CHAPTER 16

30.3K 793 121
                                    

CHAPTER 16



"IT'S POSITIVE, you're pregnant," Wika ng babaeng doktor nang mailapag akong muli ni Doc sa ibabaw ng kama. Kinumutan niya ako hanggang sa kalahati ng aking katawan.



"Dr. Zalduque, just bring her to the hospital next week for her first check up." Dugtong ng doktora.



"Yes," Tugon ni Doc. Nagpaalam na sa akin ang babae na aalis na, hinatid pa siya ni Doc sa ibaba pagkatapos ay bumalik dito ng may dala-dalang isang baso ng gatas.



"Ano 'yan?" Tanong ko.



"Drink this, it's good for you." Aniya sabay abot sa akin ng baso.



Kinuha ko 'yon at tinikman, "Masarap." Nakangiting komento ko.




Magsasalita pa sana siya para sumagot kaso biglang tumunog ang kanyang cellphone na nasa bedside table.




Agad niya 'yong tinignan at nang makita ang pangalang nasa screen ay agad niyang sinagot, "What the fuck do you want?" Ang kaninang nakangiti at tila walang problema niyang mukha ay bumalik sa pagiging seryoso.




Rumolyo ang kanyang mata nang marinig ang sagot ng nasa kabilang linya, ibinaba niya ang cellphone sa beside table pagkatapos ay ni-loud speaker.




Kinuha niya ang hindi ko nakain na almusal at binuksan, "C'mon, open your mouth. I'll help you to eat." Aniya, sinunod ko ang gusto niya at tinanggap ang unang subo ng kanin at burger steak.




"Dr. Zalduque, the patient is in critical." Rinig kong boses ng isang lalaki mula sa kanyang cellphone.




Nagsalubong ang kilay ni Doc, "Nah, I'm busy. Tell him to die tomorrow." Tugon ni Doc.




Gusto kong mapasapo ng aking noo dahil sa sinabi niya, "Dr. Zalduque, lahat po kami ay matatanggal kapag hindi ka pa pumunta dit sa hospi——"




"Is that my problem?" Tanong ni Doc sa kausap habang patuloy na sinusubuan ako ng pagkain.




"Dr. Zaldu——"




"Doc, puntahan mo na. Mukhang importante," pagsasabat ko sa usapan nila.




Umiling siya at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa akinh mukha, "No, you're more important." Tugon niya at pagkatapos ay sumandok muli sa kutsara ng pagkain at itinapat sa aking bibig.




Sumimangot ako sa kanya, "Doc, puntahan mo na." Utos ko.




Inangatan niya ako ng kilay, "No. I told you, you need me here more than they need me there. Hindi lang ako ang doctor sa hospital na 'yo——"




"Pero ikaw ang pinaka-kailangan nila, kaya sige na, pumunta ka na doon. Kaya ko dito," Nakangiting wika ko upang pumayag siya.




"No, Laris——"




"Maximo," Unang beses kong pagtawag sa pangalan niya.




Tila natigilan naman siya at pinakatitigan ang aking mukha. Sinalubong niya ang aking tingin, nakipagtitigan siya sa akin na parang hinahamon ako ng patatagan.




"No——"




"Maximo," Pag-uulit ko sa may pagbabantang tono.




Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya pagkatapos ay napabuntong hininga, "Fuck..." Mahinang usal niya.




Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri na parang nagtitimpi.




PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon