CHAPTER 4

32.3K 974 162
                                    

CHAPTER 4





"SWEETHEART!" Halos mapangiwi ako nang marinig ang pagtawag ni Benji sa akin.




Lumapit siya at agad akong siniil ng mainit at mahigpit na yakap. Nakita ko sa aking sulok ng mata ang pagngiwi ni mamang at papang nang makita ang ginawa ni Benji.




Nang maglayo ang aming katawan ay awkward akong ngumiti sa kanya, "Paano mo nalamang nakauwi na 'ko?" Tanong ko.




Malapad ang kanyang ngiti at kitang kita ko ang gilagid niyang may kaitiman. "Sinabi sa akin nila aling Rosa sa bayan kaninang tanghali na nakauwi ka na raw dito kaya dali-dali akong pumunta dito," Paliwanag niya.




Tumawa ako, "Sana 'di ka na pumunta." Bulong ko.




"Ano 'yon, Sweetheart?" Tanong niya.




Tumawa ako, "Ha? May sinabi ba 'ko? W-Wala.." Tugon ko at tinapik pa ang kanyang balikat.




"Sinadya talaga kitang puntahan dahil alam kong wala kang balak na sabihin sa akin ang pag-uwi ko. Alam ko kase nagpapa-miss ka sa akin," Makapal ang mukha na aniya.




Gusto ko siyang kaltukan upang gisingin sa katotohanang wala akong gusto sa kanya at nababaliw na siya ngunit hindi pwede dahil paniguradong pagginawa ko 'yon ay pupulutin kami sa palayan.




Kung tutuusin ay pwede kaming humingi ng tulong kila Don Raul ngunit mataas ang pride ng mga magulang ko. Hindi sila humihingi ng tulong sa iba.





"Gusto mo bang kumain muna tayo?" Pag-aaya niya. Agad akong umiling, "H-Hindi na, Benji. Kakatapos lang kase naming kumain kanina nila mamang." Tugon ko.





Sumimangot siya at pinalibot ang kanyang dalawang braso sa aking bewang, ngumiwi muli ako at bahagya siyang tinulak ngunit hindi siya natinag.





"Sige na, Pilar. Alam mo namang miss na miss na kit——" Agad siya napatigil nang iiwas ko ang aking mukha sa pagtangka niyang paghalik sa labi ko.





Kumunot ang kanyang noo, "Mag-iisang taon na kitang nobya, Pilar pero kahit isang halik hindi mo pa ako nabibigyan. Napipilitan ka lang ba dahil nakasanla ang lupa niyo sa amin?" Tanong niya.





Gusto ko siyang sigawan ng isang malaking oo pero katulad kanina ay alam kong hindi pwede.





"H-Hindi sa gano'n, Benj. Nandyan kase sila papang." Pagpapalusot ko, agad na sumilay ang pilyong ngiti sa kanyang labi.





"Hindi mo naman sinabi agad na gusto mo pala na tayong dalawa lang, edi sana matagal na kitang binuntis para hindi ka na makawala sa akin." Aniya, gusto kong masuka sa mga sinasabi niya.





Nandidiri ako sa isipin pa lang na lalapat ang labi ko sa labi niya. Bigla tuloy akong kinilabutan.





Hindi katulad ng nararamdaman ko kay doc na kahit tingin pa lang sa labi ay alam kong masarap na.





Hi-hindi pa lang sana ako ngunit hinaltak niya ako papunta sa kanyang kabayo, "Saan mo 'ko dadalhin?" Tanong ko sa kanya.





"Sa bahay, solo natin ang kwarto ko doon, Sweetheart." Aniya.





Agad kong binawi ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya, "H-Hindi pwede, marami pa akong ginagawa." Tugon ko.





Kumunot naman ang noo niya at bago pa makasagot ay may humila ng pulsuhan ko palayo kay Benji.





PSYCHOPATH #4: Maximo Zalduque | Deceived Shot (COMPLETED)Where stories live. Discover now