Chapter 27

75 9 6
                                    

NATHAN'S POV.

"Hui pansinin mo naman ako." Sabi ko habang nagmamaneho. Nasa passenger's seat si tanya ngayon at ayaw n'ya akong pansinin o kausapin man lang. At kung makikita mo para bang ang lalim ng iniisip. Naging cold din ang treatment n'ya sa'kin simula nung iniwan ko s'ya sa kwarto dahil naligo ako nun. Para bang may nalaman s'yang tungkol sa'kin na hindi n'ya nagustuhan.

"Ano ba Nathan! Wag ka ngang magulo, may iniisip lang ako." Sa wakas nag salita din. Pero habang sinasabi n'ya  'yun wala sa'kin ang paningin n'ya  nasa labasan, nakadungaw kasi s'ya sa may bintana nitong kotse ko. Hindi talaga ako sanay sa cold treatment n'ya sa'kin. Nagpatuloy nalang ako sa pagmamaneho papuntang bahay ng pinsan n'yang tinitirhan ni Tanya.

"Ihinto mo nalang dito." Maya maya'y aniya. Nagtakang napalingon ako sa kaniya.

"Huh, bakit? Sa pagkakaalam ko ay hindi pa dito ang tirahan mo?"

"Sabi ng ihinto mo nalang ako dito!!!" Nagulat ako sa sigaw n'ya, kaya hininto ko nalang ang sasakyan sa may kantong malayo-layo pa sa tirahan niya. Pero mas nagulat ako sa sunod na ginawa ni Tanya. Padabog n'yang binuksan ang pintuan ng kotse ko, at padabog ding lumabas.

"Hui babae saan ka pupunta? Gabi na't madilim ang daan!" Sigaw ko.

"Wala kang pakialam!" Tuluyan na n'ya akong tinalikuran at sinimulang maglakad.

'May nagawa ba akong mali?' Tanong ko sa isipan.

Bumaba din ako ng sasakyan at
sinundan s'yang maglakad pauwing bahay ng pinsan n'ya. Mahirap na baka may mga lalaking madaanan at pagtripan s'ya, mapatay ko lang sila. Habang sinusundan ko s'ya biglang nag vibrate ang cellphone na nasa bulsa ng pantalon ko. Sign  na may nag text. Huminto muna ako at kinuha ang cellphone na nasa bulsa at binuksan ang text message.

FROM: UNKNOWN NUMBER,

"Hi Nathan, dito mo nalang ako sunduin sa Alexa's Mall."

Ang Alexa's Mall ay katulad lang ng Coronil's Mall na sikat dito sa Oranbo. Actually tatlong mall ang sikat dito sa Oranbo ang isa ay Tinalex's Mall. At the same time iisa lang ang may-ari nitong tatlong malls. Ang anak daw ng may-ari nito ay nag-aaral rin daw sa NOCNHS pero walang nakakilala kahit isa.

Itinago ko na pabalik sa bulsa ang cellphone ko pagkatapos basahin ang text message. Pag angat ko ng tingin napatalon ako sa gulat.

"Bakit mo'ko sinundan ha?" Mataray at nakapamewang na tanong sa'kin ni Tanya.

"Huh? Hindi kita sinundan noh! ASA!" Tanggi ko kahit ang totoo ay sinundan ko talaga s'ya.

"Ah-huh! Hindi pala ha! Okay," tatalikuran na sana n'ya ako ng bigla kong hawakan ang kamay n'ya. "Ano?" Asik n'ya sa'kin. Ang taray talaga ng babaeng 'to.

"w-wala! Layas na!" Tinanggal ko na ang kamay kong nakahawak sa kamay n'ya.

"Abnormal ka!" Singhal n'ya sa'kin.

"Abnormal ka din!" Ako ang unang tumalikod at bumalik sa kotse ko. Bahala s'ya sa buhay n'ya!

Ng makabalik na'ko agad kong pinaharorot ang sasakyan papuntang alexa's mall. Pagkadating ko agad ko namang pinark ang sasakyan sa parking area nitong mall. Pagkababa ko nagulat ako ng may biglang yumakap sa likuran ko.

"I miss you Nathan, akala ko galit ka pa sa'kin." Napangiti ako sa boses na naring ko. God, i miss this girl so much!

Tinanggal ko ang kamay n'yang nakayakap sa'kin at humarap sa kan'ya. "Walang rason para magalit ako sayo. We're friends remember?" Napangiti s'ya sa sinabi ko. Ngiting noon ay nakapagpasaya sa'kin pero ngayon ay nakapagpabalik sa'kin ng sakit at puot sa puso. Wala parin s'yang pinagbago maganda parin tulad ng dati.

"Yeah, i forgot. So let's go?". Tinanguan ko nalang s'ya dahil ayaw ko ng pahabain pa ang usapan. Kinuha ko ang dalawang maletang dala n'ya para ilagay sa likod ng kotse ko. "Kumusta ang buhay na walang ako?" Natigilan ako sa tanong n'ya.

"Okay naman, naka moved on na. actually may bago ng special someone." S'ya naman ang natigilan sa sagot ko. "How about you? Kumusta ang buhay ng walang ako?" Pabalik na tanong ko.

"Buti naman kung ganon." Na instultong sagot n'ya. "Hindi naging maganda ang buhay ko sa America nung nawala ka. Kasi still ikaw parin hanggang ngayon Nathan." Nabitawan ko ang dalawang maleta dahil sa sagoT n'ya.

Galit na tumingin ako sa kan'ya.
"Hindi ako nawala Shantal, iniwan mo'ko." Sagot ko na pinipigilang maluha.

"Kasi utos ng pamilya mo." Nakita kong may namuong luha sa gilid ng dalawang mata n'ya.

"If you love me, bakit mo sinunod ang utos nila?" Iling-iling na tanong ko."stupid reason!" Dagdag ko pa.

"Kaya nga bumalik ako dito sa pilipinas para itama ang mga mali ko. At para balikan ka."

"Pero hindi na maari."

"Sorry.... *sniff*sniff..  Kung nasaktan kita dati. *sniff. Sorry kung iniwan kita *sniff. Sorry kung---

" tama na, wag ka ng umiyak. Ayaw kong may babaeng umiyak sa harap ko dahil sa'kin." Putol ko sa pag-iyak n'ya.

"So, payag ka ng makipag balikan ako sayo?" Nabuhayang niyang tanong.

Umuling ako bago sumagot. "Hindi" sagot ko na ikinabalik n'ya sa pag iyak.

"B-bakit?"

"kasi para sa akin Past is past. So, kung may relasyon man tayo dati kalimutan mo na, dahil matagal ko na din 'yung kinalimutan."

"Please, I'm begging you to love me again like before." Lumuhod na s'ya sa harapan ko.

"Pero wala na talaga akong nararamdaman sa'yo. Kung meron man, siguro hanggang kaibigan lang." Simpleng sagot ko na ikinalakas ng iyak n'ya.

"Gagawin ko ang lahat para balikan mo ako."

"Okay, kahit umiyak ka pa ng dugo.. Hindi na talaga ako babalik sayo. Iniwan mo'ko remember? So ano pa bang babalikan mo sa akin? May mahal na akong iba at hindi ikaw 'yun!"  Tumayo na din s'ya galing sa pagkaluhod.

"Okay then, kung wala ka ng nararamdaman para sa akin. Bakit ka pumayag na sunduin ako kung pwede namang umayaw ka?" Lakas loob na tanong ni Shantal.

"Hindi ko naman inexpect na ganyan ka pala ka assumera, I thought kaibigan lang din ang tingin mo sa akin tulad ng tingin ko sayo?" Sagot ko. " at sinundo lang naman kita dahil nag mamakaawa ka sa akin. Kung alam ko lang na ganito pala ang inakala mo ng pag sundo ko sayo, sana hindi ko nalang sinayang ang oras ko at sana hindi ko nalang iniwan ang babaeng mahal ko na mag isang naglakad pauwi sa kanila dahil sayo."

Sinampal n'ya ako ng dalawang beses. " how dare you! Kung makapagsalita ka parang wala tayong pinagsamahan at parang hindi mo ako minahal dati. Well, kung ganon hahayaan ko bang maging masaya ka sa iba? Guguluhin ko ang buhay mo at ang buhay ng babaeng mahal mo!."

"Mahal kita dati 'yun!" Paliwanag ko. " Try to touch her or else kakalimutan kong naging bahagi ka ng buhay ko!" Galit na banta ko sa kanya sabay talikod at iniwan s'ya. "INSANE!" Sigaw ko nalang sa sarili.

"Ipapatikim ko sa inyo ang lasa ng Hell!" Pahabol na sigaw n'ya.

"Matagal ko ng natikman ang hell, simula nung iniwan mo ako!" Ang ganinang luhang pinipigilan ko ay tuluyan ng tumulo.

Hindi naman ganyan ang pagkakilala ko kay Shantal. Pero bakit nag iba na siya? Hindi na siya ang dating shantal na minahal ko. 'Yung Shantal na hindi marunong magalit.


STUPIDO!

Next Chapter!

==========================
Hello, pretties!

Opo! Mabilisan na po ang update sa ngayon, dahil tinapos ko na itong YKMMLC.

Nag plano na din ako sa next story na gagawin ko.

Sana po wag n'yong kalimutang mag comment at mag vote.

Thank you!

PrettyJelou :>

Your Kiss, Make My Life Changed (On-going)Where stories live. Discover now