Chapter 19

86 7 4
                                    

TINAY'S POV

"Gusto ko lang kasi sabihin na....

" ano nga?"  Inis na sabi ko sa kaniya. Pabitin kasi ang gago.

"Na.. May napili na akong talent na e-present natin." Akala ko kung ano na, 'yun lang pala. Bakit ako desmayado? May inasahan pa ba akong ibang pwede niyang sabihin?

"Iyun lang ba?" Pinilit kong hindi ipahalata sa kaniya ang pagkadesmayado.

"Oo. Bakit may inasahan ka pa bang iba?" Kunot noo na tanong niya.

Nagbaba ako ng tingin para hindi niya makita ang desmayado kong mukha. "W-wala n-no! A-ano namang aasahahan ko?" Na uutal na tanong ko pabalik sa kaniya.

"Bakit ka na uutal?"

"Wala. Ano bang talent 'yan?" Pag-iba ko sa usapan. At pinilit na hindi ma utal.

"Kakanta ka tapos ako ang mag gigitara." Napa angat ako ng tingin sa kaniya.

"Marunong ka mag guitar?" Nagagalak na tanong ko sa kaniya.

"You heard me, Right?" Masungit na sabi niya.

"Ang sungit mo naman." Nakangusong sabi ko.

"Ang bingi mo kasi."

"BTW, kailan natin simulan ang practice?"

"Bukas, sa bahay namin, 8 am." Sarcastic niyang sagot.

"Huh? E bakit sa bahay niyo?" Naguguluhan kong tanong. "Pwede namang dito nalang sa school."

"Ikaw bahala. Bye may date pa ako. Pakisabi nalang kay maam salazar." Tinalikuran na niya ako.

Kanina lang galit siya ng sabihin kong ka date ko 'yung lalaki kanina. Tapos ngayon siya lang pala ang may ka date.
Bakit may part sa'kin ang  nasasaktan ng sabihin niyang may date siya?

~

Tapos na ang practice. At hindi talaga dumating si Nathan. Pauwi na kami ng bahay nila insan at pagdating namin ay hindi na ako kumain. Dumeretso ako sa kwarto para matulog.

Kinaumagahan maaga akong nagising para maka punta agad sa school. Pagdating ko sa school kaunti pa ang mga estudyante. Naghintay ako sa labas ng AVR at maya-maya dumating na din si Nathan. Hindi siya nag iisa may babae siyang kasama. Nagpaalam ang babae sa kaniya at pagtalikod ng babae ay agad naman siyang pumunta sa gawi ko.

"Ow! Talagang hinintay mo talaga ako ha?" Bungad niya sa akin.

"Hey! Hindi ikaw ang hinintay ko." Inirapan ko siya.

"Aysus, aminin mo na kasi." Nakangiti niyang sabi. Nag init tuloy ang mukha ko at para bang may mga bulateng sumasayaw sa loob ng tyan ko. Ang landi!

"Hindi nga kasi!" Pag tanggi ko. Pero sa totoo lang, siya naman talaga ang hinintay ko.

"Okay sabi mo eh!" Nilampasan lang ako ng gago at pumasok sa loob ng AVR. Parati kasing bukas ang pinto ng AVR, kaya kahit sino free pumasok.

Pagkatapos ko siyang hintayin? Ito lang ang isukli niya sa akin?
Ano ba kasing nangyari sa akin. Hindi naman ako ganito dati.

Nagdaan ang mga araw at ganun pa din kami practice lang ng practice. Nagkasundo naman kami. Ngayon ang last practice namin, dahil bukas na magsisimula ang Intrams.

"Huy tinay! Bakit parati ka nalang tulala dyan?" Naka cross arms na tanong ni insan.

"e kasi insan, bukas na ang instrams." Maluha-luhang sagot ko sa kaniya.

"Anong meron?"

"Basta! Alam ko namang wala kang support sa akin!" Inirapan ko siya.

"Tama na nga 'yang pag dradrama mo. Halika at isukat mo na 'tong sandals mo." Ipinakita pa niya ang mga boxes ng sandals.

"Hindi 'yan sa akin, galing 'yan sponsors pinahiram lang." Tumayo na ako at pumili ng kasya sa paa ko.

"Seryoso ba talagang ito ang susuotin?"  kasi naman e, ang taas ng takong. Mabwebwesit ako rito.

"Alam mo namang 'yan ang pinahiram. Edi 'yan talaga boba!" Sabi niya na inayos ang mga gamit na gagamitin niya bukas para sa cheer dance.

"Wala bang mas maliit dito?" Seryoso siyang napalingon sa akin.

"Anong maliit tinay?" Kunot noo niyang tanong.

"Huh, edi itong sandals. Wala bang mas maliit dito, o 3 inches man lang ganun?" Bigla siyang ngumisi. Ano kayang iniisip nito?

"Nako Tinay, ang liit naman ng gusto mo. Piliin mo nalang ang 9 inches dyan para mag enjoy ka talaga hehe..."

Biglang nag init ang katawan ko.

"Bwesit ka insan! Ang bastos mo!" Binatukan ko siya ng sandal.

"Aray tinay! Bwesit ka din! Ano bang bastos dun? Sabi ko lang naman na piliin mo 'yung 9 inches." Binatukan niya ako pabalik. Buti nalang nasalo ko.

"Wag mo na akong kausapin. Bilisan mo nalang dyan, punta pa tayong school."

"Anong gagawin natin sa school?"

"Samahan mo ako, may last practice pa kami ni Nathan."

"Ayaw ko. Wala si babe dun." Parang bata niyang sabi.

"Huy insan, baka nakalimutan mong ikaw ang dahilan kung bakit ako problemado?"

"Sge na nga! Bwesit ka tinay!" Hindi ko nalang siya pinansin.

~

"Tinay bakit wala pa si Nathan? Kanina pa tayo dito." Nandito kami ngayon sa labas ng AVR. Kanina pa kami naghintay dito kay Nathan pero wala pa siya.

"Hintayin nalang natin insan. Sigurado naman akong dadating 'yun." Kanina pa 'to si insan nagrereklamo.

"After 10 minutes Tinay pag wala pa 'yang bwesit mong partner lalayasan na talaga kita." 

"Oo na." Inirapan lang niya ako.
.
.
"Tinay bakit wala pa din? Hindi na 'yun dadating uwi nalang tayo." Hayst! Last practice pa naman namin ngayon.

"Okay," na una akong maglakad sa kaniya.


Nakadating kami sa bahay ng walang imikan.



Next chapter!

Your Kiss, Make My Life Changed (On-going)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora