CHAPTER 27

24.1K 699 69
                                    

CHAPTER 27






"GOOD AFTERNOON..." Nakangiting bati ng isang babae na naka-formal dress na kulay navy blue nang makapasok kami sa isang restaurant na may private reservation.







"I'm Bernadeth Honrejas, ako po yung ni-hire ni Mr. Zalduque na magiging wedding planner ninyo para sa kasal niyo. And this is my assistant, Cynthia Vernabe." Pakilala niya sabay lahad ng kanyang kamay sa akin.







Malugod ko 'yong tinanggap nang nakangiti, "Hi, I'm Philipina Larisa Dela Tor--" Naramdaman ko ang pagpisil ni Maximo sa aking kamay kaya napalingon ako sa kanya.







"Zalduque." Pagtatama niya.







Natawa ako, "Oo nga pala, nakalimutan ko. Zalduque na," pagbibiro ko.






Tumawa ang dalawang babae ngunit si Maximo ay sinamaan lamang ako ng tingin.







"Let's sit na po." Paanyaya ni Bernadeth sabay muwestro ng nga upuan.







Pinaghaltak ako ni Maximo ng upuan at inalalayan na makaupo ng maayos na parang lumpo ako.







"Buntis po pala kayo, ma'am Philipina." Wika ni Cynthia kaya napakunot ang aking noo at hinawakan ang aking tyan.







"Paano mo nalaman? Maximo, halata na ba?" Tanong ko sa kanila.







Pinakatitigan ako ni Maximo at tila walang emosyon ang kanyang mukha, "You don't even look like a pregnant woman, Larisa." Aniya.







Napalingon ako kay Cynthia nang marinig siyang tumawa, "Marunong po kase akong tumingin ng buntis kaya isang tingin ko pa lang sa tyan ng babae ay alam ko na kung buntis o hindi," paliwanag niya.







Napatango-tango at tinignan siya ng namamangha, "Ang galing, paano mo nalalaman?" Pag-uusisa ko.







Sasagot sana siya nang tumikhim si Maximo, "That's not the reason why we came here, Larisa." Aniya.






Sinamaan ko lang siya ng tingin at sumimangot, "Pasensya na po, Mr. Zalduque, hindi po kase mapigilan ang bibig nito minsan e." Paghihingi ng tawad ni Bernadeth.







"It's fine, let's get this started." Umayos siya ng upo at tinignan ako, "What do you like to eat?" Tanong niya sa akin.







"Kahit ano basta madaling maluto, gutom na rin kase ako." Tugon ko.







"Alright," aniya pagkatapos ay tumingin sa menu kung nasaan ang mga pangalan at pagpipilian.







"Kayo rin, umorder rin kayo." Nakangiting wika ko kay Bernadeth at Cynthia.







Tumango sila nang nakangiti sa akin.







Nang maka-order kami ng aming makakain ay nagsimula nang magtatanong ni Maximo kay Bernadeth ng tungkol sa kasal.







"Actually, Mr. and Mrs. Zalduque, we already gathered a list of churches. It is a total of twenty churches so you can have a wide selection," May iniabot si Cynthia sa aming dalawa ni Maximo na dalawang clear book.







"That's the best selection, since Mr. Zalduque said that you prefer church wedding, Ma'am." Paliwanag ni Bernadeth.







PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora