CHAPTER 2

37.4K 1K 173
                                    

CHAPTER 2








LUMANGHAP ako ng sariwang hangin pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng tricycle ni mang Delpin.




"Pilar!" Narinig ko ang boses ni Mamang habang iwinawagayway ang walis tambo na ginamit niya sa pagwawalis ng mga tuyong dahon na nagkalat sa labas ng bakuran namin.



"Mamang!" Wika ko at tinakbo ang distansya namin, nang akma ko siyang yayakapin ay agad niya akong inambahan ng hampas ng walis kaya napaiwas ako.



"Bakit umuwi ka dito, hah?! Sinabi ko bang umuwi ka?" Wika niya at mahina akong pinaghahampas ng walis sa hita.



Nakanguso kong pilit na sinasalag ang bawat hampas niya.



"Na-demunyo kang bata ka! Tsaka ka na bumalik rito kapag buntis ka na!" Aniya habang pinagpapatuloy ang paghampas sa akin.



"Mamang naman! Hindi aki pwedeng magbuntis, dancer ako!" Tugon ko. Huminto siya at nameywang sa harapan ko.



Nang maikwento ko sa kanila ang expiration date ng matres ko ay gusto nila akong pag-asawahin agad. Kung pwede raw ngayon mismo ay magpabuntis na 'ko para makarami pa raw sila ng apo.



"Gusto mo bang matali sa Benji na 'yon, Pilar? Kapag hindi ka pa nagpabuntis sa iba, panigurado sa susunod na buwan ay kasal ka na sa probinsyanong hilaw na 'yon!" Paliwanag niya, may punto rin ang suwestyon nila.



Mawala na raw ang bahay namin basta huwag raw akong matali kay Benji.



"Nag-maynila ka na't lahat-lahat, hindi ka pa naghanap ng mayaman doon!" Bulyaw niya.



"Patrisya, ano bang ingay 'ya——" kitang-kita ko kung paano lumaki ang mata ni papang nang makita ako sa harapan ni mamang.



"Anak ka ng pisteng bata ka! Hindi ba't sinabi kong huwag kang uuwi ng hindi buntis?!" Tinakbo niya ang kinalalagyan namin ni mamang at nag-amba ng kaltok sa ulo ko nang magtago ako sa likod ni mamang.



"Papang, naman eh! Akala mo ba madaling humanap ng lalaking willing mag-donate ng sperm? Malay ko ba kung masasamang tao ang mga 'yon!" Tugon ko, hinabol niya ako at nang mahuli ay malakas na kaltok ang nakuha ko mula sa kanya.



"Wala kang ginawa kung hindi mag-tiktok sa maynila! Kaya nahahawa sa'yo ang kapatid mo!" Aniya, napahawak ako sa batok ko na kinaltukan niya.



"Isa pang kaltok, titinolahin ko 'yang manok mo!" Banta ko.



"Aba, yawa ka! Nakuha mo pa 'kong bantaan!" Akma niya akong hahabulin nang magtago muli ako sa likod ni mamang.



"Mamang, pigilan mo nga 'yang asawa mong sabungero!" Utos ko.



"Manahimik nga kayong dalawa!" Sigaw ni mamang.



Agad naman kaming tumigil ni papang, "Ikaw, sinasabi ko na sa'yo, Pilar! Kapag nalaman ni Benji na bumalik ka na dito, alam mong hindi ka titigilan no'n! Panigurado rin akong kalat na sa bayan ang pagbabalik mo kaya't bukas na bukas hahalughugin ng tarantado na 'yon ang buong bayan makita ka lang." Paliwanag ni mamang.



Napakamot ako sa aking ulo, "Bumalik ka ng Maynila! Hala sige balik!" Utos ni papang.



"Pang, pangkain nga natin paubos na e. Sayang ang pamasahe kapag bumalik ako do'n." Tugon ko.



"Sino ba kase ang nagsabing bumalik ka dito? Yawa kang bata ka!" Wika ni papang.



"Wala na tayong magagawa, hala sige't pumasok ka na at magpahinga. Paniguradong bukas na bukas paparito na si Benji para anakan ka." Wika ni mamang, napangiwi ako sa sinabi niya.



PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)Where stories live. Discover now