Chapter 21

84 6 5
                                    

TINAY'S POV.

Wala akong ayos na tulog kagabi dahil sa sobrang pag iisip kung bakit hindi ako sinipot kahapon ni Nathan sa school. Last practice pa naman namin kahapon. Kabisado ko na ang kanta at ayos naman ang kalabasan ng aming practice. pero bakit ganun? Bakit parang may parte sa akin na nainsulto sa di malamang dahilan. Siguro nainsulto ako sa part  na pinaghintay n'ya ako pero hindi pala s'ya dumating.
Hindi ako marunong magalit, pero ngayon parang magawa ko ng magalit dahil sa ginawa n'ya.


Ngayon ang araw ng Intrams. Kinabahan ako sa pwedeng maging resulta sa performance naming dalawa ni Nathan. Okay lang naman sa'kin na matalo, basta maka attend lang at hindi mapahiya sa harap ng maraming tao.


"Tinay, ano pang tinunga-nga mo d'yan?" Tanong ni insan sabay subo ng kanin.


"Insan naman eh kinabahan na kasi ako e." Mangiyak-ngiyak na sagot ko with matching padyak-padyak pa na barang bata na hindi nabigyan ng lollipop.


"Buang ka talaga tinay! Paanong hindi ka kabahan 'yan e, puro nalang negative 'yang iniisip mo." Sabi ni insan na ngayon ay bacon naman ang sinubo.

Nilagok ko muna ang gatas ko bago sumagot."ikaw kaya rarampa sa harap ng maraming estudyante insan. Tapos halos pa ng estudyante sa campus ay galit sa'yo. Paanong hindi ka kabahan. Huh?" Inirapan lang ako ng gaga.


"Inggit lang sila." Tumayo na si insan dala-dala ang kinainang pinggan at tumungo sa lababo para hugasan ito. "Bilisan mo na dyan tinay! Punta pa tayong school ng 6:30 am para ayusan ka't pagandahan." Sabi n'ya habang sinabunan ang plato.


"Ikaw rin naman insan e." Tumayo na din ako at pumunta sa gawi ni insan para hugasan ang platong ginamit.


"Anong ako?" Humarap s'ya sa'kin.

" edi Pagandahan ka rin." Tapos ng maghugas si insan kaya hinugasan ko na din ang akin.


Tinaas muna ni insan ang isang kilay bago sumagot. "FYI lang tinay. Hindi ko na kailangan pagandahan ang sarili ko dahil maganda na ako noon pa."

"So ako na ang pangit ngayon?"

"Exactly!" Lumakad na si insan at umakyat sa hagdan. " magbihis lang ako tinay. Pag naabutan pa kita na hindi pa nakabihis iiwan talaga kita." Tuluyan na s'yang umakyat. Tapos na din akong maghugas kaya umakyat na din ako sa kwarto para maligo. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na din ako. Naka  jeans lang ako at naka t-shirt dahil sa school na daw kami bihisan. Naabutan kong bihis na si Insan at nakaupo sa sofa nila at busy kakapindot ng cellphone n'ya. Dati pag naabutan ko s'ya dito sa sala ay K-drama ang pinanuod n'ya, pero ngayon cellphone na n'ya ang kinaabalahan. Iba talaga ang nagawa ng pag-ibig. Hayyy.. Dedma!


"Hui insan! Tara na." Sabi ko ng makapunta sa harap n'ya. Parang wala s'yan narinig kaya nilakasan ko pa. " huyyyyy!! Insan let's go na!" Napatingin s'ya sa akin at bumalik ka agad sa cellphone n'ya.

"Bwesit ka insan! Akala ko ba nagmadali tayong pumunta ng school pero abnoy ka. Maganda ka nga bingi naman." Asik ko sa kan'ya.

Tumayo si insan at kinuha ang backpack n'ya na nasa gilid ng inupuan niyang sofa.


"Huy insan saan ka pupunta?" Tanong ko sa kaniya dahil na sa may pintuan na s'ya ngayon ng bahay nila.


"Ikaw din tinay. Matalino ka nga pero shunga naman." Sabi n'ya. "alangan naman sa heaven ako pupunta boba! Edi sa school. Pahong!"


"Eh?" Tanging sagot ko nalang.


"Don't eh me tinay! Kunin mo na ang bag mo gaga!" Hindi ko nalang s'ya sinagot pa. Kinuha ko na ang malaki kong bag na naglalaman ng mga kakailanganing gamit para mamaya.


Pumara agad kami ng jeep ng makalabas na ng gate.  Since alas sais-bente pa naman ng umaga kaya hindi kami nahirapang maghintay ng jeep. Nakasakay din kami agad. Ng makarating kami sa school ay nakita ko na agad ang mga estudyanteng galing sa ibang school dahil sa suot nilang uniform na pang intrams. May mga players ng Basketball, volleyball, Badminton, etc.


Dumeritso kami sa AVR. Dahil dun daw kami aayusan ng mga make-up artists. Ginamit kasi ang  mga rooms dito sa taga ibang schools, kaya wala na kaming choice kun di dito nalang sa AVR. Nandito na ang 9 pairs kami nalang dalawa ni Nathan ang kulang. Pero teka speaking of Nathan saan na kaya 'yun? Bakit wala pa s'ya?.


"Nako miss. Tanya, wag mo nang hintayin si brother Nathan, dahil may sarili 'yung tagasilbi." Napalingon ako sa nagsalita.


Kumunot ang noo ko bago sumagot. "bakit ko naman hintayin 'yung lalaking 'yun huh, aber, boyfriend ni insan?"  Nakapamewang na ako jan. Nandito pala 'tong buntot ni Nathan. Magtataka pa ba ako e, nandito babe n'ya..hayst! Dedma!

"Aysus! Pareho talaga kayo ni brother." Nakangising sabi n'ya na may halong pangangasar.


"Huh?" Clueless kong tanong.


"Wala. Slow amp." Bumalik na s'ya sa gawi ni insan. Abnormal talaga. Pareho ng girlfriend n'ya abnoy.

"Come here na miss Beautiful. Pagandahan kita lalo." Pag tawag sa akin ng baklang make up artist. Ngitian ko nalang s'ya at pumunta sa gawi n'ya. Unang inayos ang buhok ko bago mini-make-upan ang mukha. Pagkatapos ng mahabang proseso, pumunta ako sa malaking salamin at nakita ko agad ang malaking pinagbago sa itsura ko. Ang dating magulo kong buhok ay nakaayos na ngayon. Nakalugay lang ito pero  Medyo curly sa pang ibabang parte. At ang dati kong ilong na sakto lang ay pinatangos lalo.  Makapal na din ang kilay ko dahil sa drawing ng baklang beke. Nilagyan din ng color brown na contact lens ang mata ko. Sakto lang din sa pagkapula ang nilagay na lipsticks sa lips ko. Basta marami pang nilagay ang baklang beke hindi ko na isasahin baka maabutan pa tayo ng ilang araw haha joke lang.


"Heyy wazup! Where's my partner?" Napalingon ako sa may pintuan dahil sa biglang pagbukas nito. Napanganga ang lahat ng Tumambad ang napakakisig na si Nathan.


Nagtama ang paningin namin at bigla s'yang ngumiti. Nakagat ko ang sariling  labi dahil sa ngiti n'ya. Binaba ko ang paningin sa suot niya.  Ang hot n'yang tingnan sa suot n'yang fitted black na pantalon at black sando sa upper. Mukha man s'yang adik sa suot niya ay hindi parin maitago ang taglay niyang kagwapuhan.  Napalunok ako ng ilang beses. Ang galit ko sa kaniya dahil sa hindi pag sipot sa practice kahapon ay biglang nabura.


"Anong tingin 'yan?" Nabalik ako sa reyalidad ng magsalita na naman s'ya. Pakiramdam ko ay namula ang dalawang pisngi ko sa mga oras na 'to.

"W-wala. Anong suot 'yan?" Nag iwas ako ng tingin.

"Edi damit boba! Ikaw bakit ganyan ang suot mo?" Napatingin ako sa suot ko.


"Anong problema sa suot ko?" Naguluhan kong tanong. Hindi pa naman ako nagbihis ng costume na theme daw ng Intrams ngayon.

"Wala din. Hahaha.." Tawa n'ya. Ngayon ko lang s'ya nakitang tumawa ah?


Ang cute n'ya promise. Para tuloy may nag party- party na mga bulate sa loob ng tyan ko. Ang landi!



Next Chapter!

Your Kiss, Make My Life Changed (On-going)Onde histórias criam vida. Descubra agora