Chapter 17

91 8 4
                                    

TINAY'S POV

"Insan, paano na 'yan? Hindi na pwedeng mag quit?" Problemadong tanong ko kay insan ng makabalik kami nga classroom.

"Edi ipagpatuloy mo gaga." Naka pamewang na sagot niya sa harapan ko.

"Ikaw kasi insan eh, kung hindi mo lang sana ako sinali sa kalukuhan mo. Edi sana wala akong problema ngayon." Para akong binagsagan ng langit at lupa. Lalo na't ka partner ko 'yung lalaking 'yun!

"Anong problema nun? Huy Tinay wag ka ngang mag enarte dyan! Pasalamat ka nga't sinali kita, para naman exempted ka sa mga quizzes."

"Hindi mo kasi naintindihan insan eh!" Mangiyak-ngiyak na sabi ko."paano na ang trabaho ko?" Yes po, may trabaho na po ako nung last week pa.

"Anong connect nun sa trabaho mo?" Kunot noo niyang tanong.

"Diba may practice pa? E paano na ang schedule ko sa trabaho?"

"Edi sa trabaho ka mag quit." Sabi niya na para bang ang dali lang 'yun para sa akin.

"Ano gaga ka ba? Paano na ang pangpatahi ko ng uniform kung ganun?" One month lang kasi ang ibinigay na palugit para sa mga baguhan tulad ko. e lagpas na nga ako sa palugit.

"I told you na kasi tinay, na tanggapin mo nalang ang ibinigay ni mommy sayo. Hindi ko pa nasauli kay mommy. Pwede mo itong gamitin kahit anong oras gusto mo." This time nakaupo na siya sa tapat ko. Pwede naman kasing tanggapin ko nalang ang perang bigay ng mommy ni insan. Pero mas gusto ko talagang mismong pera ko ang gamitin. Hayst! Tinay, ang gulo na ng utak ko!

"Pag isipan ko pa insan." Tanging sagot ko nalang.

NATHAN'S POV

"STUPIDO!!!!!!" Malakas na sigaw ko ng makabalik na kami ng office ni mommy.

"Sorry na kasi tol. Hindi ko naman kasi alam na ayaw mo pala ng mga ganyan." Sabi ni james sabay upo sa couch dito sa office.

"I don't need any explanations, stupido! Ano bang magagawa ng explanation mo ha?" Galit na sagot ko sa kaniya habang naka kuyom ang dalawang kamao.

"Iinom mo nalang kasi 'yan tol, para mawala 'yang highblood mo." Napatingin ako sa kaniya.

"Libre mo ako ng yakult at milktea," naka ngising sagot ko na. Pag yakult at milktea na talaga ang pinag uusapan ay biglang maglaho ang galit ko.

"'Yun lang ba tol?"

"Dagdagan mo na din ng yusi."

"Anong brand ng yusi tol?"

"Super stick-o."

"Anong flavor?" Tanong na naman niya ulit. Dapat bang specific ang sagot?

"Lahat ng flavor ng stick-O bilhin mo. Dapat wala pang 1 minute makabalik ka na. Timer start now!" Nag saludo pa ang gago bago umalis. Uto-uto.

Tatayo na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si james na hingal na hingal.

"Naka bili ka na?" Taas kilay kong tanong.

"Ayy hindi pa tol, kita mo naman sigurong may bit-bit na ako. Ito oh!" Tinaas pa niya ang dalang malaking selopin.

"Ang bilis mo naman 'ata?" Kinuha ko ang dala niya.

"Bobo ka ba tol? Gusto mo na ba akong mamatay? Diba sabi mo wala pang 1 minute ay dapat makabalik na ako dito?" Hindi ko nalang siya pinansin at binuksan ang isang garapon ng stick-o. Dapat lang na sumunod siya sa nag iisang Nathaniel Alvarez.

"Hindi ka man lang ba mag thank you tol?"

"Isang Nathaniel Alvarez? Mag pasalamat sa isang stupido? Hell no!" Sabi ko sabay inom ng Yakult.

"Okay na sa akin na hindi ka mag thank you. Pero pahingi naman ng yakult." Nakangusong sabi niya na parang bata.

"No! Bumili ka ng sayo!" Tinabig ko ang kamay niyang kukuha sana ng yakult.

"Sige na tol, kahit isa lang." Lumuhod na siya sa harapan ko.

"Baka nakalimutan mong may kasalanan ka pa sa'kin?"

"Baka nakalimutan mo ding pumayag ka tol?"

"Shut up!! Okay lang naman sa akin 'yun na sinali mo ako, dahil alam ko namang mas gwapo ako sayo. Pero ka partner ko 'yung babaeng bwesit na 'yun!"

"Mag enarte ka pa tol, baka magulat nalang ako na nainlove ka na pala sa babaeng 'yun." Sakto namang uminom ako ng yakult ng sabihin niya 'yun. Kaya na ibuga ko sa kaniya ang ininom ko.

"Stupido! Stop saying disgusting things."  Sabi ko na pinunasan ang baba.

"Kadiri ka tol!" Asik niya na pinunasan din ang yakult na naibuga ko sa mukha niya.

"Mag inarte ka pa? Huy stupido pasalamat ka dahil laway ng nag iisang Nathaniel ang naibuga sayo!" Kinuha ko na din ang milktea at sinimulang inumin.

Naisip ko ang sinabi ni James. Paano nga kung magkatotoo ang sinabi niya?

Damn letche!!!

Paano na ang plano kong iwasan ang babaeng 'yun e, kung magdamag kaming magkasama dahil sa walang kwentang practice na 'yan?!!!

At paano din kung sa araw-araw naming pagsasama ay magkatotoo ang sinabi ni james?


Next chapter!

Your Kiss, Make My Life Changed (On-going)Where stories live. Discover now