Chapter 22

83 11 9
                                    

TINAY'S POV.

"Baklang beke. Sure ba kayo na ito ang susuotin?" Kasi naman e, para akong bold star dito sa suot ko. Ang ikli ng short at puting crop top sa upper na may nakasulat na Mr&Ms Intrams. Bwesit! ang jejemon. Sa school ba talaga ang pageant o baranggay? Ganito kasi ang suot ng mga candidates twing may pageant sa baranggay namin dun sa probinsya.

"Bakit, ano bang problema sa suot mo Ms beautiful?" Sinuri ng baklang beke ang kabuuan ko.

"Ang ikli kasi ng short tapos kita pa ang tyan ko sa damit na to." Pilit kong takpan ang tyan ko gamit ang laylayan ng damit. Pero ayaw talaga mag work.

"Ang ganda kaya."

"Anong maganda dito? Ang pangit nga nakakaumay."

Nag rolled eyes muna s'ya bago sumagot. "Wa'g ka ng maarte ms beautiful. Hindi lang naman ikaw ang nagsusuot ng ganyan. Tignan mo sa paligid."

Nilibot ko ang paningin sa mga kasamahan ko na abala sa kanilang mukha kung ano-ano nalang pinaglalagay. Bakit ganon? Bakit komportable sila sa suot nila?

"Ahh bakla. Ano kaya kung palitan ko nalang 'to ng t-shirt para ma iba?" Umaasang tanong ko. Di'ba, astig kaya nun. Dag-dag 'yun sa audience empact. Maraming audience makapansin sa'kin dahil ako lang na iba. Unique lang ang peg!

"Nope. Hindi pwede! 'Yan kasi ang pang Introduction n'yo. Papalitan naman 'yan pag tapos na ang introduction." Naka hinga ako ng maluwag.

"Buti naman. Akala ko forever na ko 'tong isusuot." Keri lang. Ilaban natin yan! Hehe.

"Walang forever ms beautiful." Napalingon ako sa kanya.

"Pano mo na sabi?"

"Kasi ang mga baby boys ko, pag may pera ako andyan sila. Pero kung wala na akong pera dun na naman sila sa ibang bakla. Di ba walang forever?"

"Eh?"

"Wag ka ng maraming talking dyan ms beautiful. Suotin mo na 'tong sandal . Bagay 'yan sa suot mo." Inabot n'ya sa'kin ang sandal na isa sa napili ko. Ka Apat daw kami magpalit ng sandals. Sinuot ko nalang ito. Bagay nga sa'kin. Lalong pumuti ang paa ko sa sandal at bagay din sa pedicure na nilagay ng beke sa Kuko ko.

"Are you guys, ready?" Biglang pumasok si maam salazar sa pintuan nitong dressing room na ginawa nila sa loob ng AVR. siyempre iba din ang dressing room ng mga lalaki. Pero si Nathan may sariling World. Ang arte kasi ng lalaking 'yun.

Lumabas na ang lahat at sumunod naman ako. Nagsimula na akong kabahan. Shet. Nanginginig ang tuhod ko sa di malamang dahilan. Para akong maiihi o matatae na parang ewan. Letche!

Paglabas ko ang daming tao. Shet. Kahiya naman. Nakayuko lang ako habang naglalakad papuntang covered court nitong campus. Maliit lang ang bawat steps ng lakad ko para hindi ako
matumba dahil sa letsugas na sandal na 'to.

Habang naglalakad ako bigla akong napahinto dahil may kung anong matigas na bagay ang nabangga ko. Pader ba ito? Kinapa ko ang bawat parte ng pader gamit ang kamay. Mukhang hindi naman ata 'to pader.

"Hey Miss. Wag mong hawakan ang parteng dyan. Nakikiliti ako." Napa angat ako ng tingin dahil nagsasalita ang pader. Bigla kong natulak ang lalaking kaharap ko na akala ko ay pader. Napagtanto kong 'yung ano pala niya ang nakapa ko..' Yung ano fluffy birds. Yown!

Ow, gwapo s'ya, matangkad nakasuot s'ya ng Jersey na pang basketball. Pero mas gwapo si Nathan. Ay kigwa! Bakit ko ba sila kinumpara.

"Sorry sorry hindi ko sina----

" halikana dito babae! Kanina pa kita hinanap. Nandyan ka lang pala sa bago mong boyfriend. Cheap!"  Hindi ko natapos ang sasabihin ng kaladkarin ako ni Nathan.

"Teka lalaki. Ang paa ko! Angsakit gago ka! Bitawan mo'ko!" Pilit kong alisin ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

Huminto s'ya at humarap sa akin. "Anong problema sa paa mo?"

"Kita mo naman sigurong 7 inches 'tong sandal na suot ko!." Singhal ko.

"Tsk! Anong masakit sa 7 inches? Ang liit kaya nun. Masakit 'tong sa'kin 20 inches. Hahahaha.." Binatukan ko s'ya. Buang jud! Mo kalit lag katawa!

"Bakit palagi ka nalang na ngaladkad ha? Ano bang problema mo?"

"Wala."

"At bigla ka nalang susulpot pag may lalaki akong kasama." Sabi ko. " Sayang gwapo pa naman 'yung guy kanina na nabangga ko." Kumunot ang noo n'ya sa sinabi ko.

"Mas gwapo pa ako dun uy! Ang pangit kaya ng pagkabangga mo sa kaniya. Mas astig 'yung pagkabangga mo sakin. Parang nasa pelikula tayo." Ow shet! Wag kang kiligin tinay.

"Dyan ka na uy! Hilas!" Tatalikod na sana ako ng bigla akong natapilok. Pero ilang minuto na ang lumipas wala padin akong naramdaman na sakit. Kaya dahan-dahan kong minulat ang aking mata.

Bakit may gwapo akong nilalang na nakita? Nasa heaven na ba ako?

"Huy babae. Wala ka bang plano tumayo? Kasi ako kanina ko pa balak na bitawan ka kasi ang sakit na ng kamay ko."  Sabi ni nathan na diretsong nakatingin sa matA ko.

"Edi bitawan mo! Sinabi ko bang saluhin mo'ko?" Mataray na tanong ko. "Aray! Belat! Bwesit ka NathAn! Bakit mo'ko binitawan ang sakit tuloy ng pwetan ko." Hinimas himas ko ang pwet kong nauntog.

"Sabi mo bitawan kita, kaya binitawan kita ulol!" Natatawang sagot n'ya.

"Joke lang naman 'yun e." This time tumayo na ako.

"Ms. Tanya Mr. Alvarez, maam salazar call you na. Galit na sa inyo, kanina pa kayo hinintay." May biglang sumulpot na baklang make-up artist din.

Nagkatinginan kami ni Nathan sabay sabing ."PATAY! TAKBO!"

"Teka lang Nathan masakit pa pwetan ko plus paa pa." Pag angal ko. Nakalayo na s'ya at ako nakatayo parin.

Huminto siya at bumalik sa gawi ko. Nagulat ako sa sunod na ginawa ni Nathan. OMG! totoo ba 'to?

E kese nemen eh! Binuhat ako ni Nathan eh. 'Yung buhat na pang bagong kasal. Pinag titinginan tuloy kami ng mga estudyanteng nakasalubong. Dedma nalang kayo!

Ang bango n'ya. Ngayon ko lang pala napagtanto na couple pala kami ng shirt. Hehe...

Nag party party na naman tuloy ang mga bulate sa tyan ko.

Next Chapter!

============================

Ito na po ang request n'yo mga ate. Thank you sa comment at sa message n'yo. Subrang saya ko po hehe.. Pagkabasa ko po ng message at comment n'yo ay dali-dali akong nag sulat. Tagal po akong natulog.

Comment lang po kayo guys para mas ganahan pa po akong mag update.
Don't forget to vote na din.

Thank you!

Your Kiss, Make My Life Changed (On-going)Where stories live. Discover now