Chapter 6

112 14 7
                                    

TINAY THE ABORMAL'S POV



"Good morning self" ang ganda ng gising ko ngayon. Alam niyo kung bakit?

Bakit naman ate Tinay?

Kasi author, sabado ngayon at walang pasok.

K.

"Tinay!!! Gumising ka na dyan! Punta ka dito sa baba may naghahanap sayo boyfriend mo daw!!" Boyfriend ko daw? E may boyfriend na pala ako!. Dedma!.

Dali dali akong bumaba.

"Asan na ang boyfriend ko insan?" E pag baba ko wala namang tao tanging siya lang.

"Tinay, may sasabihin ako sayo wag kang magalit sa akin ha?!" Sabi ni insan na pinipigilang matawa. Ano kayang trip nito?.

"Ano ba kasi 'yun?! At bakit naman ako magalit?" Takang tanong ko.

"Pfthahahaha.... Its a prank!! Naniwala ka namang may boyfriend ka? nag v-vlog ako! Hi ka naman sa vlog ko Tinay at sabihin mong "" hi guys na prank po ako! At wala po akong boyfriend kasi pangit ako! At kung nag enjoy kayo sa vlog na ito, don't forget to like share subscribe and click the notification bell for more update and for more upcoming video!." Sabi niya na itinuro ang camera. Kailan pa 'to natotong mag prank?.

"Bwest ka insan!!! Sinira mo ang mood ko!" Take note Hindi ako galit. Slight lang!.

Prank na ba 'yun sa kaniya?

" guys! Galit si Tinay kasi nag assumed na may boyfriend na daw siya. Kawawang tinay guys! Kung nagustuhan niyo itong prank ko guys ay mag comment kayo, at kung may mga lalaking single 'dyan at naghahanap ng jowa, available po itong si Tinay ready to mingle. Mag comment lang kayo para ma notice kayo ni Tinay, bye guys!" Sabi niya sa camera.

"Kailan ka pa natutong mag prank huh?"

"Ngayon lang!"

"At bakit mo ako naisipang iprank. Aber?" Mataray Kong sabi with matching crossed-arms pa.

"Wala lang trip ko lang! Wa'g ka na kasing magalit. Kasi Malay mo magkatotoo ang prank ko hehe. Pray mo nalang Kay god na may mag comment." aniya na tinalikuran na ako daladala ang kaniyang camera.

Hayy!! Ganito na ba ako ka ganda para tripan lang nila? Okay dedma!.

Mabait naman akong tao kaya kebir nalang!.

ALEXA THE BOBO'S POV (Pinsan ni ate Tinay )

Ang saya pala mag prank! Nakita ko kasi sa YT 'yung boyfriend prank. Kaya ayun naisipan Kong gawin Kay Tinay.

Edited na 'Yung video at gagawa pa lang ako ng channel. Mamaya ko na i-update.

Wala dito sila mommy at daddy may business trip daw sila sa ibang bansa.

Kilala ang mga magulang ko sa pinakamayamang pamilya dito sa bansa. Pariho silang business.
Meron din kaming 5 star hotels sa Cebu, 10 beaches sa Laguna, 4 resorts sa Ormoc, 3 malls dito sa Oranbo. Pero Hindi ko iyon ipinagmayabang.

Patay na ang mga magulang ni Tinay. Kaya dito siya pinatira nila mommy para daw meron akong kasama pag wala sila.

"Insan, may alam ka bang restaurant na pwede Kong applyan?" Napalingon ako Kay Tinay.

"Wala, bakit mo natanong tinay?"  Taas kilay Kong tanong.

"Edi siyempre! Para mag trabaho. Hayst! Ang bobo mo talaga nuh?!"  Nakapamewang na sagot niya.

"Ehh, bakit ba kasi naghahanap ka pa ng trabaho e kung pwede namang manghingi nalang Kay mommy ng pera." Naguguluhan talaga ako Kay Tinay. Una ayaw niyang magpagastos kila mommy ng pera para pang bayad ng tuition, kaya ayun kumuha siya ng scholarship. Pangalawa ayaw niyang si mommy ang bumuli ng uniform niya, kaya hanggang ngayon wala pa siyang uniform. Pangatlo Hindi niya tinatanggap ang allowance na bigay ni mommy, kaya ayun kailangan pa niyang maghanap ng trabaho. Hayst!.

"Basta! Ayaw kong isipin 'nyo na pabigat ako." 'Yan lang naman ang palagi 'nyang sinasabi.

"Ano ka ba! Hindi ganun 'yun! Tinulungan ka namin dahil pamilya tayo."

"Basta, bukas na bukas maghahanap ako ng trabaho. Ang dami na kaya ng utang ko sa inyo. pinatira, pinatulog, pinakain ng libre. Kaya ayaw ko ng dagdagan."

"Iba ang utang sa tulong girl!"

"Teka lang! Ang seryoso mo 'ata ngayon insan! Anong nakain mo? Wala ka bang sakit?"

"Huh? May sakit ako Tinay? May nakain ako? E  fries lang naman at burger ang kinain ko kanina ah! Patay talaga sa akin 'Yung manager ng mcdo!"  Kaya pala ang sakit ng tyan ko kanina.

"Ayy!! Boba talaga! Joke lang pala 'Yung sinabi Kong seryoso ka!" Disappointed niyang sabi. Abnoy din pala 'tong si Tinay ano?.

"Tinay! Samahan mo nga ako sa labas!"

"Ano bang gagawin natin sa labas insan? Ang init kaya." Pag iinarte niya.

"Puntahan ko lang ang manager ng mcdo! Irereklamo ko 'Yung empleyado niyang nag luto ng fries!" Hinigit ko na siya, malapit lang naman dito.

BACK TO TINAY'S POV

"Insan! Bitawan mo nga ako joke lang naman 'yun!" Akala ko talaga nag seryoso na si insan.

"Anong joke tinay? Ang sakit kaya ng tyan ko pagkatapos Kong kainin 'Yung bwesit na fries na 'yun!" Sinisi talaga 'nya ang fries sa mcdo. Ano pa bang inaasahan ko dito ka insan? Dedma!.

Dahil malapit lang naman dito ang mcdo nakarating na agad kami.

"San ang manager 'nyo dito?!!!!" Patay! Mondragon na talaga si insan.

"Ahh.. Wala po dito  ma'am, bakit po?" Magalang na sagot ng cashier.

"Sinong taga luto ng fries dito?!!!" Napalingon na ang mga tao sa loob dahil sa sigaw ni insan.

"Ako po maam, bakit po?" Biglang may sumulpot na babae.

"Ano bang nilagay 'nyo sa fries na binili ko kanina? Bakit sumakit ang tyan ko?!!!" Mapaos talaga 'tong si insan kakasigaw.

"Wala naman po maam."

"Anong wala bakit ang sakit ng---

*poooooootttt*

Biglang na putol ang sasabihin ni insan ng may tunog kaming narinig galing sa pwet niya.

" tinay bilisan mo natatae na ako!!" Sinigaw pa ni insan. bulungan tuloy ang mga tao. Hay kahiya naman!. Dedma!.


Ang boba talaga ng Pinsan mo ate Tinay!

Sinabi mo pa! Dedma!.





Next Chapter!

Your Kiss, Make My Life Changed (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon