Chapter 13

2.2K 320 7
                                    

Dane's POV

Kakarating lang namin dito sa school. Ako ang naka assign na mag drive. Dumiretso na kami sa classroom. Hindi ko na inantay si Ethan di naman niya ako sinabihan kasi alam naman niyang may kasabay ako. Baka nga mag antay ako sa wala at mag mukhang tanga.

Pinauna ko na muna yung dalawa kasi dadaan pa ako sa locker ko. Nang nakuha ko na yung dapat kong kunin dumiretso na ako sa classroom. Pagdating ko wala pa siya? Sinabi ko na nga ba! Siguro late yun o di kaya kasabay niya yung apat.

Bigla naman may umupo sa tabi ko hindi ko na pinansin nandyan na siguro si Nick.

"Hoy Miss sungit?!" Ang aga aga kung makasigaw naman to.

"Ano?!" Sigaw ko din. Nasaan na ba si Nick?

"Wala!" Sagot nito.

Hindi niya ulit ako kinausap, tahimik lang siya sa likod ko. Kahit nung break time hindi niya ako pinansin. Anong trip niya?

Nung English time na namin may sinabi yung teacher namin na group activity. Si Allen yung ka partner ko classmate namin siya. Si Couz at Nick naman may kanya kanya din silang partner kaya nag focus nalang ako dito kay Allen.
Kaya nag usap kami tungkol sa activity, makulit siya kaya tawa kami ng tawa.

Nakatingin naman si Ethan sa amin. Ang sama ng tingin niya? Pero hindi ko nalang siya pinansin. Nagpatawa ulit si Allen kaya natawa na naman ako. Ang kulit niya ang dami niyang joke.

"Can I get my Girlfriend?" Nagulat kami pareho ni Allen nung lumingon kami at nakita si Ethan. Ewan ko pero nung sinabi niya yun ang weird ng naramdaman ko.

"Girlfriend??" Tugon ni Allen.

"Bro, don't act as if you don't know anything.." Sabi ni Ethan.

Iba yung aura niya, parang anytime pwede siyang manapak.

"What's your problem?" I asked calmly.

"Wala.." Sagot niya.

"Eh bakit ka ganyan?" Takang tanong ko.

"Ano bang pake mo?!" Bulyaw niya.

Napatingin tuloy sa amin yung mga kaklase namin.

Agad akong napatahimik don sa sinabi niya, oo nga? Anong pake ko? I'm just his fake Girlfriend.

"Mall 5:00 pm magkita tayo doon mamaya.." Sabi niya atsaka siya umalis.

"Ano yun?!" Takang tanong ko. Nakakloka! Nasiraan na ata ng bait.

Nakauwi na kami sa bahay ngayon. Grabe! I'm so tired. Gusto ko na agad matulog.

***

Napabalikwas ako sa paulit ulit na tunog. Ano yung ingay na yun?

Pagtingin ko, yung phone ko pala yung ring ng ring.

Nagulat ako kasi pagbukas ko ng phone ko, may ten missed call na. Unknown number? Sino ba to? Binasa ko yung text, at alam niyo kung sino? Si Ethan lang naman.

Why the hell would he call me? 7:00 pm na oh!

Oh Gosh!

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko napamura nalang ako.

Shit!

Oh Gosh! Andun pa kaya siya? Ang lakas pa ng ulan.

Bahala na nga!

Agad akong nagbihis ng damit at sumulat ng notes kay Couz at Nick na umalis ako. Dali dali akong umalis ng bahay.

Ginamit ko yung kotse ko. Habang nasa biyahe ako sinusubukan ko siyang tawagan pero hindi niya sinasagot. Tinext ko na din siya na papunta na ako.

Unexpectedly In Love With The Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon