CHAPTER 38

24.7K 718 76
                                    

CHAPTER 38








"KUYA," Rinig kong tawag ni Lucifer sa pangalan ng kuya niya.






""What?" Tugon naman ni Nicholai.






"How old am I?" Tanong niya sa kanyang kuya.






Itinigil ko ang ginagawa kong pagsusulsi ng ireregalo ko kay Maximo na sweater para sa darating na pasko at tinignan si Lucifer na hirap na hirap na nagsusulat sa kanyang pad paper.






"Lucif, that's your age. You should be the one who knows that." Pangaral ni Nicholai sa kanya na tila naistorbo sa ginagawang pagbabasa sa kanyang libro.






Napangiti ako nang makita kong ibinaba ni Nicholai ang hawak niyang libro sabay naupo sa tabi ni Lucifer at tinignan ang ginagawa niya.






"What's that?" Pag-uusisa niya at pilit na sinisipat ang sinusulat ng kanyang kapatid.






Napasimangot naman si Lucifer at pilit na tinatago ang kanyang ginagawa na parang lihim na hindi pwedeng malaman ng kahit na sino.






"Kuya, no. It's off-limit." Suway ni Lucifer sa kuya niya.






"What's happening?" Halos mapitlag ako nang marinig ang boses ni Maximo na kakapasok lamang ng aming bahay.






Agad kong tinago ang ginagantsilyo ko na sweater para sa kanya sa ilalim ng mga unan sa sofa at tumayo na parang walang nangyari.






"Dad!" Tumayo si Lucifer bitbit ang kanyang pad paper at sinalubong ng yakap ang kanyang ama.






Nakangiting binuhat ni Maximo si Lucifer at hinalikan sa pisnge.






"How's my youngest?" Nakangiti pa rin niyang tanong rito.






"I'm good, dad. Kuya taught me how to play piano in the morning and I helped mom to prepare lunch." Pagmamayabang niya.






"That's good," Papuri ni Maximo at nagtungo sa kinalalagyan namin ni Nicholai.






Ibinaba niya si Lucifer sa sofa at sinalubong si Nicholai na may tipid na ngiti sa labi.






"How's your school?" Tanong ni Maximo sa kanya.






"Boring. I already knew what they taught us earlier." Tugon ni Nicholai at naupo na rin sa sofa sa tabi ng kanyang kapatid na bumalik muli sa pagsusulat ng kung ano.






"You should take it easy, Nicholai. Enjoy being a kid and play outside." Wika niya rito ngunit nagkibit balikat lamang si Nicholai at pinagpatuloy muli ang pagbabasa.






Sunod naman akong tinungo ni Maximo at mabilis na binigyan ng halik sa labi.






"How's my wife?" Malambing na tanong niya sa akin at pinalibot ang kanyang dalawang braso sa aking bewang na parang niyakap ako.






Ngumiti ako at niluwagan ang kanyang necktie na suot. "Ayos lang naman dito. Ikaw, kumusta ang araw mo?" Tanong ko naman pabalik.







Hinalikan niya ang aking noo, "As usual, it's a tiring day. But it's fine, as long as I know that you're my wife." Pambobola niya.






PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن