Chapter 44

935 92 22
                                    

Dedicated to: jamillhadel bitchusers LadyRollyve Jeydiiann JhanndyGurl ms_tess mixx_rv..

"Inlove my ass! Fucking inlove. I don't fucking believe in Love.."

~Ethan James Torres

Tristan's POV

"Taena! Buti nalang magaling akong mag imbestiga kahit walang cctv basta may Gwapong magaling makinig.." Pagmamayabang ni Jan Dane habang pahimas himas sa tiyan.

We are here in the canteen. Tinawagan kasi nila ako para magpalibre ang dalawang Unggoy.

"Nabusog ako dun ah!" Sabi ni Alex habang pahimas himas sa tiyan.

I was just looking at them. Busog na busog ang mga Unggoy. Samantalang ako hindi manlang nakakain. Ako pa pinagbayad nila.

"Ano? Success ba? Para kayong mga Unggoy na patay gutom.." Panenermon ko.

"Buti nga pumunta ka kundi hindi kami mabubusog ngayon.." Napailing nalang ako sa sinabi ni Jan Dane.

"Wala ba kayong pera at ako pa ang pinagbayad niyo sa mga kinain niyo?" Naiinis kong tanong.

"Nagutom nga kami sa pag iimbestiga.." Angal ni Alex.

"Did I tell you to investigate!" Lintanya ko.

"Wala kang naitulong sa imbetigasyon namin dahil wala ka namang nakuhang cctv footage kaya dapat lang na ilibre mo kami!" Bulyaw ni Alex. Unggoy na to.

"Buti naman at nakakalap kayo ng ebidensya.." Pag iiba ko sa usapan. Mahirap na baka kung anong paniningil na naman ang madawit nila.

Napangisi naman sila na parang nagmamalaki kaya napairap ako.

"Tayo na nga at maturuan ang leksyon ang gumawa nun kay Justin.." Aya ko. Tumango naman sila.

Sabay sabay kaming tumayo at umalis na doon.

Alex's POV

Agad kaming nakarating dito sa Court. Naabutan pa namin si Ethan at Nate na busy'ng nakatutok sa laptop.

"Watz'up mga Unggoy!" Bati ko. Napatingin naman sila sa akin at tiningnan ng masama.

"Ano may nakita ba kayong ebidensya?" Tanong ni Nate.

Nagsiupo naman kami at tumabi sa kanila.

"Ano yan?" Takang tanong ko at nakisilip sa pinapanood nila.

"May nakita naman pala kayong cctv footage e!" Reklamo ni Jan Dane.

"Kita mo namang blurred diba!" Pang iinis ni Tristan.

"Sino kumuha niyan? Buti nakapasok sa cctv room.." Komento ko matapos kong mapanood ang video.

"Hiningi ko kay Sir Arthur ang susi sinabi kong inutusan ako ni Coach Dale.." Sagot ni Nate.

"Ipakita niyo na ang nakalap niyong ebidensya at ng maturuan ng leksyon ang gumawa nun kay JD.." Singit ni Ethan sa usapan.

Hinila naman ni Tristan ang white board sa tabi niya at inilagay sa harap namin.

Unexpectedly In Love With The Campus HeartthrobWhere stories live. Discover now