[12] 7Eleven

600K 13.2K 2.7K
                                    

[12] 7ELEVEN

 

KAYE ANNE'S POV

 

"Sabi ko, yakap ka sa akin!" Sabay hawak niya sa kamay ko at iniyakap sa bewang niya. OMOGHOD! "Mahigpit..."

*lub dub lub dub*

Aaaaaahhhh! Ayoko ng ganitong pakiramdam. Parang mabibingi na ako sa malakas na pagtibok ng puso ko. Aaaaahhhhhh! Ayoko nito!

"Hey, yakap ka sa akin ng mahigpit. Baka mahulog ka eh." Natatawa niyang sabi.

"Ewan ko sayo! Chansing ka lang eh!"

"Ikaw nga dyan ang chansing eh. Ikaw ang nangyayakap eh! Hahahaha." Gusto ko man makipagbarahan pero parang natitiklop ang dila ko. Argh! Napapikit nalang ako ng maramdaman kong inihihigpit niya ang pagkakayakap ko sa bewang niya. EMERGHED!

"Wag k-kasing mabilis ang pagpapatakbo, p-pandak! Wag mong paganahin ang pagiging drag racer mo dito ah..." Kinakabahan kong sabi pero yung totoo change topic lang naman talaga. Hohoho.

"Wala pa nga eh. Di ko pa nga pinapaandar, kinakabahan ka na agad dyan."

Jusmiyo naman kasi yang hawak niya sa kamay ko. Nakakakuryente lungs! Parang may kung ano tuloy na nagwawala sa tiyan ko. Gutom kaya ako ulit? "Eh p-paano tayo makakaalis kung nasasarapan ka sa paghawak sa kamay ko!"

Bigla naman yang binitawan ang kamay ko at humawak na sa ewan ko kung anong tawag dun. Basta pag sa kotse, ang tawag dun ay steering wheel. "Sorry naman..." He said in a low tone.

Yiiieeeeee! If I know, nasarapan lang talaga siya sa paghawak sa kamay ko eh. Ayan na naman, umaandar na naman ang pagka-assumera ko.

Nagsimula na siyang paandarin ang motorbike niya, at ako naman ay sobrang makayakap sa kanya kasi naman feeling ko baka pag niluwagan ko ang kapit ko ay hihiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko. Aaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh! Ang bilis!

*Broooooooooooooommmmmmmmmmm!*

 "Kulet, nandito na tayo."

"..."

"Huy, humihinga ka pa ba dyan?"

"KULET..."

"Ay!" Napabitaw tuloy ako ng bigla sa pagkakayakap ko kay Pandak. Nakakagulat kasi.

Tumawa siya ng mahina at sinisilip ako mula sa likuran niya. "Ano? Bababa ka na ba o gusto mo pang yumakap sa akin? Mamili ka lang..." yung tono ng pananalita niya parang nang-aasar. 

"Nahiya naman ang semento sa kapal ng mukha mo!!" inis kong sabi saka ako bumaba na ng motor bike niya. Nagdadalawang isip ako kung tatanggalin ko ba ang helmet sa ulo ko kasi pag tinanggal ko, tiyak  pulang-pula ang mukha ko. On the second thought, baka pagkamalan naman akong power ranger ng mga tao sa loob ng 7Eleven kapag pumasok akong nakaganito.

Napatingin sa akin si Nathan saka niya ako tinignan na parang nawiwirduhan siya sa akin. "Kulet, tanggalin mo na nga yan."

Napakagat-labi nalang ako habang tinatanggal ko ang helmet sa ulo ko. Medyo nagulat ako ng tinulungan niya itong alisin sa akin. "Pandak, treat mo talaga ah?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya at inilagay na ang helmet sa motorbike niya. "Tara na..."

Nang makapasok na kami sa 7Eleven, kaunti lang ang tao. Tatlong customers lang ata plus kami at syempre isama mo na rin yung mga empleyado. Hinila ko ang sleeve ni Nathan kaya napalingon siya sa akin.

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon