Chapter 5

2.9K 345 0
                                    

"Kung hindi kita sinampal. Ako ang sasampalin mo? No one can touch my Face.."

~Justin Dane Santos

Dane's POV

"Nate.."

Napa angat siya ng tingin. Halatang nagulat ng makita ako.

"Justin.."

Nakita ko siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Buti nalang walang nakapansin sa amin kaya okay lang. Niyakap ko siya pabalik. Kumalas siya sa akin.

"Musta na-.." Hindi niya natuloy yung sasabihin niya ng biglang may umakbay sa akin.

Nagsalubong ang kilay niya at tinaasan niya ako ng kilay. Aissh! Bwiset. Andyan na naman ang kumag. Wrong timing talaga kahit kelan e.

"Bro, what are you doing here?" Takang tanong ni Ethan sa kanya at tumingin pa sa akin.

Ngumiti muna siya bago sumagot. "I was probably going to go out but I found a pretty girl.." Kinindatan niya ako kaya napailing nalang ako.

Hindi pa rin siya nagbabago. Naramdaman ko namang humigpit ang pagkakaakbay ni Ethan sa akin. Siniko ko naman siya pero nakatingin lang siya sa kausap.

"So, did you already know her?" Tanong niya kay Nate.

Napatingin naman siya sa akin at ngumiti ng nakakaloko.

"Yeah. Ako pa ba.." Sagot niya.

"By the way. She's my girlfriend.." Sabi ni Ethan.

Nagulat naman kaming pareho sa sinabi niya.

Tumingin ako sa kanya at nakatingin rin siya sa akin. Napailing siya at nagseryoso. Kaya bigla akong kinabahan. Tumingin ako sa kanya. Tiningnan niya ako na parang may pina pahiwatig. 'Mag usap tayo mamaya look'. Agad ko namang nakuha ang gusto niyang ipahiwatig kaya napatango ako at umiwas ng tingin sa kanya.

"Okay then.." Sabi niya at pumasok na siya. Pumasok na rin kami ni Ethan.

Pagpasok namin napatingin silang lahat sa amin kasama si Nicole. Ang sama ng tingin nila sa akin ng mga ibang Girls. Parang nilulusaw nila ako sa mga titig nila.

Gosh!

Napakagat ako sa kuko ko.

Napatingin ako don sa apat na nang aasar kay Ethan. Nagulat naman ako ng kinuha niya yung kamay ko at dinala sa likod.

Napatayo yung dalawa at pinagbatukan nila si Ethan. Ang kukulit nila. Napatingin naman sa akin ang dalawang lalaki. Napaka seryoso ng mukha.

"Hi!" Bati nung isang lalaki. Nginitian niya ako kaya napangiti naman ako ng pilit.

Sila yung mga kaibigan ni Ethan. Sila yung sinasabi ni Nicole sa akin.

"What's your name?" Tanong nito.

"I'm Dane.." Sabi ko sa kanya at ngumiti ng tunay.

"Ako si Jan Dane. Magka pangalan pa tayo. Parehong Dane.." Napakamot pa siya sa ilong niya kaya natawa ako. Ang cute niya. Mukha nga siyang mabait at friendly.

"Hi.." Napatingin naman ako sa katabi niya. Ngumiti siya. Ang cute niya.

"I'm Alex.." Pagpapa kilala niya. Inabot niya yung kamay ko at nakipag shake hands.

"I'm Dane.." Sabi ko at ngumiti. Ngumiti naman siya pabalik.

"I'm Tristan. Dane right?" Tumango ako at ngumiti sa kanya.

Napaka seryoso niya. Hindi ko alam kung iaabot ko ba kamay ko sa kanya at makipag shake hands o hindi. Pero inabot ko parin sa kanya kinuha naman niya ito at nakipag shake hands.

Unexpectedly In Love With The Campus HeartthrobWhere stories live. Discover now