Chapter 3

146 17 9
                                    

Note: ang meaning po ng NOCNHS is New Oranbo City National High School.
.
.
Kinabahan ako sa pwedeng mangyari sa akin ngayong araw.
Pangalawang araw ko na 'to sa pasukan.

"Ouh, Tinay bakit ang putla mo 'ata ngayon?" Tanong sa akin ni insan habang paakyat ng hagdan papuntang room namin.

"E, kasi naman insan kinabahan ako sa pwedeng gawin ng lokong lalaking 'yun!" Takot na sabi ko.

"Sabi ko naman sayo kagabi Tinay. Magsorry ka nalang Kay Nathaniel" yeah! Napag usapan namin kagabi ni insan 'yan.

"Pero insan, baka hindi niya tanggapin"

"Edi i-try mo! baka mag work"  tama naman si Insan. Nakarating na kami sa Room at wala pang masyadong tao. Nagmadali talaga kaming pumunta dito kasi daw pag alas otso na maraming pasahero, at mahihirapan kang sumakay ng jeep. Next month pa daw ang kotse!!! Char!!!.

Sa pangarap lang makakamtan ang inaasahan...🎵

Panira talaga ng mood si author!

Dumeretso ako sa upuan. Nagsidatingan naman ang mga klasmet ko.

Maya-maya dumating na din si Mrs. Mariano, first period namin.
Prof pala namin siya sa history.

" Good morning, Class" bati sa amin ni Mrs. Mariano.

Nagsitayuan naman ang lahat kaya sumunod naman ako.

"Good morning, Mrs Mariano it's nice to see you this morning! Mabuhay!" Sabay-sabay nilang sabi. Ganito pala dito ano? Bakit hindi ganito sa school ko dati?.

Siyempre ate Tinay! May originality sila dito!.

Panira ka talaga author!.

Nagsiupuan na sila kaya sumunod na 'din ako.

"Okay class, ang tatalakayin natin ngayong umaga ay tungkol sa World War Two" nagsalita ang prof.

Talaga? World War Two pa? e natalakay na namin 'yan 'nung Second year!. Keber nalang atleast  may Idea na ako.

Hindi pa nagsisimula ang discussion ay may kumatok na sa pinto ng room namin. Ito na ba 'yun? Ghad! Sana hindi!.

"Yes, ano 'yun?" Sagot ni Mrs. Mariano pagka bukas niya ng pinto.

"Hmm..Good morning ma'am, may studyante po ba kayong Estillore dito?" Dinig Kong sabi. Awts! Ako nga!.

"Class, may Estillore ba dito?" Itinaas ko naman ang kamay ko.

"Yes ma'am? " kinabahang tanong ko.

"Pinapunta ka daw ng Principal Office" ito na ba ang sinasabi nila Insan? Wahhh... Baka matanggalan ako ng scholarship.

Sumunod naman ako sa dalawang lalaki na nagpatawag sa akin.

Huminto kami sa tapat ng Principal office. Na una silang pumasok kaya agad naman akong sumunod.

Pagpasok ko nadatnan ko si Nathaniel na masama agad ang tingin sa akin. Inaano ko ba siya? Dedma!.

Umupo ako sa upuan na katapat ng Principal.

"Yes ma'am, pinatawag 'nyo po daw ako?" Magalang na sabi ko sa principal.

"Hmm..yes, Ms. Estillore, Right?" Tanong sa akin ng Principal.

"Yes po ma'am. Ahh bakit niyo ako pinatawag ma'am ?" Magalang pa 'din na sagot ko.

"May likramo ang anak ko sayo. Binangga mo daw siya?" What the!!! Isip bata! E ang laki na niya nagsusumbong pa. Mommy pala niya ang principal dito. Dedma!.

"Ahh, hindi ko po naman sinadya  ma'am, at magso-sorry naman po ako" pag e-explain ko.

"Sinungaling! Anong hindi sinadya? Mom, wa'g kayong maniwala sa babaeng 'yan" singhal ni Nathaniel.

"Nathan, pwede bang manahimik ka mo'na hindi pa kita binigyan ng permeso para magsalita." Awts!! Kawawang bata. "Ms. Estillore, pwede bang hingin ang explanation mo?" Tanong sa akin ng Principal.

"Ma'am, naglakad lang po ako sa hallway at dahil hindi po ako nakatingin sa daan. Hindi ko namalayang may tao pala akong nabangga. Kaya pasensya na po ma'am, hindi na mauulit" paghingi ko ng tawad. Di'ba honest ang ate nyo Tinay!.

"Ganun naman pala! So, bakit ka nag iinarte 'dyan Nathan?!" Tanong niya sa anak.

"E! Mommy, ang gwapo niyong anak ay binangga lang ng isang masamang babae!! Papayag ba 'daw ako!" Awts! Bilib sa sarili ang mokong!.

"Isip bata!" Singhal ng Principal sa anak. "Ms. Estillore, pasensya na at naabala kita. Wala naman palang kwenta 'tong sumbong ng anak ko" paghingi ng pasensya sa'kin ng Principal. Gusto ko ng matawa pero mamaya nalang paglabas.

"Nako ma'am, wala po 'yun! Pasensya na talaga sa katangahan ko ma'am" ngitian lang ako ng Principal." Pwede na po bang lumabas ma'am ?" Tinanguan namn 'nya ako.

Nilingon ko muna si Nathaniel bago umalis. Ang sama talaga ng tingin niya.

"Hindi pa tayo tapos babae!" Pahabol niyang sigaw bago ako makalabas.

Pft.hahahahaha laptrip ang puta. Siya tuloy ang napahiya.

Bumalik ako sa room. Bakit ang ingay sa loob?.

Pumasok ako at pagpasok ko ang kalat sa loob, ano kayang nangyari dito?. Dedma!.

Dumeretso ako kay Insan para maki chika.

"Insan, Anong nangyari dito? Bakit ang kalat?" Takang tanong ko.

"Tinay, dapat kanang masanay! Ganito talaga dito pag walang prof!" Awh ganun!. "Ano na, bakit ka daw pinatawag?" At ayun kenwento ko sa kanya ang nangyari kanina.

"Seryoso tinay?" Siya naman ang nagulat sa kwento ko.

"Oo nga, seryoso!"

"Pero, wa'g kang mag assume na ayos na lahat dahil kilala ko 'yang si Nathaniel hindi yan tatanggap ng pagkatalo" seryosong sabi ni insan. Kailan pa to natotong magseryoso? Dedma!.

"Okay! Ano ng nangyari sa discussion kanina?" Pag iiba ko sa usapan.

"Nag discussed lang about sa World War Two tapos pag-aralan daw dahil may long quiz daw tomorrow" improving ang English ng gaga.

Okay! Basic lang naman pala ang discussion dito.

Hambog ate Tinay!.

Epal author!.

Bukas, may masamang mangyayari sa'yo!.

Aba't ang advanced mag isip ng Author!. Dedma!.




Next chapter!

Your Kiss, Make My Life Changed (On-going)Where stories live. Discover now