Chapter 8

100 10 7
                                    

NATHAN THE GREAT'S POV

"Mom, sigurado ka ba 'dyan?" Tanong ko Kay mom.

"You heard me, right?" Sabi ni mommy na abala sa paglalaro ng candy crush.

"Mom, pero ayaw ko sa babaeng 'yun!" Nagpupumilit pa rin ako.

"Ikaw ba ang mag paparty hindi naman diba? So, wala kang magagawa." Sigurado na talaga siya sa pag embeta sa babaeng 'yun!. Stupido!

"Mom, gagawin ko po lahat ng utos 'nyo promise." Tumingin na si mom sa'kin.

"Okay, sunduin mo si Ms. Estillore sa bahay nila mamaya." She casually said like it was not a big deal.

Yes! Big deal 'yun para sa'kin.

"Pero mom....

" wala ng pero pero! Sundin mo nalang kung anong gusto ko!"

"Hindi ko nga alam kung saan 'yun nakatira! Tapos susunduin ko pa siya! Stupido! " Matigas kong sabi.

"Edi hanapin mo!"

"Ano? Ang isang Nathaniel na pinakagwapo sa campus, crush ng kababaehan, hot, sexy, may abs, at higit sa lahat pinakamayaman sa campus, ay magsasayang ng oras sa paghahanap ng bahay ng babaeng 'yun? Stupido!

"Madali lang naman akong kausap....ano kaya kung bawiin ko sayo ang kotse mo?" Natigilan ako sa idea niya.

"Siege na nga! Alang-alang sa kotse ko. Susunduin ko 'Yung gagang babaeng 'yun!" Hindi na niya ako pinansin at bumalik na sa paglalaro ng candy crush.

See why I hate her? She's so bossy.

TINAY'S POV

Wala akong masyadong naiintindihan sa discussion namin ngayong araw. Dahil sa sobrang excitement na makapunta sa party. Again, first time in my history na enembeta ng isang party.

"Tinay, sigurado ka ba 'dyan sa sinabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni insan.

"Anong tingin mo sa akin sinungaling? Huh?!!" Kanina pa kasi 'to si insan tanong ng tanong. Nagsasawa na 'tong tenga ko. Charot!

"Hindi lang kasi ako makapaniwala na, isang principal o tawagin na nating may ari ng school ay inembetahan ka?"

"Edi wa'g kang maniwala!" I rolled my beautiful eyes. Charot na naman ulit!

"Wa'g ka ngang maldita! Baka mag bago pa 'tong isip ko at hindi ako sasama sayo mamaya!"

"Sorry na bespar, aylabyu" ginaya ko pa si Juneth 'nung nag sorry siya Kay insan, baka mag work.

"Okay, may magagawa pa ba ako?" Ang galing ko talaga!

Nandito kami ngayon sa kwarto niya. Nag ayos kami siyempre.

"Tinay ano bang klaseng party 'yan?" Tanong ni insan na naglagay ng Liptint sa lips niya.

"Hindi ko nga rin alam e!" Hindi ko naman talaga alam nakalimutan ko kasing itanong kanina.

"Alam mo ba kung saan ang bahay nila?" 'Yun na nga ang problema ko, hindi ko rin na tanong kanina. Tanga lang ang peg!

"Hindi rin"

"Akala ko ba matalino ka? Bakit mo nakalimutang itanong?"

"Matalino naman talaga ako ah! Sadyang tanga lang talaga." Sarcastic kong sagot. Inirapan lang ako ng gaga. Dedma!

Nakatingin lang ako sa kaniya. Kung ano-ano kasi ang pinaglalagay sa mukha. Napansin niya sigurong nakating ako kaya nabaling ang paningin niya sa akin. " Anong tingin 'yan tinay? Gusto mo ba lagyan 'din kita nito?" Tinuro niya ang isa sa gamit niyang parang lapis.

"Hindi noh! Para San naman 'yan?"

"Edi ilagay sa kilay mo! Boba!"

"Ayaw ko! Liptint nalang sa'kin" kinuha ko na ang liptint sa pouch niya kahit hindi pa siya sumang-ayon.

"Huy! Tinay, magpaalam ka mo na sa akin bago mo gamitin 'yang mahal kong liptint!" Kaya ayun binalik ko ang liptint sa pouch niya.

"Ahh.. Insan pwede manghingi ng liptint kaunti lang naman" sabi niya kasi magpaalam mo na kaya ayun.

"Okay!" Ikli niyang sagot. Tignan niyo ang gaga papayag rin pala pinahirapan pa ako!. Dedma!

Gabi na't tapos na kaming mag ayos. I'm wearing simple white dress, with flat sandal, at siyempre liptint lang sa lips para sabihing red lips. Bungga!.
Si insan naman, parang siya ang magpaparty e, nakasuot lang naman siya ng black na dress, ewan ko kung dress ba talaga 'to o gown. At 6 inches na sandal. Pageant lang ang peg!

Ate Tinay ang liit naman ng 6 inches.

Ano bang iniisip nitong si author? Dedma!

"Insan, gagamitin na lang kaya natin ang kotse mo!" may kotse naman talaga 'tong si insan, pero ayaw niyang gamitin baka daw ma gasgasan. Kaya ayun tuloy jeep lang ang hatid sundo namin sa school.

"Akala ko ba matalino ka talaga Tinay! Kung gagamitin natin ang kotse ko, alam mo ba kung saan ang bahay nila Nathan huh?" Ayy!! Oo nga pala, bakit hindi gumana ang braincells ko ngayon? Charot na naman ulit!

Hindi ko nalang siya pinansin. Namromroblema pa kasi ako kung paano kami makapunta sa party kung wala kaming sasakyan.

Ate Tinay! Pag evectus nalang kayo!

Encantadia lang ang peg! Encantadics pala 'tong si author ano?

Maya-maya may nag doorbell sa labas ng bahay nila insan.

"Insan, may date ka ba ngayon?" Takang tanong ko Kay insan. Sinilip ko kasi sa bintana kung sino 'Yung nag doorbell, at nakita kong may sasakyang nakaparada sa labas ng gate.

"Huh? Wala noh! Wala nga akong jowa! Bakit mo naman na tanong?" Ay!! Gaga hindi ba niya narinig na may nag doorbell sa labas?

"Boba! Ang may jowa lang ba ang pwedeng makipag date?" Hindi niya ako pinansin. "Gaga, punta ka dito silipin mo may kotse sa labas! Dalian mo!"

"Wa'g mo nga akong madaliin Tinay!" At ayun nag mamartsang pumunta sa gawi ko." Oo nga no! Sino naman kaya 'yan?"

"Puntahan kaya natin sa labas" nagkasundo 'din kami sa wakas.

Wala pa ring tigil sa kaka doorbell sa labas. Binuksan na ni insan.

"Ikaw??????" Gulat naming tanong ni insan.

"Oo, ako nga anong problema?" Walang gana niyang sagot. At halatang pagod, dahil hiningal pa ang gago.

"Bakit ka nandito, aber?" Mataray na sabi ko sa kaniya. Pero hindi parin nawala ang gulat sa biglaang pag dating niya.

"Edi siyempre sinundo ka! Hindi ba obvious?" Inis niyang sagot.

"Eh?" Sabay na naman kami ni insan." Bakit mo naman naisipang sunduin ako?" Binigyan ko siya ng makahulugang tingin.

"Wa'g ka ngang assuming!" Mas lalo siyang nainis.

"Hindi ako assuming no? Bakit mo nga ako naisipang sunduin, huh?"

"Wa'g ng maraming tanong! Sumama ka nalang!"

"Eh! Ako lang ba? Hindi mo ba nakitang may kasama ako?." Tinuro ko pa si insan.

"Hayst! Edi kayong dalawa gaga!"

Is this really happening?

Next chapter!

Your Kiss, Make My Life Changed (On-going)Where stories live. Discover now