CHAPTER 39

24.8K 721 28
                                    

A/N: Wala, char lang hehe.




CHAPTER 39






"GOOD MORNING, Dr. Zalduque! Oh, kasama mo pala sila ma'am," Bati ni Jedesviah nang makita kaming papasok ng hospital.





Isinama kami ni Maximo dahil didiretso kaming mall mamaya para mamili ng damit sa bakasyon namin sa pasko.





Lumapit si Jedesviah at binuhat si Lucif, "Hi, baby!" Wika niya rito ng malapad ang ngiti.





Hindi nag-abala si Lucifer na bumati pabalik, pagsasabihan ko na sana nang pigilan ako ni Maximo.





"He's still a kid," aniya.





Napairap na lamang ako.






Binabati si Maximo ng mga nurse at kapwa mga doktor at doktora na nakakasalubong namin.






"Doc Max, heto ba si Mrs. Zalduque?" Nakakaloko ang ngiti ng isang doktor na pamilyar sa aking paningin.






Tinanguan siya ni Maximo na tila walang planong magtagal pa doon, ngumiti ako sa doktor at bumati.






"Good morning," bati ko.






Inilahad niya ang kanyang kamay, "I'm Vrixx White, the owner of this hospital. I know you, you're Lara's sister right?" Pakilala niya, halos manlaki ang aking mata nang makilala ang kanyang mukha.






Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay nakangiti ring nagpakilala, "I'm Philipina Larisa Zalduque. Oo, naalala na kita. Ikaw yung doktor na nag-opera kay ate Lara noon." Wika ko.






Tumango siya, "Right, I thought I'm easy to be forgotten." Pagbibiro niya, malakas ang dating niya at tila depinang-depina ang kanyang panga na halos hinulma ng buong puso.






Paniguradong maganda ang lahi nito.






"That's enough." Pinaghiwalay ni Maximo ang kamay namin ni Dr. White at itinago ako sa kanyang likuran.






"I know you're my boss but I don't really care." Aniya, bahagyang natawa si Dr. White na tila biro lang sa kanya ang sinabi ni Maximo kahit sobrang seryoso ng kanyang boses.






"You're really an asshole," Iiling-iling na bulong nito pagkatapos ay tinapik ang kanyang balikat.






"See you around, Dr. Zalduque..." Paalam niya at nilampasan kami.






Agad kong siniko si Maximo, "Boss mo 'yon, ba't ginanon mo?" Tanong ko.






Nilingon niya ako na parang hindi niya nagustuhan ang aking sinabi.






"He's my block mate when I was in first year college. It's fine if I even curse him." Paliwanag niya.






"Kahit na. Kaya nagiging siraulo si Lucifer nang dahil sa'yo e," Pangaral ko.






Napailing na lamang siya at hinigit ang aking bewang, "Let's go to my office. I have a workload to do." Aniya.






Nasa likod namin si Jedesviah habang buhat si Lucifer at katabi namang naglalakad si Nicholai at na may earphone na nakasapak sa kanyang tenga.






Nang makapasok kami sa opisina ni Maximo ay agad ako naupo sa sofa, katabi ko si Lucifer at Nicholai samantalang si Maximo ay nagtungo sa closet sa tabi ng kanyang lamesa.






PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)Where stories live. Discover now