Chapter 24

1.8K 288 9
                                    

Dane's POV

Day 2 intrams..

Tuesday ngayon at ngayon mag sisimula ang mga games. Wala muna kaming games ngayon dahil mamayang hapon pa ang laro ng basketball ng section namin. Andito kami ngayon sa classroom nag memeting about sa pag Cheer daw namin sa mag lalaro ng basketball. Ang supportive namin nuh? Well ganyan talaga kailangan naming I cheer yung section namin kahit yun lang daw ang maitulong namin para sa mga kaklase naming maglalaro. Gumagawa na rin kami ng mga banners namin para mamaya.

"Just gawa tayo ng banner para kay Nate.." Sabi ni Nick kaya nagkatinginan kami ni Couz at ngumiti ng nakakaloko. Tingnan mo to, sinabing para sa lahat ng section eh. Psst

"Hay naku Nick!" Pailing iling kong sabi at pinagpatuloy ang ginagawa kong banner. Actually gumawa naman na talaga ako para kay Nate, EJ at sa mga kaibigan namin at kaklase namin para naman makabawi din sa pagsupport nila sa amin ni EJ.
Napatingin ako ng magsipasok ang mga boys. Sila kasi ang inutusan para mag ayos ayos ng gagamitin sa Court para sa intrams. Mamayang hapon na kasi ang starting ng games.

"Hi love.." Bulong ni EJ at tumabi sa akin agad ko namang itinago ang mga banner na ginawa ko. Napakunot noo siyang napa tingin sa akin pero ngumiti lang ako at pinisil ang ilong niya kaya natawa siya.

"Musta sa baba tapos na ba?" Tanong ko at inabot ko sa kanya ang isang boteng tubig atsaka pinunasan ang kanyang pawis.

"Yeah tapos na.." Sagot niya atsaka siya uminom ng tubig. Tumayo ako at agad naman siyang napatingin sa akin.

"Lalabas lang ako saglit may ilalagay lang ako sa locker.." Sabi ko at inayos ang ginamit ko kanina at inilagay sa bag ko. Nagulat ako ng bigla rin siyang tumayo at kinuha ang bag mula sa akin.

"Ako na.." Sabi nito at hinawakan ang kamay ko palabas kaya napailing nalang ako. Malapit lang naman ang locker kaya agad din kaming naka rating dun at inilagay ko na ang mga gamit ko.

"Tayo na?" Aya ko at tumango naman siya at inakay ako.

Napatingin ako sa kanya ng ibang direksyon ang tinungo niya. Nasa second floor kasi kami pero sa kanan kami dumaan kung saan papuntang rooftop.

"What are we doing here?" I asked.

"I just want to spent time with you.." Sagot nito.

"Here.." Turo niya sa semento at umupo kaya tumabi na rin ako sa kanya. Pinatong niya ang ulo niya sa lap ko atsaka pumikit. Matutulog siya? Hinawakan niya ang isa kong kamay at ipinatong sa dibdib niya. Malaya ko namang hinaplos ang kanyang gulo gulong buhok. Tinitigan ko siya sa mukha, ang amo ng talaga ang mukha niya lalo na kapag tulog. Nakatitig lang ako sa kanya hanngang sa mag ring ang phone ko. Napatingin ako sa caller.

Couz's calling..

"Yes?" Sagot ko. Bumulong bulong naman siya sa kabilang linya. Anong problema niya?

"Where are you?!" Sigaw ni Nick sa kabilang linya kaya nailayo ko ang phone sa tenga ko. Maka sigaw naman tong babaeng to.

"Andito sa rooftop.." Sagot ko at kinuskos kuskos ang tenga ko. Nabingi na ata ako.

"Bumaba na kayo dahil malapit na ang games ng basketball 10 minutes na lang kaya bilisan niyo!!!" Sigaw niya kaya muntik ko ng mahulog sa mukha ni EJ ang phone ko. Tiningnan ko ang phone, call ended na. Buti nalang hindi nahulog ang phone ko sa mukha niya kundi baka maging monster na naman siya, mahirap na.

"EJ.." Tinapik tapik ko pa siya sa braso para magising.

"Hmm.."

Tinapik tapik ko ulit siya at nagising naman siya at papikit pikit pa siyang tumayo at nag unat unat.

Unexpectedly In Love With The Campus HeartthrobWhere stories live. Discover now