Chapter 21

1.9K 293 5
                                    

Ethan's POV

Nandito ako ngayon sa bahay, nag papalipas ng oras dahil maaga akong nagising. Sobrang saya ko dahil sinagot na ako ni JD.

Flashback..

"JD.." Tawag ko napatingin siya sa akin kaya napangiti ako at linapitan siya. Nakatitig lang ako sa mga mata niya ng bigla siyang pumikit. Hinalikan ko siya.

Kiss back and you're mine..

Napangiti ako ng tumugon siya sa halik ko.

"I love you.." I whispered.

"I love you too.." Sagot niya kaya nagulat ako at napatingin sa kanya. Tama ba ang dinig ko? Nag I love you too siya?

Tumingin ako sa kanya nakangiti siya kaya napangiti ako.

"What?" Takang tanong ko kaya natawa siya.

"Sabi ko I love you too.." Pag uulit niya kaya napangiti ako ng malapad.

"So tayo na?" Tanong ko sa kanya kaya napatango siya. Bigla ko siyang niyakap sa sobrang saya ko.

"I love you.." Bulong ko atsaka siya tinitigan sa mata.

"I love you too.." Sagot niya kaya hindi ko mapigilan at binuhat ko siya at pinaikot ikot.

"I love you JD!" Sigaw ko natawa naman siya.

"EJ ibaba mo ko!" Sabi niya kaya binaba ko siya at niyakap ng mahigpit. Ang saya ko.

"Thank you.." Sabi ko at dinampian siya ng halik sa labi.

End of flashback..

Habang naalala ko yun, napapa ngiti talaga ako.

Ring ring ring..

Napatingin ako sa alarm clock ko, kailangan ko ng maligo. Pumasok na ako sa bath room at nag shower lang ako. Nang makitang okay na, agad akong lumabas at nag bihis. Nag bihis lang ako at nag ayos tsaka bumaba.

Naabutan ko ang tatlong Unggoy na kumakain. Nasaan yung isang Unggoy?

"Good morning!" Sigaw ko.

Gulat silang napatingin sa akin. Nagkatinginan pa sila at nagtatakang napatingin ulit sa akin.

"Aba't! Himala ata ngayon, end of the world na ba?" Nag tatakang tanong ni Alex pero hindi ko siya pinansin, umupo ako sa tabi niya at kumain.

"Anong nangyari sayo?! Tinuloy mo ba yung pagda drugs kahapon!" Sigaw ni Jan Dane kaya natawa ang dalawang Unggoy.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Asan si Nate?" Takang tanong ko.

"Maagang umalis may pupuntahan ata.." Sagot ni Tristan kaya napatango ako.

"Bakit ang saya mo ngayon?" Takang tanong ni Alex sa akin sakto namang dumating si Nate at tiningnan ako ng seryoso. Tinaasan ko siya ng kilay. Anong problema nito?

"What?" Tanong ko pero ngumisi lang siya.

"Tandaan mo yung sinabi ko sayo.." Sabi niya kaya napakunot noo ako. Tumingin naman sa akin ang tatlo ng nagtataka.

Unexpectedly In Love With The Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon