CHAPTER 14

30.3K 831 50
                                    

CHAPTER 14







NAGISING ako nang makaramdam ng bigat sa bewang ko.







Nang imulat ko ang aking mata ay unang bumungad sa akin ang nakakasilaw na sikat ng araw na sumisilip mula sa nakabukas na pintuan ng veranda ng kwarto.







Unti-unting luminaw ang aking paningin at doon ko lang nabigyan ng pansin ang musika na nagmumula sa nakatumbang maliit na speaker na nakapatong sa bedside table sa gilid ko.








Mahina lang ang musika ngunit alam kong pang-club ang kantang lumalabas doon. Napakunot ang aking noo lalo na nang mapansin ang isang mabigat na braso at binti na nakadagan sa aking bewang at hita.







Pinakiramdaman ko ito hanggang sa mapagtantong nakahiga kao sa isang malambot na kama habang nakayakap sa aking katawan ang isang lalaki na hindi ko makita kung sino dahil nakasubsob ang mukha nito sa aking leeg.







Amoy na amoy ang pabangong panlalaki na namumutawi sa aking loob, akma akong gagalaw nang mas humigpit ang pagkakayakap nito sa aking katawan.







Doon ko lamang naramdaman ang hindi kaaya-ayang bagay na tumama sa aking binti nang dahil sa ginawa niya, nanlaki ang aking mata at uminit ang buong mukha ko nang maisip kung anong bagay ang nakadikit ngayon sa aking binti.







"Hmm..." Mahinang daing ng lalaking katabi ko at mas isinubsob ang mukha sa aking leeg, ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa aking balat kaya bahagya akong nakikiliti.







Ibinaba ko ang aking paningin sa parte ng katawan kong nababalutan ng makapal na kumot. Ilang dasal ang ginawa ko habang dahan-dahang inaangat ang kumot.







Napatili ako ng malakas nang makitang wala akong saplot ni-isa, mas nilakasan ko pa ang tili nang mapansing wala ring saplot kahit isa ang lalaki katabi ko.







Agad siyang napaupo sa kama, tsaka ko lamang nakita kung sino ang lalaking kasama ko ngayon.







"D-Doc?"







Bigla itong naalimpungatan, "Why..." Mahinang aniya sa inaantok na boses.







"Why the fuck are you shouting?" Tanong niya at pumungas pa sa mata.







Naupo ako sa kama at binalot ng husto ang aking katawan. Laglag ang aking panga habang pinagmamasdan ang makalat na kwartong kinalalagyan namin.







"B-Bakit makalat d-dito?" Tanong ko.







Narinig ko ang bahagyang pagtawa niya kaya nilingon ko siya at sinamaan ng tingi , "You don't remember?" Tanong niya.







Kumunot ang aking noo, tumayo ako ngunit ganoon na lang ang pagngiwi ko at muling pagbagsak sa kama dahil sa hapdi ng naramdaman ko sa gitna ng aking dalawang hita.







Tinulungan ako ni Doc na ihiga muli ng maayos sa kama habang hindi nawawala ang ngisi sa kanyang labi.







"Bakit masakit ang ano 'ko?" Tanong ko sa kanya, kumunot ang kanyang noo ngunit hindi mapawi ang ngising nakaukit sa kanyang labi.







"Ang ano mo?" Pang-aasar pa niya.







Sinamaan ko muli siya ng tingin, "M-May nangyari ba sa atin kagabi?" Paninigurado ko.







PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt