SIMULA

63.5K 1.5K 1.2K
                                    

SIMULA






"OH," Napanganga ako nang makita ang taliwas sa iniisip kong madadatnan ko sa loob ng clinic.







"Good morning po, ikaw po ba si Dr. Yael Villarama?" Bungad ko sa lalaking nakatalikod sa akin.






Ang tanging nakikita ko lang ay ang kanyang malapad na likod na nababalutan ng doctor's coat.






"Excuse me po," Pilit kong kinukuha ang atensyon niya ngunit parang wala siyang pake alam sa paligid.






"You're in the wrong office." Halos kilabutan ako sa klase ng kanyang tono ng pananalita.






Purong ingles ang gamit niya at sa unang rinig ay masasabi mong bihasang-bihasa.






Siguro nga ay mali ako ng office na napuntahan, ang sabi ni Maribelle sa akin ay probinsyano si Dr. Villarama kaya imposibleng ito siya.







Nilibot ko ang aking paningin sa opisina niya, ang lahat ng bawat sulok ay kulay puti at may mga life size na mga taong manikin na sa tingin ko't iba't-ibang uri ng human body systems.






"Nako, pasensya na p——" Napatigil ako sa pagsasalita nang walang sabi niyang humarap.






Nagtama ang aming paningin at katulad ng reaksyon ko'y natigilan rin siya.






Kahit na nababalutan pa ng surgical mask ang kalahati ng kanyang mukha at tanging ang magaganda at nakakaakit na kulay asul mga mata niya lang ang nasisilayan ko, sapat na 'yon para masabi kong sobrang gwapo ng doktor na nasa harapan ko.






Dumagdag pa ang tangkad niya na siguro kung pagtabihin kami ay hanggang balikat lang ako.







Narinig ko ang pagtikhim niya, "Actually, you're in the right office." Pambawi niya kaya napakunot ang noo ko.







"Po?" Naguguluhang tanong ko.






Tinanggal niya ang surgical mask at bumungad sa akin ang matangos niyang ilong at ang mapupulang labi.






Pinakatitigan ko ang kabuuan ng kanyang mukha at halos mapamura ako sa isip ko habang pinagmamasdan 'yon.






Tangina, ang gwapo.






"Dr. Villarama is on leave. He asked me to take care of his patients while he's away." Sagot nito at prenteng naupo sa kanyang swivel chair. Sumandal siya sa backrest at pinagkrus ang dalawang binti.






Nakatitig lamang siya sa mata ko habang pinaglalaruan ng kanyang mga daliri sa kanang kamay ang kanyang pang-ibabang labi.






"Take a seat," Paanyaya niya sabay turo ng visitor's chair sa tapat ng kanyang table.







Agad akong naupo at pilit na kinakalma ang naghuhurumentado kong sistema habang pinapanood niya ang bawat paggalaw ko.






Awkward akong ngumiti ubang mabawasan ang kaba ko.







"What's your name?" Tanong niya.







"Pilar po." Tugon ko.







Umismid siya,







PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum