CHAPTER 30

25.6K 694 141
                                    

CHAPTER 30







KINABUKASAN ay maaga kaming nagising dahil nakatanggap kami ng tawag mula sa hospital na kailangan na raw makahanap ng magma-match kay Niño.






Kritikal na raw at kapag hindi pa sinimulan ang operasyon ay baka ikalala ng kalagayan niya.






Pinagmamasdan ko ang kalsada habang nagmamaneho si Maximo papuntang hospital. Nakalipat na kase ni Niño sa hospital na pinagta-trabahuhan niya kahapon lang.






Si Timothy naman ay sinundo ng daddy niya kaninang umaga dahil nagising na raw ang mommy niya. Nakakalungkot lang dahil namatay ang pinagbubuntis niya.






Masakit siguro para sa kanila 'yon lalo na kay Timothy, bata pa lang siya at paniguradong iindahin niya ang lungkot ng pagkamatay ng dapat ay magiging kapatid niya.






"Anong iniisip mo?" Napitlag ako nang marinig ang boses ni Maximo mula sa aking tabi.






Nakahawak niya sa aking kamay katulad ng parati niyang ginagawa at ang isa naman ay nasa manibela.






"Nag-aalala lang ako kay Timothy, ang bata pa niya para maranasan 'yon." Tugon ko.






Inangat niya ang aking kamay at hinalikan ang likod ng aking palad, "You're stressing yourself too much, it's bad for our baby." Aniya.






"Eh kase naman, hindi ko maiwasan. Puro na lang problema ang dumadating sa atin nitong mga nakaraang araw, hindi ko alam kung matatapo——"






"You have nothing to be worried of, Timothy is a tough kid. And also your brother, he's fighting so you should too. Hindi niya magugustuhan kapag may nangyaring masama sa baby natin, magiging pamangkin niya 'yan." Pagpapakalma niya sa akin.






Naalala ko na naman tuloy si Niño, minsan ay gusto ko na lang bumigay sa dami ng intindihin.






Kahit na kasama ko naman si Maximo at lagi siyang nandyan sa tabi ko ay feeling ko laging may mali. Ang lalim ng pagkatao niya at ang hirap basahin ng isip niya.






NANG makarating kami ng hospital ay sinalubong agad ako ni Mamang.






"Kumusta na si Niño, mamang?" Tanong ko.






"Hindi pa rin nagigising ang kapatid mo, anak. Nag-aalala na ako, wala pa rin kaming nahahanap na ka-match niya." Pagkukuwento niya sa akin, nakaupo lamang si papang sa monoblock na katabi ng kama ni Niño habang si Tiya naman ay naghahanda ng kape para kay papang at mamang.






"Don't worry, ma'am, I'm doing my best to find a right match for Niño. In a few days, we can start the transplant." Paliwanag naman ni Maximo sa kaniya.






Hinawakan ni mamang ang kanyang kamay, "Maraming salamat, Ijo. Malaking bagay ang tulong na binibigay mo sa mga anak ko." Pasasalamat ni mamang sa kanya.






Nakita kong tumayo si papang at nagtungo sa pintuan, halatang dinadamdam pa rin niya ang kalagayan ni Niño. Mukha siyang wala sa sarili at kulang sa pahinga.






"Teka, ang kape mo." Ani tiya, agad na umiling si papang.






"Hindi na, kailangan ko nang magpatuloy sa paghanap ng trabaho." Lalabas na sana siya nang magsalita si Maximo.






PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)Where stories live. Discover now