CHAPTER 19

27.8K 847 58
                                    

CHAPTER 19







NAPATILI ako sa gulat nang bigla niyang haltakin ang dalawang paa ko dahilan upang mapahiga ako sa kama.






Nagpumiglas ako ngunit tinutok niya sa aking ulo ang dulo ng baril kaya natigilan ako, "Isa pang galaw mo, papasabugin ko 'yang ulo mo!" Sigaw niya sa akin, pinagdikit ko ang aking mga binti ngunit buong lakas niya 'yong pinag-parte.






Akmang sasampalin niya muli ako nang biglang humandusay sa sahig ang ibang mga lalaking nasa labas.






Naalarma si Benji, "Tangina, tignan niyo kung sinong may gawa!" Utos niya sa mga tauhan niyang kasama namin sa kwarto.






agad itong nagsikilos ngunit hahakbang pa lang sa labas ay sunod-sunod na silang nagsibulagtaan sa sahig.






Nagkalat ang dugo na umaagos palabas ng kanilang katawan, napunta ang aking atensyon kay Amber na 'di makapaniwalang nakatingin sa walang buhay na katawan ng mga lalaki.






Umayos ng tayo si Benji at hiniklat ang aking buhok, "Sige pumasok ka, para patayin ko na ang babae na 'to." Banta ni Benjinsa kung sino man ang nasa labas.






Nagpakita ang kung sinong mang hulog ng langit na nagligtas sa amin, isang matangkad na lalaking hindi ko mamukhaan ang mukha.






Nakasalubong ang kilay nito habang nakatingin sa akin, "Let go of that woman and fight me." Matigas na ingles ang gamit nito na parang nanghahamon.






"Sino ka namang pakelamero ka?" Inis na tanong ni Benji sa kanya.






Sumulpot sa kanyang likuran si kuya Gabriel na sa pagkakatanda ko'y tinawagan ni Amber upang iligtas kami.






Nakangisi ito habang iiling-iling na nakatingin kay Benji, "Wala ka talagang kadala-dala," Komento niya.






Umismid si Benji, "Sige, lumapit kayo at papatayin ko ang babae na 'to." Banta ni Benji, napangiwi ako nang higpitan niya ang pagkakasabunot sa aking buhok.






"Subukan mo para morgue na ang diretso mo at hindi na sa ER." Biglang sumulpot si kuya Jegudiel sa tabi ni kuya Gabriel na nakangisi rin na parang inaasar pa si Benji.






"Who the hell is that woman?" Tanong ng nasa unahang lalaki na nakaturo pa sa akin.





Nagtawanan si kuya Jegudiel at kuya Gabriel sa likuran niya.





"Labidads ni Doc." Natatawang wika ni kuya Jegudiel, kahit na nagbibiro ay hindi pa rin nawawala ang nakakatakot at mabigat niyang awra na nakapalibot sa kanya.





Ngumisi si kuya Gabriel at napailing sa kaibigan, "Let go of her, patatakasin ka namin basta pakawalan mo lang sila." Pakikipag-negosyasyon ni kuya Gabriel kay Benji.





Mapaklang natawa si Benji, "Hindi ako tanga, papatayin niyo rin naman ako kaya isasama ko na sa hukay ang malandi na 'to!" Mala-demonyo pa rin ang pagtawa niya na nagbibigay kilabot sa sistema ko.





"Itigil mo na 'to, B-Benji..." Mahinang pakiusap ko.






Magsasalita pa sana si Benji nang bigla kaming makarinig ng sigaw mula sa ibaba at sunod-sunod na pag-akyat ng kung sino sa hagdanan.






PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat