CHAPTER 26

26K 750 70
                                    

CHAPTER 28






"MAMANG," Magkasiklop ang aming kamay ni Max nang makapasok sa loob ng kwarto inuukopa ni Niño.






Tulog ito at may mga aparato na nakakabit sa kanyang maliit na katawan, lumapit ako kay mamang at humalik sa kanyang pisnge ganoon rin kay tiya Alicia.






"Good morning po." Magalang na bati ni Maximo sa dalawa pagkatapos magmano.






Ngumiti si mamang at tiya sa kanya, "Mabuti't sinabi na sa'yo ni Pilar, hindi ko alam 'dyan sa bata na 'yan kung bakit ayaw sabihin sa'yo." Wika ni mamang.






Naupo kami sa sofa kung nasaan sila, "Pinagluto namin kayo ng tanghalian. Teka, nasaan nga pala si papang?" Tanong ko.






"Pinauwi ko muna para kumuha ng damit tsaka makatulog kahit sandali, masyadong napagod kakahanap ng trabaho maghapon kahapon." Paliwanag ni mamang, napakunot ang aking noo.






"Ano? Bakit pa siya naghahanap ng trabaho? Hindi ba't sinabi ko na kaya ko namang tustusan ang pangangailan niyo?" Wika ko, naramdaman ko ang paghimas ni Maximo sa aking palad upang pakalmahin ako.






"Alam mo naman ang siraulo na 'yon, mas mataas pa sa bundok ang kahambugan ng ama mo. Nahihiya na raw sa'yo, dapat raw ay siya ang nagtatrabaho para sa atin pero ikaw ang nagpapakahirap para sa pagpapagamot kay Niño. Buntis ka pa kaya mas lalong pursigidong magkatrabaho ang loko." Kwento ni mamang.






"I'll transfer him to the hospital where I'm working so I can pay a visit and monitor him every minute." Pagsasabat ni Maximo sa aming usapan.






Agad na umalma si Mamang, "Nakakahiya naman sa'yo, Maximo. Hindi mo naman kami kaano-ano para——"






"Ma'am, you're my wife's family. Incase you forget, you're like a family to me too. Even Niño, he's like a younger brother to me that's why I want to help. Larisa and I talked about this while heading here, I'll do everything I can." Paliwanag ni Maximo, ngumiti ako sa kanya bago ko lingunin sila mamang at tiya.






"Napag-usapan na namin 'to, mamang, tiya. Tutulong ako sa kanya para mabayaran ang dapat na bayaran sa hospital at sa magiging gastusin ni Niño sa mga gamot." Saad ko, nagkatinginan ang dalawa bago tumango.






"Salamat, Ijo. Hindi na talaga namin alam ang gagawin, nag-aalala na talaga ako sa mga anak ko. Lalo na 'yang si Pilar, buntis pa naman pero kung saan-saan gumagala para maghagilap ng panggamot kay Niño." Wika ni mamang, inirapan ko siya.






"You don't have to thank me, ma'am. I'm doing this for my wife, I don't want to see her being worriedly sick." Hinalikan ni Maximo ang aking pisnge pagkatapos magsalita.






Natawa si tiya, "Mabuti na lang at swerte sa asawa 'tong si Pilar..." Wika niya habang nakatingin sa amin.






"I'll call someone to transfer him as soon as possible, I can assure that he'll be fine there so you don't have to worry so much." Ani Maximo, dinukot niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at tumayo.






"I'll be back." Paalam niya sa akin.






Tumango ako at sinundan siya ng tingin habang naglalakad palabas ng kwarto, nang tuluyan siyang makalabas ay agad na nagsalita si tiya.






"Hindi naman kagandahan 'yan si Pilar pero bakit nakabingwit ng gwapo na mayaman pa?" Tanong niya kay mamang.






Tumawa si mamang at mabilis na sinang-ayunan ang sinabi ni tiya kaya napanguso ako.






PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)Where stories live. Discover now