan! Akin na ang susi mo at ibibigay ko Kay James!" Patsay Wala talagang lusot.

"Hayst! Siege na nga!!!!" Galit na naman niya ako tinignan.

"Salamat po ulit Mr and Mrs. Alvarez."

"Call me Tita nalang para astig" really? Ganito ba talaga sila?

"Sge po Tita mauna na po kami" pagpaalam ko ulit sa kanila.

"Wa'g mong kalimutan Hija, ang mga kwento ko sayo" pahabol ni Mr ng makalabas na kami. Yes po may mga kwenento silang mga katangahan ni Nathan nung bata pa daw siya. Bakit kaya nila naisipang ikwento?

"Tol! Ako nalang maghatid dito Kay babe ikaw nalang 'dyan sa isa." Magsasalita na naman sana si Nathan ng tumakbo na ang dalawa. Hayst ang awkward pa naman pag kami lang dalawa.

"Ano babae, hindi ka pa ba sasakay?" Naka upo na pala siya sa Driver's seat.   Walang gana akong sumakay ng kotse niya.

"Huy! Ganyan ka ba talaga ka tanga?" Ano na naman kayang kasalanan ko dito?

"Ano na naman? Bakit ka ba sigaw ng sigaw?" Hindi ako galit slight lang!

"Bakit diyan ka umupo?!!!"

"E sabi mo sakay na kaya sumakay ako, gago!!!" Sigaw ko din sa kaniya. Siya lang ba marunong?

" gago too!!!   Dito ka sa passenger's seat  umupo gaga!" Hindi nalang ako sumagot at sinunod nalang ang utos niya

"Grabe! Hindi ko ineexpect na ang bait-bait ng pamilya mo" pag daldal ko habang nag mamaneho si Nathan, hindi niya ako pinansin. " 'Yung totoo lang Nathan, saan mo namanana ang ugali mo? Ang bait-bait ng pamilya mo tapos ikaw sobrang sungit."

"Shut up!" Narinig kong sabi niya habang nag mamaneho. Pero hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pag daldal.

"Tapos nag kwento pa sila tungol sa kalokohan mo nung bata ka pa."

"I SAID SHUT UP!!!!" nagulat ako sa sigaw ni Nathan. Iba ito sa sigaw niya sa akin dati. Napakaseryoso niya.
Pero sa lahat ng emosyon niya makikita mo ang... Pain?

"Wa'g mong purihin ang pamilya ko, kasi hindi mo sila kilala" makikita mo parin ang lungkot ng sabihin niya 'yun.

May problema ba siya sa pamilya niya? Mukhan okay naman sila ah?

Next Chapter!

Note: Pinalitan ko po ang title ng story. Pero ang title lang po ang pinalitan ko at ang cover. Thank you!

Your Kiss, Make My Life Changed (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon