CHAPTER 18

26.1K 740 16
                                    

CHAPTER 18






"ANONG POINT DOON?" Tanong ko.





Nagkibit-balikat siyang muli, "The point there is that, even the most impossible person can do impossible things so you should always beware." Banta niya.





Napakunot ang aking noo, "Bahala na, kapag nagkalakas ako ng loob." Tugon ko.





Napairap siya at humalukipkip pagkatapos, "Let's go to the mall," paanyaya niya.





Agad akong umiling, "Hindi pwede." Mabilis na tugon ko.





"And why? It's my treat," Paliwanag niya, umiling muli ako.





"Bukod sa masama ang pakiramdam ko, mapapatay tayo ng kuya Maximo mo kapag umalis tayo dito." Wika ko, tumawa siya at napairap muli.






"Hays ang boring kaya dito, I can't even spend an hour here. Let's go na please?" Pamimilit niya, tumawa ako at napailing.






Pinakiramdaman ko ang aking sarili kung kaya ko na bang gumalaw. Pinilit kong igalaw ang aking binti at napatango-tango nang makaramdam ng kaunting hapdi na lamang.






"Sige, pero ikaw ang magpapaliwanag sa kuya Max mo ah. Lagot tayo doon," Wika ko, agad na lumapad ang kanyang ngiti nang dahil sa sinabi ko.






Nagtatalon siya sa tuwa at tumango-tango pa, "Alam mo parang hindi ka kolehiyala, isip bata ka." Wika ko. Natawa siya at napailing.






"I'm not, I'm just enjoying the benefits of being the only girl in the family that's why I'm acting like this." Paliwanag niya, napangiti ako. Ang swerte-swerte niya talaga.






"Let's go na nga, magpalit ka na ng damit para makapunta na tayo ng mall." Utos niya, tinulungan niya akong makatayo at makaakyat ng hagdanan papuntang second floor.






"What's that? Sa dinami-dami ng damit dito wala man lang ni-isang pang-babae?" 'Di makapaniwalang tanong niya habang pinagmamasdan ang maayos na mga damit sa walk-in closet na nandoon.






Lumapit ako, maayos na nakasalansan ang mga damit sa loob at ang ganda ng pagkaka-organize ng mga gamit sa loob na parang isang babae ang may-ari.






"Ang organized ni Doc." Komento habang nakangiti.






Natawa siya, "Sa kanila nila kuya Luther, si Doc ang pinaka-organized. Sa ayos ng gamit no'n daig pa ako," pagku-kwento niya habang pinapasadahan ng tingin ang mga gamit ni Doc.






"Mukha nga e," tugon ko.






Inilabas niya ang isang long sleeve na polong puti at itinapat sa akin, "This will do," aniya.






Iaabot niya pa lang sana sa akin nang sabay kaming mapitlag nang makarinig ng pagkabasag ng kung ano sa ibaba.






"Is there a maid downstairs?" Tanong niya sa akin, base sa nakita ko kanina ay wala namang tao maliban sa amin.






"Wala naman akong naalalang binanggit ni Doc tungkol sa maid." Tugon ko, napahawak siya sa aking pulsuhan na parang natakot.






Agad na dumako ang kaba sa aking dibdib, baka mamaya ay may nakapasok na magnakakaw.






"Oh my God, baka may ghost sa baba." Aniya, napasapo ako sa aking noo nang dahil sa sinabi niya.






PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)Where stories live. Discover now