Chapter 17

2K 307 13
                                    

"Sometimes you need to avoid getting hurt.."

~Ethan James Torres

Dane's POV

Nandito ako ngayon sa may corridor ng classroom namin. Mag isa lang ako dahil pinauna ko na sina Couz at Nick. May dadaanan pa kasi ako sa locker ko at dadaan din sa rest room.

Kunting lakad lang makakarating ka na agad sa classroom. Papasok na sana ako ng makasalubong ko si Cathy. Medyo nagulat pa ako nung lumapit siya sa akin.

"Ethan is only mine!! Mine!" Sigaw niya. Pinagdiinan niya pa ang salitang mine. Hindi ako nakasagot dahil sa gulat.

Sasampalin niya na sana ako ng may pumigil sa kamay niya. Si.. EJ?

"Don't try to hurt her, If you don't want for me to hurt you.." Tsaka niya binitawan ang kamay ni Cathy.

Tumingin at humarap siya sa akin.

"Sometimes you need to avoid getting hurt.." Seryosong sabi nito.

Napatitig ako sa kanya. Parang may ibig sabihin yung sinabi niya.

"Why don't you try to defend your self.." Sabi pa niya atsaka siya naglakad palayo.

Ang kapal naman niya dahil nga sa kanya napapahamak ako eh.

Papasok na sana ako ng inunahan ako ni EJ, aba! Naglakad lang siya palayo kanina tapos andyan na pala sa likod ko.

Nakatingin lahat sa amin ang mga kaklase namin. Ang awkward! Is this really what it takes to be his girl? Fake girlfriend niya nga lang ako hassle na Paano na kaya kung totoo na? Eh di mas lalong stressed.

"Mr. Torres and Ms. Santos you're late.." Sita ng teacher namin si Sir Andrew. Health nga pala namin ngayon. Kasalanan ni Cathy to eh!

"Sorry Sir.." I apologized.

Si EJ naman ay parang wala lang, pumasok na siya kaya pumasok na rin ako.

"Okay Ms. Santos, well since you are both late kayo na ang mag partner.." Sabi niya at tumango nalang ako at napairap. May choice pa ba?

"Pwumesto na kayong dalawa, so we could start our second activity.." Utos nito.

Umupo ako at bumulong sa kanya nasa likod ko lang kasi siya kasama yung apat.

"Alam mo bwiset ka!"

"Cute naman.." Pang aasar niya.

Ay grabe ang self confidence niya noh! Ang kapal ng dictionary! Pero okay na din yun kesa hindi niya na naman ako pansinin. Bipolar kasi.

Puro bangayan lang kami ni EJ, pero kami pa rin ang unang nakatapos nung activity. May next activity daw pa kami pero wala ng time kaya sa Friday nalang ibibigay ni Sir at ipapasa sa Monday by partners din daw yun.

Nung break time na ay hindi niya ulit ako pinansin, bipolar talaga siya noh! Ang sarap sapakin. Kasama ko ngayon si Couz at Nick. Nakabili na kami ng pagkain at nakaupo na din kami.

"Okay na kayo ni Ethan?" Tanong ni Nick.

"I don't know siguro oo?" Patanong kong sagot. Diba nga ilang araw siyang hindi nakipag usap sa akin mula nung tumugtog sila.

"Diba sabay kayo kanina?" Tanong ni Couz at napairap.

"Nope he saved me, hinarang ako kanina ni Cathy at sasampalin na sana niya ako pero dumating siya.." Kwento ko.

Mukha naman silang nagulat.

"What? You mean nagpatalo ka sa Cathy na yun?!" Sigaw niya.

Napatingin pa nga yung mga kumakain sa canteen kaya tiningnan ko siya ng masama.

Unexpectedly In Love With The Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon