Chapter 35

1.6K 279 28
                                    

A/:N: Sorry for the late Updates..

Hi!mskyut12 LadyRollyve marites mariarollyve JhanndyGurl Jhay_marie AthenaLJDajalos Salamat po sa pag hihintay ng Update. Para sa inyo to!

"Maybe I'm selfish when it comes to the person I love.."

~Ethan James Torres

"Sumingit? Samantalang ako ang bestfriend niya. I know her better than you James.."

"Alam mo ba ang pinakaayaw ko sa lahat. Yun yung pinapalayo ako sa taong importante sa akin at higit sa lahat yung taong dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay sa mundong ito.."

~Nathan Sera

Ethan's POV

Tuesday na ngayon at ngayong araw na ang simula ng practice namin para sa next game namin next month. Maaga kaming pumasok ngayon. Nandito na kami ngayon sa M5 quarter. Nagpalit lang kami ng Jersey at sapatos atsaka lumabas na.

"Wala pa ba si coach?" Takang tanong ni Jan Dane. Ang tinutukoy niyang coach ay si Sir Andrew. Siya kasi ang nagsisilbing coach namin.

"Mamaya na siguro dadating yun.." Sagot ni Nate.

"James catch!" Sigaw ni Tristan habang hawak hawak ang bola. Agad ko naman itong sinalo ng bigla niyang ihagis banda sa akin.

Drinible drible ko ito at itinaas sa ere.

"Torres for three!" Sigaw ni Alex.

'Shoot!'

Nasa kay Nate naman ngayon ang bola at itinira sa three point shot.

'Shoot!'

Nakuha naman agad ni Tristan ang bola at tumira rin ng three point shot.

'Shoot!'

Nakuha naman ni Alex ang bola at tumingin sa akin. Sinyales na ipasa niya sa akin. Tumango ako at sinalo ang bola tsaka ipinasa ulit sa kanya. Tumalon siya at sinalo ang bola atsaka ibinalya sa ring.

'Shoot!'

Si Jan Dane naman ang sunod. Ipinasa ko sa kanya ang bola.

Tumalon siya at sinalo ang bola at ibinalya sa ring.

'Shoot!'

Ang gagaling talaga ang mga Unggoy. Walang kupas.

"Line up!" Sigaw ko.

Agad naman nila akong sinunod. Sininyasan ko silang mag line sa gilid. Ganito yung ginagawa namin tuwing wala yung nagsisilbing coach namin na si Sir Andrew. Kahit wala kaming coach kaya naman naming mag practice ng kami kami lang.

Ipinasa ko kay Alex ang bola, siya kasi ang nasa unahan.

Tumalon siya. Sinalo ang bola at isinaksak sa ring.

'Shoot!'

Kinuha agad ni Nate ang bola at ipinasa sa akin.

Tumalon siya kaya ipinasa ko sa kanya ang bola. Nasalo naman niya ito at itinira sa ring.

Unexpectedly In Love With The Campus HeartthrobWhere stories live. Discover now