Chapter 18

98 9 4
                                    

TINAY'S POV

Ngayong araw ang start ng practice namin. Actually before practice may blocking pa kami sa stage. Sobrang hassle nito sa buhay ko. Kahit na wala akong gastos sa mga susuotin ko at sa make up dahil may sponsors daw.

Nakipag-usap na din ako sa amo ng pinag tratrabahuan kong restaurant na kung pwede lang dalawang araw sa isang linggo lang ako papasok . Buti nalang pumayag.

Na mromroblema din ako sa talent na eprepresent namin dahil hindi pa kami nakapag usap ng kapartner ko. Wala pa kaming nabuong plano kung ano ang gagawin naming talent. E kung ako  kasi ang tatanungin wala din akong alam. First time ko pa 'tong makasali ng mga ganito, wala din naman akong ibang talent aside sa pagigitara at pagkanta. At hindi ko naman kasi type ang mga ganitong klaseng activities, Lalo na't hindi ko kagustuhan ang pagsali.

"Tinay halika na dito sa loob." Pag tawag sa akin ni insan. Nandito ako ngayon sa labas ng AVR nakaupo sa damuhan.

"Dito muna ako insan," sagot ko. Boring kasi sa loob walang magawa.

"Ha? E nandito na lahat ng kasamahan mo. Pati partner mo, ikaw nalang hinihintay." Sagot niya at isinara ang pintuan. Hindi ko pala namalayan ang pag dating nila dahil sa sobrang pag iisip.

Walang gana akong tumayo at pumasok sa AVR. Tama nga si insan kompleto na lahat at ako nalang ang kulang. Pumunta
ako sa gawi ni insan....

"Ms. Tanya wag ka diyan. dito ka sa tabi ni Mr. Alvarez."  Nagtama ang paningin namin ni Nathan. This time ako naman ang unang nag iwas ng tingin. Nakayuko akong pumunta sa deriksyon niya. Ng makarating ako sa gawi niya ay hindi na ako umimik.

~

Natapos na din sa wakas ang blocking. Binigyan kami ng 30 minutes para kumain o mag snack muna. kasi after that babalik kami para sa first practice. Practice daw para sa tamang paglakad sa stage.

Mag isa lang akong kumain dito sa  stem canteen kasi wala si insan sumama sa boyfriend niya.  May date daw sila dahil hindi nila na celebrate ang first monthsarry nila nung last week. Gusto nga nila akong isama, pero umayaw ako dahil mag mukha lang akong tanga 'dun. Hayst.. Iba talaga pag may jowa. Dedma!

"Can I join you, Ms?" Na balik ako sa reyalidad ng magtanong ang isang contestant na lalaki sa akin.

"Ahh.. Sure." Sagot ko sabay ngiti.

"San pala ang kasama mo? bakit mag isa ka lang dito?" Tanong niya ng maka upo na sa tapat ko.

"Sumama sa boyfriend niya." I answered casually.

"Ikaw ba? Wala ka bang boyfriend  or something?" Nagulat ako sa tanong niya. "I mean, ibang friends?" Pag iba niya sa tanong.

"Meron naman, pero absent." Pagtukoy ko kila Juneth at cass. Ilang araw na kasi silang absent. Ewan ko ba bakit sabay silang absent.

"Hmm.." Tango-tango niyang ani.

" e,  ikaw?"

"What about me?"

"San din ba ang mga friends mo bakit mag isa ka lang dito?" Nakita kong napahinto siya sa pagsubo at nag iba ang espresyon sa mukha. Sasagot na sana siya ng biglang may humawak sa kamay ko at kinaladkad ako palabas ng canteen.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako." Bigla namang binitawan ang kamay kong hawak ng taong kumaladkad sa akin. Sino kaya to?

"Kanina pa kita hinanap stupido! Nandyan ka lang pala nakipag date sa lalaking 'yun! Cheap!" Napaangat ang ulo ko ng marinig kung sino ang nagsalita.

Nakipag date? At bakit naman niya ako hinanap?

"Anong date ang sinasabi mo? At anong kailangan mo sa akin? Bakit mo ako hinanap, huh? Aber?" Sunod sunod na tanong ko sa kaniya.

"Letche! Pwede bang isasahin mo ang tanong ha?" Napasabunot siya sa sariling buhok.

" ikaw naman kasi e. Bigla kanalang susulpot  at mangaladkad. bwesit ka! Hindi pa ako tapos sa pagkain!!" Sigaw ko sa kaniya.

"Bakit ka ba kasi nakipag date sa lalaking 'yun?" Deretso siyang tumingin sa mata ko.

"Ano bang pakialam mo huh? Girlfriend mo ba ako, para bawalan mo?" Taas kilay kong tanong sa kaniya na ikinatigil niya.

"So nakipag date ka nga?"

"Hmm.. Yeah," nakita kong biglang sumalubong and dalawang kilay niya. Bakit ganito siya kung maka react?

"Okay." Bigla niya akong tinalikuran. Ano kayang promlema nito?

Sinundan ko siya para alamin kung anong pakay niya sa akin.

Ng maabutan ko siya ay agad kong hinawakan ang braso niya. Napahinto siya at kunot noong lumigon sa akin.

"WHAT?!" galit na tanong niya.

"Ano ba kasi ang pakay mo sa akin? Bakit mo'ko hinanap?"

"Tanong mo sa ka date mo ulol!!"
Tinabig niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya.

"Wag ka ngang ganyan! Kung maka react ka, akala mo may naiambag ka sa akin." Hindi niya ako pinansin." Ano ba kasing pakay mo, huh?" Nakanguso kong tanong sa kaniya.

"Bukas ko nalang sabihin. Punta ka na dun sa ka date mo. Baka nilamok na 'yun kakahintay sayo!" Sabi niya na hindi man lang sa akin nakatingin. Gano ba kasi ka importante ang sasabihin niya?

"Joke lang 'yun no. Hindi ko 'yun ka date." Napatingin siya sa akin.

"Talaga?" Masayang sabi niya.

"Oo nga! Kaya sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Dahil malapit na ang 30 minutes at kailangan na nating bumalik sa AVR."

"Gusto ko lang kasi sabihin na.....



Next chapter!

Your Kiss, Make My Life Changed (On-going)Where stories live. Discover now