CHAPTER 21

27.3K 790 47
                                    

CHAPTER 21





DALAWANG LINGGO matapos akong ma-discharged sa hospital ay tuluyan na akong pinamigay ng magulang ko.





Nagpagawa si Maximo ng simpleng bahay na may dalawang palapag. Moderno ang style ng bahay na pinagawa niya at sinakop ng malawak na hardin at swimming pool area ang malaking espasyo ng lote.





Mataas rin ang pader na nakapalibot sa bahay at gwardiyado mapaloob man at labas. "Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya nang mapansing naghahanap siya ng masusuot sa loob ng walk-in closet ng aming kwarto.





Malamyos ang kanyang paraan ng pagtingin na isinukli niya sa akin at 'di kalauna'y lumabas at naupo sa gilid ng kama namin kung saan ako nakahiga ngayon.





Umagang-umaga at kakagising ko pa lang nang makita siya sa kanyang ginagawa.





Ngumiti siya at hinalikan ang aking noo, "Good morning," Bati niya.





Ngumiti ako pabalik sa kanya, "Good morning den, aalis ka?" Tanong ko.





Sa nagdaang dalawang linggo ay hindi siya pumasok ng hospital para bantayan ako, kailangan ko raw ng alalay dahil bagong labas kao ng hospital at maselan raw ang pagbubuntis ko ayon sa doktora na nag-check up sa akin noon.





"I'll take a bath, kailangan ko ng pumasok sa hospital." Aniya.





Napanguso ako at yumakap sa kanyang tagiliran, "Sama ako, ayokong maiwan dito." Wika ko.





Narinig ko ang pagtawa niya at ang bahagyang paghalik niya sa aking ulo, "I won't leave you, maliligo lang ako." Aniya.





"Sama ako," Wika ko.





"No, hindi ka pwede magbababad sa tubig. Stay here, it'll be quic——" akma niyang babaklasin ang pagkakayakap ko sa kanyang bewang ngunit mas hinigpitan ko pa ito.





"Doon lang ako sa gilid, ayoko ko maiwan dito." Pamimilit ko, natawa siya at bumuntong hininga pagkatapos.





"You're not making an excuse to watch me taking shower while naked, aren't you?" Tanong niya, agad akong humiwalay at sinamaan siya ng tingin.





"Ang kapal ng mukha mo," tugon ko.






Tumawa siya at tumayo, "Let's go," Binuhat niya ako at walang sabing ipinasok sa CR.





Iniupo niya ako sa nakasarang inudoro, "Stay there and behave," utos niya.





Nakangiti akong tumango at pinagdikit ang aking mga hita, naka-pajama pa ako na kulay pink at t-shirt ni Maximo sa pang-itaas na halos doble ang laki sa akin.





"Huwag mo 'kong sisilipan." Aniya, sinamaan ko siya ng tingin ngunit tanging ngisi lang ang sinagot niya.





Pagkatapos ay pumasok siya sa glass door ng shower area at hindi na sinara 'yon, sa loob niya sinimulan tanggalin ang saplot sa katawan.





Hinubad niya ang pang-itaas at tinapon malapit sa paanan ko.





Dahil salamin lang ang pagitan no'n ay kitang-kita ko ang matipuno at bato-batong pangangatawan. Tinanggal niya din ang pajama na suot niya na kulay asul naman at itinapon rin malapit sa paanan ko.





PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)Where stories live. Discover now