CHAPTER 15

28K 916 39
                                    

CHAPTER 15






NAPAKUNOT ang aking noo nang makita kung paano maningkit ang mata ng babaeng doctor na tumingin sa akin.





"Dr. Zalduque, I think you called the wrong specialist." Wika ng doctor pagkatapos niya akong suriin.





"What do you mean?" Tugon ni Doc habang prenteng nakasandal sa pader na nasa gilid ng pintuan. Naka-krus ang kanyang dalawang braso sa dibdib na parang pinagmamasdan ang aking kabuuan.





"You should call Dra. Aquino of obstetrics & gynecology department." Tugon ng babae habang nililigpit ang mga kagamitang ginamit niya sa pagtingin sa kalagayan ko.






Kumunot ang aking noo, hindi ko naintindihan ang sinabi ng doktora dahil masyadong mabilis ang pagkakabigkas niya.






Tinignan ko si Doc para itanong kung ano yung sinabi ni doktora pero itinapat niya lamang ang kanyang hintuturo sa kanyang labi na parang sinenyasan akong manahimik.






"I'll contact Dra. Aquino to go here right away, Dr. Zalduque." Wika ng doktora at lumabas na ng kwarto.






Hinatid siya ni Doc saglit at wala pang ilang segundo nang bumalik ito nang may dala nang dalawang paper bag ng isang sikat na fast food chain.






"Eat up first," Aniya. Naupo siya sa aking paanan at inilabas ang isang styrophone, binuksan niya 'yon at bumungad ang mabangong amoy ng burger steak na paborito kong almusal kapag bagong sahod sa studio.






Napansin ko ang kanyang seryosong mukha na parang wala sa mood makipag-usap.






"D-Doc, may problema ba?" Tanong ko. Napaka-moody, kung kanina lang ay panay tawa. Ngayon naman ay sobrang seryoso ng ekspresyon.






Nag-angat siya ng tingin sa akin at ganoon na lang ang pagtataka ko nang mapansin ang malamig nitong tingin.






"Did you know that you're pregnant?" Tanong niya. Agad na nanlaki ang aking mata sa sinabi niya.






"Huh? P-Pregnant?" Pag-uulit ko.






Kumunot ang kanyang noo, "Dra. Francisco said that you're pregnant." Aniya.






Napatakip ako ng aking bibig, "Hindi ko a-alam..." Mahinang usal ko.






Sinapo ko ang aking tyan dahil sa sinabi niya.






"You drunk too much alcohol last night." Matigas na aniya.






Sunod-sunod na luha ang bumuhos mula sa aking mata.






"Ang tanga-tanga ko, paano kung may nangyaring masama sa kanya? Hindi ko man lang naisip 'yo——" Natigilan ako nang maramdaman ang mabilis na pagkabig ni Doc sa akin at ang pagkulong niya ng katawan ko sa kanyang dalawang braso.






"Shh... I'm sorry, don't blame yourself. Our baby is fine," pinaulanan niya ng halik ang aking ulo upang pakalmahin ako.






"P-Pangako, h-hindi ko talaga alam na buntis ako..." Paliwanag ko, mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin.






"Shh... Naniniwala ako." Aniya.






Inihiga niya ako sa kama, tinakpan ko ang aking mukha dahil paniguradong mugto ang aking mata.






PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)Where stories live. Discover now