CHAPTER 28

24.3K 688 64
                                    

CHAPTER 28







"EXCUSE ME, I'm Maximo Zalduque. Timothy's guardian." Pakilala ni Max sa isang matandang lalaki na sumalubong sa amin nang igaya kami papuntang Principal's office.






Agad itong naglahad ng kamay, "Good afternoon, I'm Edgardo Bautista. I'm the principal, take a sit." Naupo kami sa visitor's chair na nasa tapat ng table ng principal.






Hawak-hawak ni Max ang aking kamay habang hinihintay ang sasabihin ng principal.






"Maricar, papasukin mo na sila Timothy." Wika ng principal.






Bumukas ang pintuan ng opisina at pumasok ang isang batang lalaki na sa palagay ko'y nasa sampung taong gulang pa lamang.






Marumi ang kanyang uniporme, may gasgas at galos ang siko at braso at may dugo ang gilid ng labi na kung susumahin ay sa palagay ko'y nakipag-away.






"Timothy?" Bakas sa mukha ni Max ang inis nang makita ang kalagayan ng bata, agad itong lumapit at naupo sa aming katapat na upuan.






"What happened to him? Why didn't you took him to the hospital?" Inis na tanong niya sa principal.






Awkward na napakamot sa ulo ang principal tsaka tumingin kay Max, "Sir, actually, that's minor injury compared to the student who he almost beaten to death." Paliwanag ng principal.






Laglag ang aking panga habang nakakunot ang aking noo na nagpapalipat-lipat ng tingin sa bata at ss principal.






"We immediately rushed the student to the hospital, his parents was furious and wanted me to make an action about this case. They want Timothy to be expelled and sent to DSWD to learn his lesso——" agad na pinutol ni Maximo ang sasabihin ng principal.






"My Godchild would never do that without a reason, I'm sure they provo——"






"Tito, no one provoke me. I did it myself," Nakatungong tugon ng bata. Tila wala akong mahimigang pagsisisi sa kanyang ginawa.






Magsasalita pa sana ang principal nang biglang bumukas ang pintuan ng marahas at pumasok ang isang lalaki at babae na sa tingin ko'y kasing edad ni Maximo.






"Kayo ba ang magulang ng bata na 'yan?!" Galit na galit na tanong ng lalaki.






Agad na tumayo si Maximo ganoon na rin ako upang pigilan sila kung gusto nilang saktan ang bata, "No, but I'm his guardia——"






"Gusto kong makausap ang magulang niya! Ang demonyo na 'yan! Bali-bali ang buto ng anak ko sa tagiliran nang dahil sa pambubugbog niya ng walang dahilan, halika rito at gagawin ko sa'yo ang ginawa m——" akmang hahablutin ng lalaki ang bata nang pigilan siya ni Maximo sa pamamagitan ng mahigpit na paghawak ng pulsuhan nito.






"Touch him and I'll break your arms." Magpagbabantang aniya.






Natawa ang lalaki ng mapakla, "Kaya naman pala ganyan ang ugali ng demonyong bata na 'yan! May pinagmanaha——" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang biglaan siyang sinuntok ji Maximo sa mukha.






Agad na pumagitna ang principal sa dalawa, dinaluhan ng babae ang kanyang asawa na nakahandusay sa sahig habang ako naman ay hinawakan si Max sa braso upang pakalmahin.






PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu