Chapter 26

102 10 6
                                    

TINAY'S POV.

Nagising ako sa sobrang sakit ng katawan ko. Para akong binalian ng buto sa sobrang sakit. Teka bakit ang lambot nitong higaan ko? Malambot din naman ang higaan ko pero hindi ganito ka lambot.

0__ -dilat isang mata.

___0-dilat sa isa.

0___0- dilat sa dalawa. Nanglaki ang mga mata ko sa nakita.

"Wahhhhh!!!!" Napasigaw ako dahil sa gulat. "Bakit nandito ako? Kaninong kwarto to? Sinong nagdala sa akin dito?" Takang tanong ko sa sarili. E hindi ko naman kwarto ito eh. Kwarto 'to ng isang lalaki base sa desinyo at mga gamit na display. Mukhang mayaman din ang may ari dahil puro mamahaling gamit ang naka display. Ang laki din ng kwartong 'to.

May mga display ding   Doremon? What the! Anong kwarto 'to pangbata?

May nakita din akong mga garapon ng stick-O,  ilang dosena ng yakult?

Naalala kong may tatlong babaeng bumogbog sa akin kanina at biglang dumating si...Nathan? Tama si Nathan. Tapos... Binuhat n'ya ako. Pero hindi ko na alam kung anong kasunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay nun. hindi ko alam na dito pala n'ya ako dadalhin sa bahay nila.

Tumama ang paningin ko sa  maliit na table nitong kwarto. "Teka, crown ko 'yun ah!"

Napatingin ako sa suot ko.

"Wahhhhh!!!" Bakit panglalaki 'tong suot ko? Di'ba naka gown ako kanina? OMO! Wag n'yong sabihing.... Ginahasa ako ng lalaking 'yun?

Napabalikwas ako ng tayo galing sa malambot na kama. Agad akong pumunta sa pinto ng kwarto para sana lumabas kaso hindi ko pa napihit ang doorknob ay kusa ng bumukas ang pinto at iniluwa si Nathan na may bitbit na isang tray ng pagkain.

"Gising ka na pala? Hehe."

"Ayy! Hindi pa Nathan. Hindi pa ako gising. Siguro nag sleep walking lang siguro ako!" Sarcastic kong sagot sabay irap sa kaniya.

"Wag ka ng mag pilosopo. Dinalhan na nga kita ng pagkain." Nakangusong sabi n'ya.
"Oh ito kainin mo, baka magutom ka pa." Inabot n'ya sa'kin ang tray ng pagkain pero hindi ko kinuha. "Gusto mo ako nalang maglagay? Oh sige umupo ka nalang dun tapos hintayin mo nalan g ang pagkain." Tinuro n'ya ang isang maliit na lamesa na may dalawang upuan dito sa kwarto n'ya. Pero hindi ito ang lamesang pinatungan ng crown ko, mas malaki ito ng 'di hamak kaysa 'dun. nauna s'yang pumunta sa lamesang tinuro n'ya.

Nagtakang napalingon ako sa kaniya. "Teka nga, bakit mo 'to ginawa?"  Nakapagtataka lang kasi na isang Nathaniel, really? Who thought na isang Nathaniel Alvarez, na felling perpekto sa Campus ay concerned sa'kin? I mean, magkaaway kami at hindi kami gaano ka close pero bakit n'ya ako tinulungan?

"Ang alin?" Walang idea n'yang tanong pabalik.

"Ito, bakit ka concern sa'kin? Bakit mo 'ko tinulungan sa mga babaeng bumugbog sa'kin?" Natigilan s'ya sa tanong ko.

"Hindi ako concern sayo noh!" Mabilis n'yang sagot at tinuloy ang paglakad papuntang lamesa. Ng makadating si Nathan ay agad naman n'yang nilapag ang tray ng pagkain at saka bumaling sa'kin.

"Okay, pero teka! Ikaw ba ang nagpalit sa'kin ng damit? Nakita mo ba ang ano ko? Basta 'yung ano hindi pwedeng makita, you know na." Seryosong tanong ko sa kaniya. Nakita kong biglang namula ang tenga at mukha n'ya. Pumunta ako sa gawi n'ya para tignang mabuti kung tama ba ang hinala ko. Pero bigla n'yang tinakpan ang mukha n'ya gamit ang dalawang kamay.

"Ano ba! Wag mo ngang takpan Nathan!" Pilit kong tinanggal ang kamay n'yang nakatakip sa mukha pero hindi parin matanggal dahil sa sobrang lakas n'ya.

Your Kiss, Make My Life Changed (On-going)Where stories live. Discover now