Chapter 48

1.6K 61 30
                                    

Dedicated to: TristeMademoiselle JhanndyGurl Jeydiiann ms_tess bitchusers mixx_rv..

"Just because I'm strong enough to handle pain, doesn't mean I deserve this.."

~Justin Dane Santos

Dane's POV

Pagkatapos ng laro kanina napag pasyahan nilang mag celebrate.

Gusto ni Oppa na mag celebrate kasama ang mga team niya. Walang iba kundi ang M5. Okay lang naman sa akin pero gusto kaming isama nila Alex sa celebration nila dahil nanalo din naman kami ni Nate sa swimming kaya wala na din akong nagawa. Double celebration daw. Gusto rin kasing sumama sila Couz at Nick.

Napag usapan nilang sa bar nila Alex nalang daw kami dahil sa kanila naman yun kaya okay lang na maglasing, ika nga ni Jan Dane. Wala din namang pasok bukas dahil kailangan din daw ng pahinga.

Pinayagan din naman ako ni Oppa na sumama, wag lang daw uminom ng marami. Pero si Nick at Couz gusto daw nilang uminom ng marami hanggang sa malasing. Sanay din naman si Couz sa inuman dahil palagi siyang umiinom kapag may gatherings. Ganun din naman ako pero hindi ako umiinom dahil nga ipinag babawal sa akin dahil sa asthma ko. Kaya minsan hanggang tingin nalang ako kay Couz na umiinom habang ako nganga.

Nandito na kami ngayon sa bar. Si Couz ang nagdrive. Kanina pa kasing nauna sila Nate kasama si Oppa.

Pagpasok pa lang namin sa loob. Bumungad na sa amin ang amoy ng alak at sigarilyo. Napatakip tuloy ako sa ilong.

Dumiretso kami sa loob at hinanap ang mga kasama namin.

"There you are.." Bulong ni Couz at kumaway kila Nate sa di kalayuang table.

Naglakad kami palapit doon. Sinalubong agad kami ng kantyaw ni Alex ng makita kami.

"Ang sesexy natin ngayon ah!" Pang aasar niya habang tiningnan kami mula ulo hanggang paa.

Napatingin ako sa kanilang mukha ng mapansing namumula na ang mga ito. Are they drunk already?

Napatingin sa akin si Ethan at biglang sumama ang mukha kaya napairap ako.

Inalalayan kaming maupo ni Nate ng mapatingin siya sa suot ko at tinaasan ng kilay.

Ayaw ba nilang nandito ako?

Magkatabi sa iisang sofa sina Ethan, Tristan at Jan Dane. Nasa kabilang sofa naman si Alex at Nate. Magkakatabi kaming tatlo nila Couz. Nasa pang isahang sofa naman nakaupo si Oppa.

Tumayo muna ako para batiin siya.

"Hi Oppa!" Nakangiti kong bati. Hinalikan ko siya sa pisngi at naupo muli sa inuupuan ko.

Ganun din ang ginawa ni Couz at Nick na tinanguan niya lang.

Napatingin muli siya sa akin at tinangnan ng mula ulo hanggang paa. Napailing siya at parang nadismaya siya sa suot ko.

"Is that dress new?" Nakataas kilay nitong tanong.

Napatingin naman lahat ng kasama namin sa akin. Nakita ko pang biglang napailing si Ethan sa akin.

Naka black ako na tight dress. Hindi naman sexy ang nasa dibdib kasi aware naman akong maliit lang ang hinaharap. Aware din naman akong revealing ang likod at ang skirt ay masyadong maiksi.

Unexpectedly In Love With The Campus HeartthrobWhere stories live. Discover now